Kim Ysmael's POV
Araw na ng Linggo at uuwe na ako sa bahay namin. Inayos ko narin ang mga gamit ko, at nakaligo narin ako.
"Here's your Uniform" Binigay niya sakin ang isang paper bag.
"Sino nag laba neto?" Gulat na tanong ko.
"Ako" Sagot niya.
"Marunong ka mag laba?" Tanong ko.
"May automatic akong washing machine Jan, kaya hindi nako nag papalaba sa mga kasambahay namin" Ani niya.
"Ahhh ok ok" Ani ko.
Lumabas na kami ng mansion nila at pumunta na kami sa Garahe nila. Inistart niya ang kotcheng Lamborghini Veneno. Sobrang astig at ang ganda! Pumasok na ako sa loob at nagsimula na siyang mag maneho. Halos marami rin akong dala, hindi ko alam kung pano ko ieexplaine kay lola kung san ko kinuha ang mga ito. Kaya hindi rin ako madaldal dahil kinakabahan ako, baka pagalitan ako pag uwe ko.
At ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay.
"By the way, eto nga pala ung cake para sa lola mo." Kinuha niya ang isang malaking box ng cake sa back seat.
"Ano sasabihin ko kay lola? San ko kinuha itong mga ito?" Nahihiya kong tanong kay Yu Li.
"Sabihin mo galing kay Dwayne, kinausap na namin ni Jane si Dwayne, kaya alam niya narin kung ano sasabihin sa lola mo" Ani niya.
"Ahhh ganon? Salamat ah!" Ani ko.
"No problem, by the way ung dineliver ko dito sa bahay nyo na galing sa Wengty Company akin galing yon. Surprise ko sana un sayo kaso bigla kayong nabugbog ni Jane." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ano laman non?" Tanong ko.
"Edi tignan mo" Nakangiting saad niya.
"Ahhh sge, salamat ah! Ba-bye" Paalam ko rito at lumabas na ako ng kotche habang dala dala ko lahat ng gamit ko.
Pagkapasok ko ng bahay mukang walang katao katao sa sofa at mukang nasa sari sarili silang mga kwarto. Pumasok ako sa kwarto ni Lola at nakita kong natutulog ito.
"Lola.... lola... gising po kayo" Ani ko habang tinatapik ko ito.
"Oh anjan kana pala? Kamusta ka naman? Masaya ba bakasyon nyo?" Napaupo siya sa kinahihigaan niya. Huh bakasyon???
"A-ahhh opo masaya naman po" Nabubulol na saad ko.
"Ano naman yang mga dala mo?" Tanong ni Lola.
"Ahhh cake daw po para sainyo, b-bigay ni Dwayne" Ani ko.
"Ahhh ang bait naman palang bata" Ani niya. Inilagay ko naman sa Cabinet ko ang mga iba pang mga dala kong gamit, dahil baka mapansin pa niya ito.
"Balita ko break na daw kayo ni Kim Lee?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ahhh, opo hehehe, sino po may sabi sainyo?" Kinakabahan na tanong ko.
"Ung kaibigan mong si Jane, kinamusta niya ako dito bago siya pumunta sainyo" Ani niya.
"Ahhhh" Ang tanging lumabas sa bibig ko. Halos nanginginig na ung dalawang tuhod ko.
"Bat kayo nag break?" Tanong niya.
"Ahhh kasi po..." Putol na sabi ko.
"Wag ka mahiya mag sabi, ok lang sakin hindi naman ako nagagalit" Ani niya.

BINABASA MO ANG
Wild Cold Hearts | Season 2
JugendliteraturWild Cold Hearts | Season 2 [Completed] This Story is Tag-lish Must read the First Book. Nagsimula nang makilala ni Kim Ysmael's ang taong makakapag pabago sakaniya. Sina Chen Yu Li, Liu Lian Ley, Li Mizuki, at si Liam Jo na Grupo ng Hei Shou Dang...