Kabanata 15
Bola
"Magbabakasyon po ako." Sabi ko sa kanila.
Para akong tangang nag m-move on, hindi ko nga alam kung kinalimutan agad ako ni Caltirous. Wala na, iniisip na naman kita!
"Gusto mo ba na sumama ako?" Tanong ni Kuya Gio. Siya lang ang may alam sa mga nangyayari sa akin.
"Hindi na kuya." Tanggi ko sa alok niya. Alam ko na madami pa siyang importanteng gagawin kaya hindi na ako mang aabala pa sa kaniya. At saka, saglit lamang naman ako sa pupuntahan ko.
Saglit lang kung makakalimot agad ako.
Hinahanda ko ang mga gamit ko nung makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Hindi ko magawang maitanong kay Leira kung may alam siya sa nangyayari pero katulad ng kay kuya Gio ay ayaw ko na lang din siyang abalahin.
Si Chelsea naman ay paniguradong may ginagawa din iyon.
"Pasok po."
Isinara ko ang zipper ng maleta saka umupo sa kama. Pumasok si mama na nakangiti.
"Dati naman ay ayaw mong magbakasyon mag isa. Anong nangyari?" Kung alam mo lang mama kung bakit ayaw ko kayong kasama doon dahil ayaw kong makita niyo na mahina ako.
"Naisip ko muna po kasing mapag isa, mama." Maka move on din, ngunit hanggang sa isip ko na lang sinabi iyon.
"Kung ganun ay kailan ka aalis?"
"Ngayon na po."
"Ang bilis naman yata?"
"Hehe hindi po."
Umalis din si mama kaya ako ay nagbihis na din.
"Grace, kailangan mo ba talagang umalis?" Pang limang tanong sa akin ni kuya. Umaandar na ang sasakyan.
"Kuya, kanina ko pa sinasabi sayo na oo."
"Tss. Susuntukin ko talaga--"
"Ikaw ba ang sumuntok sa kaniya?" Napatili ako ng bahagyang prumeno si Kuya. Kung hindi ako naka seat belt ay baka tumama na ang aking ulo sa dash board kaya sinamaan ko ng tingin si kuya. "Papatayin mo ba ako?"
"Sorry. Bakit ba kasi tinanong mo pa yun?!" Pinaandar niya na ulit ang sasakyan.
"Na curious lang naman--"
"Kung gusto mong maka move on, ialis mo lahat sa isipan mo ang tungkoy kay Agoncillo. Hindi ka makakaalis sa tinatapakan mo kung patuloy kang hinihila ng nakaraan, Grace."
"Saan mo hinugot yan? Sa pwet mo?" Pang aasar ko.
"Ewan ko sayo!"
"Pikon, eh?"
"Shut up!"
"Okayyy!"
Sandali kaming natahimik. Nakatingin lang ako sa dinadaanan, namimi-miss ko si Caltrious. Kung ang patuloy na paghila lamang ng nakaraan ang paraan para hindi ko siya makakalimutan ay patuloy akong magpapahila.
Ngunit isa lang ang parating tumatatak sa isip ko, ang kagustuhang inutos sa akin ni Caltrious na kalimutan ko siya kaya kahit mahirap ay gagawin ko.
"Bye na." Pang siyam na paalam ko dahil ayaw pa din akong palabasin ni kuya.
"Ayaw--"
"Kuya naman!"
"Ayaw nga kitang malayo! Pupukpukin ko na lang ang ulo mo para makalimot ka." Yamot na yamot na sabi nito kaya niyakap ko siya.
"Babalik naman ako kuya."
"Kailan pa?"
"Kapag okay na ako."
Kahit nagagalit siya ay binuksan niya na ang pinto. Hila hila ko ang maleta saka siya muling nginitian.
"Babalik ako."
Ilang oras na ang lumipas ng makarating ako sa destinasyon na gusto kong puntahan. Inilapag ko ang maleta sa kama saka napatingin sa loob ng cottage na ito. Tahimik.
Nag suot ako ng short na hindi lalampas ng tuhod at pinatungan ng blazer ang suot suot ko na Black Shirt. Sinisipa ko ang mga buhangin saka napatingin sa alon ng dagat.
Kung kaya ko lang sumabay sa inyo ay baka malayo na ako.
Umupo ako sa buhanginan saka iniayos ang mga binti ko nung tumama ang tubig dito. Sobrang lamig pero tama lang naman dahil mainit ang panahon ngayon.
Nasaan ka na ba kasi Caltrious?
Nag vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha.
From: Chelstot
Where are you?
: I don't know.
Ini-off ko ang cellphone ko at ibinalik ito sa bulsa ng aking short. Tumayo ako at sandaling napatingin sa mga tao. Sana all masaya.
Bumalik ako sa cottage para ayusin ang mga damit ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal dito kaya mas magandang ayusin ko na lamang ang mga gamit ko dahil mahihirapan lamang ako magkalkal kapag nasa maleta.
Masaya sana isama dito sila Leira at Chelsea kaya lamang at hindi pa pwede. Hindi pa ako okay.
Lumabas na ulit ako ng cottage nang may masipa akong bato. Hindi ko alam kung kanibo tumama iyon ngunit hindi ko na iyon pinansin. Para bato lamang eh, masakit pa din maiwan.
"Miss!" Parang tumigil ang oras ko nung tumama sa akin ang isang bola. Napahiga ako sa sobrang lakas ng impact.
"A-aray.." sapo sapo ko ang noo ko nung biglang may bumuhat sa akin.
"Fuck, sorry." Kahit nahihilo ako ay nanlaki ang mata ko. Si Draizen!
"Tangina anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko nung magsimula siyang maglakad.
"Pwede raw ang aso dito."
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Novela JuvenilCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...