💙 Chapter 40 💙

199 6 0
                                    

Kim Ysmael's POV

Alas sinko na ng hapon. Araw na ng pag alis ko sa mansion na ito at ngayon ay nag aayos na ako ng gamit na dadalin ko pauwe, hindi naman lahat dadalin ko, ung bag ko lang pamasok ang dadalin ko pati ung mga cellphone ko.

Nakaligo at nakapag ayos na rin ako ng sarili ko pero hindi parin nawawala ung kaba sa dibdib ko, siguro dahil sa makikilala na nila ung bago kong manliligaw, or ayaw ko lang talaga umuwe. Basta hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako, walang oras na hindi nanginginig ung kamay ko.

"Ok kana?" Tanong ni Yu Li.

"Ahhh yes" Sagot ko at biglang may kumatok sa pinto.

"Boss, ok na ung sasakyan. Tapos na po ba kayo?" Rinig kong boses ni Liam Jo.

"Lalabas na Liam Jo, saglit lang" Sigaw ni Yu Li at nag suot na siya ng Blazer at inayos ko na rin ang sarili ko at sabay kaming lumabas.

Bumaba naman kami sa labas at nakita ko naman na nakaabang si tita at tito sa sofa.

"Ingat kayo anak hah, balik ka dito ah!" Ani ni tita at yinakap ako nito, nakakaagaw pansin ang malungkot niyang mata, hindi ko alam kung bakit pag nakikita kong ganito ang itchura niya nadudurog ung puso ko.

"Opo tita, mag kikita pa po tayo" Ani ko at bumitaw kami sa pagkakayakap.

"Bye po tito, maraming salamat po sa tulong" Yinakap ko rin ito.

"Wala un anak, balik ka dito ah" Bumitaw na kami sa pag kakayakap.

"Opo Tito! Promise po, pag hindi na po kami busy sa school pupunta po ako dito" Ani ko. "Sge na po, alis na po kami"

"Bye!! Ingat!" Kinawayan kami nila Tita at tuluyan na kaming lumabas ng Mansion at pumasok na kami sa Van ni Yu Li.

Si Liam Jo ang Driver, si Li Mizuki ang nasa Front seat, kami naman dalawa ni Yu Li ay nasa 2nd raw ng van, at si Lian Ley ang nasa likod namin.

"Congrats pala Kim ah! Proud kami sayo!" Ani ni Lian Ley.

"Thankyou" Nilingonan ko ito at nginitian.

"Congrats Kim! Ang galing galing mo!" Masayang sabi ni Liam Jo.

"Oo nga! Kaya idol ka namin eh" Ani ni Mizuki.

"Hehehe salamat!" Ani ko at tumawa ako ng mahinhin.

"Basta pag may kailangan ka lang tawagan mo agad kami ah! Pupuntahan ka kaagad namin" Ani ni Liam Jo.

"Ahhh opo kuya, sge po" Ani ko.


"Kelan ka ulit pupunta samin?" Tanong ni Mizuki.

"Baka pag hindi nako busy, marami kasi ako gagawin" Ani ko.

"Ahhhh sge sge" Ani ni Li Mizuki.

Habang papalapit na kami sa bahay lalo ako kinakabahan, medyo ginabi na kami dahil traffic sa dinaanan namin. Nang makarating kami sa tapat ng bahay, bumaba kami at binuksan ko na ang gate namin. Kinakabaham talaga ako, sasabog na ung puso ko, baka himatayin nako sa kaba. Siguro kung wala akong make up magmumuka akong patay dahil sa putla.

Binuksan ko na ang pinto namin at naabutan ko naman silang lahat na nanonood ng TV at mukang hindi sila interesado sa pag dating ko, ng biglang sumulpot sa tabi ko si Yu Li nanlaki ang mata nila.

Wild Cold Hearts | Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon