Kabanata 32

112 2 1
                                    

Kabanata 32

Wedding gown

"Hindi ka pa ba kumakain?" Tanong ni Leira sa akin pero hindi ako umimik. Sa isang araw na daw ang kasal. Sobrang bilis, excited siguro sila sa honeymoon. Sana all.

"Wala akong gana."

"Chelsea, oh!"

Narito ako sa condo. Kanina ko pa pinapaalis si Leira dahil nga sa buntis ito. Si Chelsea naman ay nanonood ng netflix. Isang linggo na ang lumipas. Hindi siya nagpakita habang si Zen naman ay pawala wala at ngayon inaasikaso pa ako ni Chelsea at Leira.

Si Leira dapat ang inaasikaso namin, eh.

"Hoy, mag susukat pa tayo aba." Paalala ni Chelsea.

Tumango lamang ako. Tama, hindi ko alam kung bakit para yatang masyadong late ang pagsusukat namin. Oo, tanggap ko na.

Tanggap ko na.

Kahit labas sa ilong, haha.

"Grace!"

"Anak ng teteng! Bakit ba Leira?!"

"H-ha? W-wala ah!" Nag tago siya sa likod ni Chelsea. Parang tanga, mag kaka anak na't lahat ay isip bata pa din siya. Hindi ko na binasa ang invitation card dahil ayaw ko na umiyak.

Sapat na ang 'You're invited.' Para malaman ko na kay Irish siya ikakasal.

"Kapatid pala ni Iris yun!" Pumitik pa si Leira sa aking harapan.

"Kilala mo?" Tanong ko.

"Oo. Sarap niya dating tirisin!" Halata ang inis sa muka nito pero bigla siyang tumawa. "Tapos joki joki lang pala!"

Pareho kaming napailing. Kumain na din ako ng kaya ko at nagbihis. High waist pants at white shirt lang ang isinuot ko. Magpapasukat kami ngayon. Iniwan ko na ang aking sasakyan sa parking lot at kay Chelsea na sasakyan na kami sumakay.

Dahil nga sa buntis si Leira ay tinatamad din naman ako mag solo. Kakasukat lang daw ng mga lalaki kanina. Hindi ko pa din nakikita si Zen.

"Nag sukat ba si Zen kanina?" Tanong ko.

"A-ano.. o-oo!" Sagot ni Leira sa tabi ko.

"Sigurado kayo?"

"Yup." Si Chelsea na ang sumagot.

Napanatag na ang aking loob. Gusto ko siyang makita sa araw ng kasal nila Caltrious. I'm happy for Irish.

"Gaga, umiiyak ka na naman!" Nagulat ako ng punasan ni Leira ang aking mata.

"Ako umiiyak?"

"Oo!" Sigaw ni Leira sa akin.

"Hindi naman, eh."

"Liar." Nag crossed arms sa harapan ko si Leira. Lumaki ang butas ng aking ilong at hindi na siya pinansin. Hanggang sa makarating kami ay ganoon pa din ang ayos namin ni Leira.

Hila hila kaming dalawa ni Chelsea.

Biglang ngumiti si Irish nang makita niya kami.

"Buti at pumunta ka." Sambit nito kaya ngumiti na lang ako.

Sana all ikakasal, lols.

"Oh, mauuna na ako." Pumasok na si Chelsea doon sa isang room.

"Ako din!" Pumasok din si Leira sa pinasukan ni Chelsea.

Awkward.

Yan ang meron ngayon dito habang mag kasama kami ni Irish. Maya maya lamang ay lumabas na ang dalawa na nakangisi. Inaalalayan ni Chelsea si Leira bago umupo sa aking tabi.

"Anong kulay?"

"White."

"Halika, sasamahan kita." Hinila ako ni Irish. Feeling close, ay? Joke.

"Okay, ito!"

"H-hindi po ako ang bride." Agad akong lumayo doon dahil nakita ko ang napakagandang wedding gown. Mahaba ito at kumikinang. Tawa ng tawa si Irish na nakapag patigil sa akin sa pag layo.

"Tulad tulad tayo." Panimula nito.

"Weh?" Hindi naniniwalang sambit ko.

"Oo nga."

Matapos akong sukatan ay lumabas na din ako dala dala ang kahon. Nandun din ang dalawa na mukang nanghihintay habang nakasunod naman sa akin si Irish.

"Ano, okay na ba?" Tanong ni Chelsea bago tumayo at lumapit sa akin.

"Oo."

"Oh, solo solo ha!"

"Ano?!" Sigaw ko.

"Oo nga, mag pahuli ka na lang." Sambit ni leira. Hindi na ako magsasalita dahil alam ko na kapag tumutol ako ay iiyak pa ito dito. Nakakahiya.

Napasapo na lamang ako sa aking noo.

"Ahm.. pwedeng maiwan ka muna dito?" Sambit ni Irish ng lalabas na ako sa pintuan. Tumingin muna ako kina Chelsea na nag thumbs up lang habang si Leira naman ay kumaway lang.

Bagsak ang balikat ko na humarap kay Irish. Umupo kami sa sofa. Magkatabi pa lang kami pero ramdam ko na agad ang tensyon sa gitna namin.

"Sorry sa nasabi ko.."

"Okay lang." I smiled.

"Masyado siguro kitang binigla.."

"Slight lang." Tumawa ako para mabawasan ang tensyon. "Tanggap ko na."

"Did you read the invitation?" I heard her gasped. "Oh my god.."

"Hindi ko binasa. Alam ko naman na pangalan mo yun."

"Oh.. good to know that." Tumango tango pa ito.

"Okay?"

"Irish!" Biglang may pumasok-- si Caltrious.

Agad na akong tumayo. "Mauuna na ako. Take your time--"

"Let's talk, Grace."

When the book fell (Chasing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon