Kabanata 13

99 5 3
                                    

Kabanata 13

The gift.

Graduation day. Text or calls, wala akong natatanggap.

Hindi ko na din siya nakita.

Ang gandang gift naman.

"Omg! I'm so happy for us girls!" Tuwang tuwang sabi ni Chels.

Tumawa naman ako. "Kahit walang review, pasado!"

"Stock of knowledge thank youuuu!" Tumalon talon si Leira. Sabay sabay kaming tumawa.

"Punta muna ako kina mama." Paalam ko.

Mabagal ang hakbang ko nung makapunta ako kina mama.

"Graduate ka na!" Bungad ni papa saka ako niyakap na binawian ko naman agad.

"Papa, mamaya pa!"

"Advance ako mag isip eh!" Pinalo ni Mama si Papa.

"Sus, may regalo kami sayo mamayaa!"

"Opo ma."

"Congrats, dalaga ka na." Singit ni kuya saka siya sinamaan ng tingin.

"Tapos mag ooverthink ka na--"

"Hindi na." Tinaas pa nito ang dalawang kamay. Natawa lang ako at bumalik na sa upuan namin.

 "Hays! Ang tagal tagal!" Reklamo ni Leira pag upo ko sa tabi niya.

"Sus, hintayin mo." Suway ko sa kaniya.

Nakatingin lang ako sa karamihan ng may mahagip akong lalaki. Siya yung sa mall ah! Nung tumingin ito sa akin ay inirapan ko siya.

"Miranda, Grace."

Tumaas na ako kasama si mama at papa. Si kuya ay nasa baba lamang para mag picture. Ngumiti ako habang kinakausap ako ni Papa.

"Papa, dalaga na nga ako."

"Baby ka pa din namin." Umiling ito kaya inirapan siya ni Mama at sinuway.

Doon na ako pumwesto sa mga natawag na at nung aalis na kaming mag trotropa ay napalingon ako sa tinawag.

"Collado, Draizen Kobe." Mapaglaro ang ngisi nito, siya yung nasa mall. Halatang mayabang, wews. Tumalikod na ako at sumama kina leira.

"Graduated na tayo!" Sigaw ni Leira.

"Aalis na ako sa school." Sabay na sabi ni Kuya David at Cedrick.

"Matanda na tayo." Singit ni Damon.

"Ikaw lang!" Sabay sabay na sigaw namin kaya nagsalubong ang kilay ni Damon kaya nagtawanan kami.

"Oh, paano ba yan? Mauuna na kami ni Love." Paalam ni Chelsea.

"Ew!" Sabay na sabi namin ni Leira.

"Mga bitter!" Pahabol ni Chelsea. Bitter niya muka niya.

"Anong-- uuwi ka muna!" Hinabol ni kuya David si Chelsea kaya napatawa ako.

"Una na ako." Paalam ni Cedrick.

"Una na din ako." Paalam ko. Iniwan ko na ang dalawa doon at sumakay sa sasakyan namin.

"Congratulation nak!"

"Salamat po!"

--

Pagkarating namin sa bahay ay naligo muna ako at nagbihis.

"Baba ka na dito!"

"Heto na po!"

Pagkababa ko ay madaming handa na nakalagay sa mesa.

"Ang dami naman niyan--"

"Wala yan!" Pagyayabang ni kuya kaya sinimangutan ko siya.

"Yabang!"

"Totoo naman, eh!"

Kumain muna kami ng sabay sabay at nagpaalam na din ako na pupunta na sa taas at magpapahinga.

Nakatitig ako sa kisame, bakit wala si Caltrious? Wala si Ate Leina? Anong nangyari?

Tss, iniwan pa ako. Saan naman pupunta yon? Teka, bakit ba iniisip ko siya eh wala naman akong pakialam sa kaniya. Wala, wala!

Padabog akong napaupo at tinignan ang cellphone ko. Wala pa din siyang text or calls. Bwisit!

Napairap ako sa kawalan nung may sumigaw sa baba.

"Grace, Anak!"

Pagkababa ko ay may isang kahon na regalo doon. Nakatingin lang si Kuya doon tapos bigla siyang umalis. Dinampot ko iyon at napatingin sa sulat.

'Congratulations.'

Kinalas ko ang ribbon doon at pagbukas ko ng kahon ay napatanga ako habang iniisa isa ang mga litratong muka ko ang nakalagay.

 nung nasa huling litrato na ako ay lumabas ang librong inagaw ni Caltrious sa akin. Kung saan kami nagkakilala, kung paano ko siya kina-inisan. Binuklat ko ang libro at tumakas ang isang luhang kanina ko pa pinipigil.

'Forget me now.'

At tuluyan akong napahagulgol ako nahulog ang libro.

When the book fell (Chasing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon