💙 Chapter 23 💙

194 6 0
                                    

Kim Ysmael's POV

Araw na ulit ny Lunes at gumising na ulit ako ng napaka-aga. Naligo at nakapag luto narin ako ng agahan ko. Sinubukan ko na ring mag ayos ng sarili ko gamit ang Contact lens at make up. At bigla namang may pumasok ng pinto habang kumakain ako.

"Oh Jane? Napa dalaw ka?" Ani ko.

"Wooowww ang ganda mo today huh! Inutusan ako ng manliligaw mo na sunduin ka, nag tatrabaho daw kasi siya kaya hindi daw siya makakasundo" Ani niya at naupo sa tabi ko at kumain.

"Luh grabe naman siya, kaya ko naman pumunta sa school mag isa" Nakangiting ani ko. Syempre kinikilig ako hehehe.

"Tsss! Ang sweet nyo kaya! At mukang seryosong seryoso siya sayo! Nakakainggit nga kayong dalawa eh" Nakasimangot na saad neto.

"Eh bakit kayong dalawa ni Lian Ley hindi ba kayo sweet?" Natatawang saad ko.

"Yun naman kahit anong landeng gawin ko don mukang hindi ako magugustohan nun. Mukang hinde siya interesado sakin, baka nga kahit tumuwad ako sa harapan niya hindi pa niya ako pansinin." Naiiritang sumbat niya.

"Ok lang yan!! Konting kembot lang yan! Makukuha mo rin yan" Nakangiting sabi ko.

"Bilisan mo na jan, baka ma-late pa tayong dalawa!" Utos niya.

Nang matapos kong kumain, agad naman kaming lumabas dalawa at sumakay sa kotche niya. Pagkadating namin sa School, pinag titinginan kami ng mga estudyante at napapa 'wow' ang buka ng bibig nila.

"Wow! Ganda mo Kim!!! Artistahin!" Ani sakin ni Miss President.

"Ahhh hindi naman, nag ayos lang ako ng sarili" Ani ko at naupo narin ako sa pwesto ko, at nag simula na kaming mag klase.

—————

Capricornous Chen/ Chen Yu Li's POV

"Pre ano ginagawa mo?" Tanong sakin ni Mizuki.

"Namimili ng kutchilyo pampatay ng tao" Sagot ko.

"Sino papatayin mo?" Tanong niya.

"Ikaw" Ani ko habang busy parin ako sa pag pili ng knives.

"Tssss! Bahala ka mamimiss moko" Natatawang ani niya.

"Hinde, namimili ako ng ibibigay ko kay Kim." Ani ko.

"Eto bigay mo sakanya oh, ung karambit or balisong" Ani niya.

"Baket?" Tanong ko.

"Dahil madaling gamitin yung Karambit, kaya niyang matutunan agad, pero mahihirapan ngalang siya sa balisong." Ani niya.

"Pwede rin" Saad ko.

"Kung gusto mo samurai nalang bigay mo, para maganda" Nanlolokong saad niya.

"Hmmm ok, itong dalawa nalang bibigay ko sakanya" Kinuha ang dalawang kutchilyo at itinago ko na ang iba pang mga kutchilyo.

"Susunduin mo siya mamaya?" Tanong ni Lian Ley.

"Oo baket" Seryosong tanong ko.

"Pwede kami sumama?" Tanong ni Lian Ley.

"Hinde, may pag uusapan kami" Ani ko. "Asikasuhin nyo nalang ung bahay sa kabila"

"Hmmm ok, maayos naman na, nadeliver narin ung mga Appliances and Furnitures. Nag aayos nalang ngayon ang mga workers don" Ani niya.

"Ok good" Saad ko.

Wild Cold Hearts | Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon