Chapter 53

59 5 0
                                    

 NP: Without you  BY: Aj Rafael ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NP: Without you
BY: Aj Rafael ft. Moira Dela Torre

Bisperas..

SANDY

Maaga akong nagising kaya tinulungan kong magwalis sa harapan si nanay Almira. Ang saya siguro kung nandito sina mommy at daddy pero naiintindihan ko naman saka para na rin sa katahimikan ng kalooban ni kuya Ziedge.

Pagkatapos namin magwalis ni nanay Almira ay nagpalit lang ako ng damit. Pagbaba ko gising na rin si Patrick na umiinom na ng kape.

"Good morning beybe.." ibig kong matawa pero ang sarap lang sa pakiramdam.

"Good morning unggoy himala ah ang aga mo ngayon gumising," kumuha ako ng mga eco bags para may paglagyan kami nanay Almira sa pmimili para sa paghahanda sa noche buena.

"Hindi ako sasama kina Ziedge ngayon pauwi ng Dulce."

"Ang bagal mo Sandy."

"Demi? Pati ikaw? Baka pagkaguluhan ka na naman sa market?" Itinaas niya ang mask kaya ngumiti ako.

"Oh halina mga bata para naabotan natin na mga fresh ang ating bibilhin," sumunod kami kay nanay Almira saka kami sumakay mini truck tapos si Patrick ang driver. Wala pa kasing alas-sais ng umaga kaya sigurado akong makakapamili kami ng maayos.

Nang makarating ay wala pang masyadong tao.

"Demi okay ka lang ba?" Kumapit ako sa braso nito.

"I'm fine.. Gusto kong maranasan ipagdiwang ang pasko at ang aking kaarawan. Alam kong nag-aalala kayo ni Patrick pero narito kayo sa tabi ko at hindi ko iisipin na mag-isa lang ako. Kahit na aalis sila Ziedge ngayon, sana lang makabalik sila kaagad."

"Babalik sila Demi magtiwala ka lang kay kuya okay? Basta kapag nararamdaman mong hindi ka maayos sabihin mo lang ah," niyakap ko siya.

"Thank you Sandy.."

"Paano ako?" Napalingon kami kay Patrick na nakiyakap sa amin.

"Hay nako tama na tara na at baka maubusan tayo ng king crab."

"Iyan tayo e mas mahal mo na 'yon kaysa sa akin 'no?"

"Seriously Patrick? King crab? Compare mo talaga sa sarili mo? Aba syempre king crab ako!" Pinitik niya ako sa noo. "Aray ko unggoy!"

"Nagseselos ako!"

"So?"

"Alam mo ikaw Sandeng gusto kong bumingo?"

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon