Kabanata 9

102 5 1
                                    

Kabanata 9

The man in the prom

"Madami yatang magkakagusto sayo doon, madami yata akong masusuntok,  Grace. Magpalit ka nga--" hindi na natuloy ni kuya ng sawayin siya ni mama habang si papa ay natawa.

"Gio, manahimik ka!"

"Mama madaming--"

"Gio, dalaga na ang kapatid mo." Natatawang sabi ni papa. Parang pinagbasakan ng langit ang muka ni kuya na nakatingin sa akin.

"Sige na, ihatid mo na kapatid mo." Humalik ako sa pisngi ng dalawa bago ako kumapit sa braso ni kuya.

"Nagseselos ka lang, eh!"

Minsan iniisip ng ibang tao na hindi kami magkapatid dahil nga laging nakabantay sa akin si kuya. Sa pamilya namin, normal lang 'yun pero sa ibang tao tss para kaming mag boyfriend at girlfriend.

"Sa gwapo kong ito? Lahat yata magkakagusto sa akin!" Pagyayabang ni kuya pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto. Pumasok agad ako habang siya ay umikot pa.

"Talaga? Bakit hindi kita nagugustuhan?" Pang aasar ko.

"Malamang kapatid mo ako!"

--

Nung malapit na kami sa venue sinuot ko ang Black and silver laser cut metal masquarade mask. Masyado namang pang sosyal ito, nagmamadali kasi ako kagabi na umuwi lol.

"Hoy, Grace." Tawag ni kuya sa akin.

"Hm?"

"Wala munang boyfriend." Pang sampu na sa paalala niya.

"Opo." Napalabi ako.

Kanina niya pa ako pinagsasabihan, muka ba talagang may magkakagusto sa akin? Mas mahal ko pa ang libro kesa sa mga lalaki na yan. Okay na na libro lang ang nagpapaiyak sa akin noh.

Pagkababa ko ng sasakyan ay pinasadahan ko ang suot ko. Line sweetheart Neck beaded Champagne Long dress.

"No cellphone allowed." Sabi noong guard kaya ibinigay ko ang cellphone ko. For what?

Pagkapasok ko ay isang ingay ang sumalubong sa akin. Mga nakaupo pa ang mga tao pero wala pang mga nagsasaya, nagkwekwentuhan ay meron. Napansin ko din na hiwa-hiwalay ang lalaki at babae. Nasa left side ang boys at sa right side naman ang girls kaya doon ako dumiretso.

Naagaw pansin ko ang babae na naka messy bun sa isang table. At talagang tulad pa kami ng damit? Pinuntahan ko siya.

"Ganda damit mo ah." Nabosesan ko agad ito kaya napalabi na lang ako.

"Syempre magkatulad tayo eh." Kahit naka mask ito ay inirapan pa din ako nito. Taray talaga.

Nagkwentuhan pa kami at maya maya lamang ay parehong napaawang ang labi namin ng may pumasok na naman na katulad namin ang suot.

paglapit ng babae ay saka lang namin na napagtanto. Magkakasama na naman kaming tatlo.

"Ikaw yan?" Tanong ni Chelsea.

"Bakit tulad tulad tayo?" Dagdag ko.

"Ewan ko ha." Sagot ni Leira.

Magsasalita pa sana kami ng marinig na namin ang sabi ng emcee.

"Good evening, students! It's time to party, go and find your partner!"

Biglang nagkagulo sa loob kaya umupo na lang ako.

"Asan kaya siya?!"

"Nakita niyo ba asawa ko?"

Kapal naman ng muka ng babae na'to, hindi pa nga kami nagraduate may asawa na. Ewan ko lang si Leira, lol.

Biglang hinila si Leira nung isang lalaki, Si Lance siguro iyon. Pagharap ko sa kabila ay napairap na lang muli ako nang wala na din si Chelsea doon. Sana all.

Tumayo na ako kahit nagsisimula na ang tugtog. Nagsalin ako ng wine. Iinumin ko na sana iyon ng makita ko si Cedrick, halata naman sa kaniya.

"Yo." Bati ko dito.

"Hi."

"Hindi mo isasayaw si Leira?"

"Mamaya na lang siguro.."

"Suko ka na?"

"Haha, ewan.."

Iniwan ko na siya doon at nakihalo sa karamihan na nagsasayaw. She was mine pa ang kanta kaya nakisayaw muna ako kahit walang partner. Aba, sino ba naman ang magsasayaw sa akin.

Bakit ba naman kasi pumunta pa ako dito, tss.

Nung malapit na matapos ang kanta ay napatili na lamang ako ng may humila sa akin. Pinagpapalo ko siya at sinigawan pero mukang wala itong naririnig sa sobrang lakas ng kanta.

Mahigpit ang hawak nito sa braso ko kaya napapadaing na lamang ako.

Nanlalaki ang mga mata ko nung humarap ang lalaki sa akin. Papaanong..

"Miss me?"

When the book fell (Chasing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon