Kim Ysmael's POV
Araw na ng Biyernes at kuhaan na ng Card at hindi ko parin alam kung sino ang kukuha ng Card ko. Wala kaming ibang ginawa ni Yu Li araw araw kundi mag practice sa shooting range, martial arts, at piano.
At ngayon naman ay oras na ng recess at nandito kami ngayon sa Cafeteria nila Dwayne at Jane at ni Manong Guard pero hindi pa namin kilala dahil bagong guard to. Kumakain kami ngayon ng Sinigang na Baka.
"Be sino kukuha ng Card mo?" Tanong sakin ni Jane.
"Hindi ko alam be eh, ikaw sino kukuha ng card mo?" Balik na tanong ko rito.
"Simula pa naman ng First Quarter walang kumukuha ng Card niyan, wag kana mag taka" Ani ni Dwayne.
"Oo nga eh, pero sabi ni Yu Li siya daw bahala kung sino kukuha ng card ko" Ani ko.
"May kukuha naman pala eh, baka siya" Ani ni Jane.
"Hindi daw eh, pag kakaguluhan daw siya dito" Saad ko.
"Ayy oo nga pala" Ani ni Jane.
"Tignan nalang natin mamaya kung sino" Ani ni Dwayne.
"Kayo sino kukuha?" Tanong ko.
"Si Mama kukuha nung akin eh" Ani ni Jane.
"Si Mama din sakin eh" Ani ni Dwayne.
"Ahhh ok, sana all may mama" Saad ko.
Nag patuloy tuloy lang kami sa pag kain at pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room.
•••••
Pagkalipas ng ilang oras ay nag si datingan na ang ibang parents at ung sakin naman ay hindi ko parin alam kung sino. Naupo lang kami ni Jane at Dwayne sa upuan na katapat ng Room namin at nag hintay kung sino kumuha ng Card ko.
"Luh, wala ata kukuha ng Card mo" Ani ni Dwayne.
"Nag sisimula ng magsalita si Ma'am!" Natatarantang sabi ni Jane.
"Si manong Guard nalang kaya pakuhanan mo ng Card." Ani ni Dwayne at tinapik ako.
"Tara sabihin natin" Lalapitan na namin si Manong Guard na nasa kanto ng labas ng room namin pero biglang sumalubong samin na babae na siyang kinalaki ng mata ko.
"Tita?!!!" Sabay na bigkas naming tatlo.
"Ummm sorry, na late bako?" Tanong ni Tita at napansin kong kasama niya ung Bodyguard ko dati.
"A-aahhhh kaka-start lang po tita, pasok po kayo" Ani ni Dwayne at pumasok na kaming apat sa Room at naupo sa upuan.
"Miss Ysmael, mother mo?" Tanong ni Ma'am Rosales.
"Aaa-eee hindi po Ma'am.. Tita ko po siya" Nabubulol na sabi ko habang nag titinginan kami ni Tita.
"Ahhh ok, mag kamukang kamuka kasi kayo eh, hehehe." Ani ni Ma'am at tumawa ito ng mahinhin "By the way, ang graduation nga pala natin ay sa April 1 po at gaganapin po ito sa Horizon Convocation Center, ng eight ng umaga. Be ready po, and expected ko po na sana may nag bobonggahan na make up dito, para maganda po tayong lahat. And starting on Monday, mag papractice na po tayo sa para sa graduation natin mismo sa Convation Center. At ganon parin po ang Oras ng Uwe."
"And now ipapakita ko na po dito kung sino ang Top 10 natin at ang may award. Pati narin po ibibigay ko na po sainyo ang Card" Ani ni Ma'am habang inaayos ang Laptop niya pati ang Projector. At ilang oras lang ay pinakita niya ang Top students at nagulat naman kaming lahat sa nakita namin.
BINABASA MO ANG
Wild Cold Hearts | Season 2
Teen FictionWild Cold Hearts | Season 2 [Completed] This Story is Tag-lish Must read the First Book. Nagsimula nang makilala ni Kim Ysmael's ang taong makakapag pabago sakaniya. Sina Chen Yu Li, Liu Lian Ley, Li Mizuki, at si Liam Jo na Grupo ng Hei Shou Dang...