💙 Chapter 38 💙

203 6 0
                                    

Kim Ysmael's POV

Nagising ako dahil sa soft songs na pinapatugotog ni Yu Li, pero tinatamad ako bumangon dahil sobrang lambot ng higaan niya. Ang ang sarap sa pakiramdam ng kunot niya dahil ang kapal tapos nakapatay pa ung ilaw, naka dim light lang. Kaya kumain nalang ako ng Chocolate habang nakahiga at nag cellphone ako. Napansin kong masyadong mahaba ung tulog ko dahil 7:30 na agad, eto na dapat ang oras ng tulog ko sana pala hindi nako natulog kanina.

Biglang may nag bukas ng ilaw at narinig kong bumukas ang pinto.

"Gising naba si Kim?" Rinig na tanong ni tita.

"Opo tita, bakit po?" Bigla ako napaupo sa kinahihigaan ko, at nakita ko siyang may dalang tray.

"Tara na kain na tayo!" Ya'ya sakin ni Tita at inilapag niya ang tray sa lamesa. Tumayo na ako at umunat ng katawan atsaka pumunta sa Sofa.

"Kakagising mo lang?" Tanong ni Tita.

"Opo, masyado pong mahaba ang tulog ko" Sagot ko. "Nasan po sila Lian Ley"

"Tulog pa ata silang tatlo, hindi lumalabas ng kwarto eh" Sagot ni Tita.

"Bakit mo hinahanap?" Tanong sakin ni Yu Li.

"Wala lang, palagi kasi natin sila kasabay kumain, ngayon lang hinde" Sagot ko.

"Oh sha, kumain muna tayo. Kuha na kayo ng pagkain nyo jan" Sabi ni Tita at kumuha nako ng pagkain.

"Kelan graduation nyo?" Tanong sakin ni Tita.

"Di pa po sinasabi, sasabihin daw po sa meeting yon" Sagot ko.

"Ahhhh" Ani ni tita at nakita ko naman nagtinginan sila ni Yu Li pero hindi ko to pinansin.

"May gagawin kaba bukas?" Tanong ni Tita

"Wala nga po eh, pero pupunta daw po dito sila Jane. Nag sabi naba sila sayo Yu Li?" Tanong ko rito.

"Yah, pinayagan ko naman" Sagot niya.

"Anytime pwede sila pumunta dito, dahil kaibigan nyo naman sila" Nakangiting sabi ni Tita.

"Pero mukang wala rin po kaming gagawin dito, lalo't wala po dito sila Yu Li bukas dahil may pasok" Sabi ko.

"Ahhh, ako bahala" Sabi ni Tita.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Basta, may gagawin tayo bukas" Nakangiting sabi ni Tita.

"Ahhh sge po kayo po bahala" Sabi ko.

Pagkatapos namin kumain, iniayos na ng katulong nila ang pinag kainan namin at tumulong narin ako sa pag aayos.

"Kim, Yu Li, Balik nako sa kwarto ah. Matulog na kayo" Sabi ni tita at binuksan na niya ang pinto.

"Sge po tita, goodnight po!" Sabi ko at tuluyan na itong lumabas.

"Mag pahinga ka naman, buong magdamag ka ata nag trabaho" Umupo ako sa tabi ni Yu Li.

Wild Cold Hearts | Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon