💙 Chapter 31 💙

208 8 0
                                    

Kim Ysmael's POV

"Nasan na ung tatlo?" Tanong ko.

"Nandon pa sa kwarto nila, pero susunod daw sila dito" Sagot ni Dwayne.

"Ohh eh bakit kayo nag away?" Natatawang tanong ko.

"Eto kasi parang tanga, ang bobo mag english—" natatawang sagot ni Dwayne.

"Inaano ba kita?! Ang sakit mo manalita ah!" Hinampas ni Jane si Dwayne.

"Mas nakakasakit ka!" Iniilagan ni Dwayne ung mga hampas ni Jane "Ang sakit mo sa mata!"

"Kapal ng muka mo mas maganda pa nga ako sayo!" Tinarayan ito ni Jane.

"Huh?!!!! Ano?!!!" Sarkastikong tanong ni Dwayne.

"Bakla na nga, binge pa!" Nag mamalditang ani ni Jane.

"Oyyy tama na! Para kayong mga baliw!" Awat ko sakanila at biglang may kumatok sa pinto.

"Yu Li!! Pwede pumasok?" (Chinese Speaking) Tanong ni Liam Jo kumakatok sa pinto.

"Pasok!" Ani ni Yu Li at pumasok naman silang tatlo.

"Let's play again, !! Moba legen!" Ya'ya ni Li Mizuki.

"A'yo'ko na! It's so ma'hi'lap!" Ani ni Liam Jo.

"Uyyy pano natuto mag tagalog yan?" Natutuwang tanong ko kay Dwayne at Jane.

"Syempre kami paba!" Ani ni Jane.

"Oh sge turo mo sino maganda!" Ani ni Dwayne kay Liam Jo.

"I'kaw" Tinuro ni Liam Jo si Dwayne.

"Oh diba, ang ganda ko!" Nag mamagandang ani ni Dwayne.

"Kadiri ka! Ang sakit mo sa tenga!" Reklamo ni Jane.

"Si'ya din' ma'gan'da. Si kim Ma'gan'da ta'la'ga" Ani ni Liam Jo habang tinuturo kaming dalawa ni Jane.

"Ayon ang dapat! Ang galing galing talaga ni Liam Jo!" Ani ni Jane.

"Wag ka makinig jan panget yan!" Tinuro ni Dwayne si Jane. "Tara ML tayo!"

"Tssss! Baklang toh!" Tinarayan ni Jane si Dwayne.

"Pwede bang mahiga sa kama mo? Ang sakit kasi ng katawan ko" Tanong ko kay Yu Li.

"Sure, kailangan mo ba ng gamot?" Tanong niya.

"Ahhh hindi, baka normal lang to" Tumayo na ako at inihubad ang sapatos ko para mahiga.

"Guys labas muna kayo, may gagawin lang kami" narinig kong ani ni Yu Li.

"Anong gagawin nyo ah!" Sabi naman ni Jane.

"Basta, matutulog lang muna kami" Ani ni Yu Li.

"Tulog lang ah!" Rinig kong sabi ni Dwayne.

"Tsss" Ani ni Yu Li. Nag silabasan na silang lahat at isinara ang pinto.

"Gusto mo hilutin kita?" Tanong niya habang nakadapa ako at sinusubukan umiglip.

"Marunong ka?" Tanong ko.

"Tatanungin ba kita kung hindi ako marunong?" Tanong niya, at umayos ako ng upo.

"Tssss, ok basta ayusin mo ah!" Sabi ko.

Wild Cold Hearts | Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon