💙 Chapter 10 💙

211 7 0
                                    

Chen Yu Li's POV

"Tol napahinto siya sa Green Life Road, at hanggang ngayon hindi siya umaalis don" Ani ni Liam Jo.

"Ano?! Ilang oras na?!" Nagulat na tanong ko.

"Mga 15 mins na siyang nandon" Sagot ni Liam Jo at lalo pa akong kinabahan. Lumapit ako sa computer para icheck ito. Nasa spot siya mismo ng Pinaka malaking Tree Tunnel dito Sa Galeswood City.

"T*ngina naman bat di mo sinabi agad" Tumayo ako at hinanap ko ang susi ng kotche.

"San ba ung Green life Road pre?" Ani ni Mizuki habang kumakain ng chitchirya.

"Umalis na tayo bilisan natin nyo! Dalin nyo ang mga dapat dalin!" Sigaw ko sakanila at tumakbo ako ng mabilis paalis dito sa bahay namin. Pumunta ako sa Garage at agad ko inistart ang kotche, habang sila naman nag madaling pumasok sa kotche.

"Ano bang meron Capricornous Chen?" Tanong ni Lian Ley habang nag susuot ng Kumpur.

"Nasa isang Tree Tunnel siya, at paniguradong mahihirapan tayo mag hanap dahil napaka lawak ng tunnel na yon at sobrang dilim don" Pinaandar ko ng mas mabilis ang sasakyan.

"Yu Li dahan dahan lang! Baka tayo naman ung madisgrasya! Baka naman nasira lang ung sasakyan nila ng kaibigan niya—"Ani ni Li Mizuki

"Wala akong pake!" My jaw clenched.

"Ano nangyayare sayo bakit naging ganyan ka sakanya?" Tanong ni Liam Jo.

"Pre, dont tell me..... nagugustohan—" Putol na ani ni Lian Ley

"Shut up!" Sigaw ko. May nakita akong mga kotcheng nakahinto sa kalayuan at kinukutuban na akong un na ang mga sasakyan. Pero nasa iba ang direction ng tracker kaya malamang nasa mga puno na yon.

"Pre bakit huminto tayo agad?" Tanong ni Liam Jo.

"Para hindi tayo agad makita, mapapansin nila tayo dahil sa ilaw natin" Sagot ko.

"Pero Malayo pa tayo sakanya" Ani ni Liam Jo habang tumitingin sa Laptop.

"Mga ilang metro?" Tanong ko habang nag aayos ng kumpur.

"50 meters" Ani ni Liam Jo "Pero hindi ako sure, dahil nawalan na tayo ng signal bago tayo pumasok sa tunnel na ito, pero itong Tunnel na ito ay eksaktong North direction, at ang direction niya ay nasa North-East kaya mas madali natin siyang makikita."

"Pero ang lalaki ng mga puno sa direction niya pare, tutuloy paba tayo? Halos walang kailaw ilaw dito" Tanong ni Mizuki.

"Wag ka ngang paka bakla jan! Tara na! Kunin mo na ung mga gamit natin sa likod ng kotche" Ani ni Lian Ley kay Li Mizuki at agad kaming lumabas ng sasakyan. Binato naman sakin ni  Mizuki ang dalawang Nunchaku, bat naman kay Lian Ley, at tonfa naman kay Liam Jo. Hindi kami nag dala ng Bladed weapons dahil wala kami sa bansa namin. Nag simula na kaming mag lakad at biglang nag bukas ng ilaw si Liam Jo.

"Walang mag bubukas ng ilaw!" Ani ko na may malamig na tinig ng boses.

"Pero Capricorn—" Putol na salita ni Liam Jo.

"Sumunod ka nalang!" Galit na ani ko kay Liam Jo at agad niyang pinatay ang ilaw.

"Hindi natin kailangan ng ilaw, may ilaw naman mula sa Buwan kaya nakikita pa natin  ang isa't isa" Ani ni Lian Ley. Nag patuloy kami sa pag lalakad at ilang sandali lang ay may naririnig kaming ingay at nakakakita rin kami ng ilaw mula sa kalayuan.

Wild Cold Hearts | Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon