Kabanata 20
Move on
Nakatingin ako sa mga nagkukumpulan na mga tao. Bakit nga ba ako magtataka ay resort ito? Magtataka na lang siguro ako kapag puro isda ang mga tao dito.
"Bakit ka nagbabakasyon dito?" Tanong ni Zen sa akin.
Zen na lang para maikli.
I'm forgetting someone. "Bakit, masama ba?"
"Hindi naman. Nakakapagtaka lang kasi na mag isa ka."
"Tatlo ako."
"Weh, payatot ka nga- aray!"
"Hindi ka na tumigil sa pang aasar sa akin!"
"Hindi ka naman nagagalit, eh."
"Napipikon lang!"
"Oo nga, kaya nga inaasar kita para mapikon ka diba?'
"Gulo mo kausap!"
Napatigil kami sa pag uusap nung dumating si Kaious sa harap namin.
"Damn you! Lagi mo lang akong inuutusan." Sumigaw ito sa amin kaya napangiwi ako.
"Inuutusan?" Nagtatakang tanong ko.
"Oh, I'm sorry. Ikaw kasi!"
"Anong ako?" Turo ko sa sarili ko. Nakatingin lang si Zen sa kaniya.
"Sorry sorry. Tara lunch." Anyaya niya sa amin.
"Sige."
"Okay."
Pagkadating namin sa resto ay ito na lamang ang nag order. Round table ang kinuha namin. Hindi ko alam kung nababaliw ba si Kaious dahil mukang iritado ito.
"So.. what's the real score?"
Hindi ako tanga para hindi malaman ang tanong niya.
"Nothing." Ako na ang naunang sumagot.
"She's my girlfriend."
"What?" Tanong ni Kaious na hindi makapaniwala. Pinanlakihan ko ng mga mata si Zen para bawiin niya ang mga sinabi niya ngunit ngumisi lang ito sa akin. Para bang sinasabi niya na alam niya ang ginagawa niya.
Issue.
"You heard me right, Monestrio."
"If it's a joke then it's not funny."
"There's no joke. What i've said is true."
Para akong tanga na naka tingin sa dalawa, parehong nagsusukatan ng tingin ang dalawa nung biglang dumating ang order namin. Parehong walang imik ang dalawa habang ako ay hindi mapakali sa pag-kain.
Baka mamaya ay magsuntukan pa ang dalawa dito. Sayang ang pagkain at ang sarap sarap pa naman. Sana sa labas na lang sila magsuntukan dahil gusto ko pa talagang kumain.
Napalabi na lang ako nung makita ko si Kaois na tango ng tango. Alam ko na may kausap na siya ngayon pero sino iyon? Tss. Wala nga pala akong pakialam basta ako ay kakain.
Nasa kalahati pa lang ang pagkain ko nung makarinig ako ng kalabog sa may entrance ng resto. May basag na baso doon pero wala namang tao doon.
"Sino yun?" Nagtatakang tanong ko dahil tila lahat ay walang pakialam.
"Ewan."
"Wag niyo sabihing wala lang sa inyo yun?" Tanong ko sa dalawa.
"Then I won't tell it to you." Ngumiti si Kaious na hindi ko talaga nagustuhan.
Curious ako kung sino iyon pero dahil nga ang mga tao dito ay walang pakialam ay hindi na muli akong nagtanong. Naalala ko na naman ang nagnakaw ng halik sa akin.
Matapos naming kumain ay nagpasalamat ako kay Kaious na kaka alis lamang. Agad kong sinamaan si Zen ng tingin.
"Bakit mo naman sinabi na girlfriend mo ako?"
"Is this even real?" Natatawang tanong niya.
"This is real."
"Wala lang, tinanong ko lang."
Lumaki ang butas ng aking ilong at hindi na siya pinansin.
"Aalis na ako sa isang araw." Panimula ko rito.
"Edi goods "
"Edi wow."
"Aalis na din ako."
"Alam ko." Inirapan ko siya.
"Manghuhula ka pala? Pwede paki-hulaan yung future girlfriend ko-- aray!"
Papaano ba namang hindi ko siya hahampasin ay puro kalokohan na naman ang sasabihin niya. Dati, si Caltrious kapag sinasaktan ko siya ay ang lagi niyang sinasabi na kung girlfriend niya daw ba ako para saktan ko siya.
"Oh, sumisid ka na naman." Puna nito sa akin na nakapag balik sa huwisyo ko.
"Pakialam mo ba!"
"Ang yabang nung Kaious na yun."
"Paano mo nasabi?"
"Itanong ba naman na nag j-joke lang ako!"
"Bakit mo ako sinisigawan?"
"Kase naiinis ako!"
"Aba, wag dito!"
"Gusto ko dito eh."
"Gusto ka ba?" Pang aasar ko. Napahagalpak ako ng tawa nung hindi ifo magsalita dahil sinamaan ako ng tingin nito.
But I realized something that make me awake. Hindi ko kailangan mag move on kay Caltrious dahil kusa ko siyang makakalimutan pag dating ng panahon. Kung dafating nga ang panahon na iyon.
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Ficção AdolescenteCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...