💙 Chapter 36 💙

186 6 0
                                    

Kim Ysmael's POV

"Baby gising na" Bulong nung kinikilala kong boses habang nakapikit parin ako. Ayaw ko pa dumilat dahil ang sarap sa feeling nung nakabalot sakin, ang init.

"Ayoko pa" Sagot ko at umunat ako at niyakap ko pa lalo ung yinayakap ko.

"Gising na! Male-late kapa" Umuga siya para gumising ako, at feeling ko nakayakap din siya sakin. Wala akong pake kung ano position naman ngayon basta ang sarap talaga sa pakiramdam.

"Ang sarap ng yakap mo" Saad ko.

"Male-late ka nga sabi!" Nilakasan niya boses niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at kinusot ko ang mata ko.

"Ikaw ah!! Yinayakap moko ah!" Hinampas ko siya.

"Ikaw rin naman ah! Baket ikaw lang may karapatan?" Tanong niya.

"Oo, sugar daddy kita eh" natatawang sabi ko.

"Ahhh sugar daddy lang pala tingin mo sakin" Sabi niya.

"Hindi joke lang gagi" Sabi ko at naupo ako.

"Maligo kana! Sugar baby!" Utos niya.

"Opo wait lang sugar daddy!" Ani ko. Tumayo nako at pumunta sa banyo para maligo.

Nag muni muni muna ako sa banyo bago maligo. Pagkatapos ko maligo, inayos ko ulit ang sarili ko. At nag lagay ako ng pabango. Nang makalabas ako ng banyo naabutan ko naman si Yu Li na nag cocomputer.

"Hungry?" Tanong niya at lumingon siya sakin.

"Ang pogi naman ng sugar daddy ko!" Lumapit ako sakanya at kinurot ang pisnge niya.

"Tsss! Mag hihilamos lang muna ako" Ani niya at tumayo na siya sa kinauupuan niya.

Pag katapos niya mag hilamos lumapit siya sakin at pinisil pisil ung pisngi ko. Mukang subog pa ata utak neto.

"Ano na?" Tanong ko habang pinipisil pisil ung pisnge ko.

"Parang monay ung pisnge—" putol na salita neto.

"Subukan mong ituloy ung sasabihin mo, hindi ka mag dadalawang isip na mag paretoke" Banta ko dito.

"Sabi ko kamuka mo si pikachu" Ani niya.

"Yan ang gusto ko marinig!" Nginitian ko ito.

"Tara na, para makakain kana" Ani niya. Hinawakan niya ang kamay ko at bumaba na kami sa hagdan at pumunta sa kitchen nila. Naabutan naman namin na nag luluto doon si Tita kasama ang iilan nilang kasambahay.

"Oh anak gising na pala kayo!" Ani ni Tita habang nag luluto.

"Goodmorning po" Bati ko dito.

"Goodmorning, maupo na kayo jan dahil maluluto na itong pag kain saglit lang to" Sabi niya, at naupo kami sa lamesa.

"Where's Dad?" Tanong ni Yu Li.

"Tulog pa, puyat na puyat kagabi kaya ayun tulog na tulog" Sagot ni Tita at inilagay na niya ang pagkain sa lamesa. Sobrang natuwa ako dahil puro sea foods.

"Pwede po ba mag extra rice?" Nahihiyang tanong ko, sobrang nahihiya ako pero wala akong tinatanggi basta seafoods.

"Sure anak, kahit maka-sampu kapang cup ng kanin ok lang. Para sayo talaga yang niluto ko." Nakangitin sabi ni Tita.

Wild Cold Hearts | Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon