Simula

516 8 15
                                    

Simula

Isinarado ko ang libro ko, inalis ko ang reading glasses ko at inayos ang aking buhok. Naistress talaga ako kahapon sa exam namin. Hindi lang naman ako pero stress talaga ako.

Kahapon, puro kalokohan ang alam ng dalawang iyon. Mga siraulo at kulang sa gamot. Si Chelsea Silvestre at Leira Mendez lang naman iyo. Ako lang naman ang pinakamatino sa lahat

Books are my stress reliever.

Kukuha lang ako ng kukuha ng mga libro na gusto ko ang genre at ng mabasa pampabawas stress, you know!

 Today is a new life, because It's morning! Napagod pa ako sa pag mo-mall namin

Sabado ngayon. Nadrained ang utak ko sa dami ng mga questions, dumugo pa yata. Ewan ko doon sa dalawa na pa easy easy, muka lang silang nag aral pero ang totoo hindi nag aaral yan.

Napailing iling na lang ako saka natawa sa iniisip ko. Nakakabaliw ang dalawang iyon kapag kasama ko.

 Nakakastress sa school ngayon, yeah. Faded jeans at White T-shirt lang ang suot ko, hinablot ko sling bag ko at saka bumaba

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama

"Mall po" sagot ko

"May date?" Pang uusisa ni kuya Gio sa akin

Haynako. Busy ako sa mga libro, sa lalaki pa? Hindi na nasanay sa akin ni kuya na mas mahal ko pa ang mga libro ko kesa sa mga nagbabalak manligaw sa akin. Bahala sila sa buhay nila basta masaya ako sa buhay ko

Tinignan ko naman si kuya na 'Seriously?'

"Wala ah" sagot ko na naman

"Dapat lang" nakapamulsang umalis si kuya sa sala, pumunta ng kusina.

"Hindi ka man lang ba mag aalmusal, nak?" Tanong ni Mama sa akin

"Hindi na mama" sagot ko sa kaniya saka tinignan yung oras, baka maunahan ako sa libro.

"Okay, wag mo kakalimutang kumain" pagpapaalala nito ng humalik ako sa pisngi niya

"Opo," sagot ko sa kaniya "Kuya Gio, alis na ako!" Sigaw ko saka lumabas na

Mygod. I need some fresh air, mamaya ko na kakausapin si Chelsea at Leira. Pupunta na din naman ako mamayang gabi kina Leira kaya doon na lamang kami magtatagpo tagpo, panigurado sa mga oras na ito ay nasa airport na sila Leira.

Sumakay na ako sa kotse na kasama si Manong, magpapahatid na lang ako sa may entrance tapos itetext ko na lang. Nagvibrate ang cellphone ko at agad kong kinuha iyon.

From: Leirangot

Don't forget!

Nagreply na lang ako ng 'Okay' at itinago iyon. Sana maabutan ko pa ang last copy ng libro! Sarap makipagpatayan kapag naubos yon, aga aga kong nagising ano.

Nang makarating sa mall agad na din akong nagpaalam. Nagbreakfast na din ako,

Kinuha ko ang cellphone ko nang mag ring ito.

Chelstos is calling...

"Hello, Chels." Bati ko dito

Narinig ko pa ang bahagyang paghikab niya, aga niya magising ngayon ha?

[Hmmm. Punta ka ba mamayang gabi?]

"Oo naman"

[Punta ako mall, asan ka?]

"Nandito na."

[Sige, wait mo ako]

Pinatay ko na ang tawag.

naglalakad na ako ngayon

Parang biglang lumayo ang national bookstore sa sobrang pag kagusto ko. Eight-Thirty na kaya naman tumigil muna ako. Hinahanap ko yung national book store, hindi kaya giniba kahapon?

Alam ba nilang pupunta ako? Tss.

Naka fierce look lang ako nung makapasok ako sa national book store, agad kong hinanap ang librong hinahanap ko. Nag iikot ikot ako ng mapako ang tingin ko sa librong hinahanap ko. Omg!

Kukuhanin ko na sana ito ng bigla itong mawala sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko at hinanap kung saan ito napunta. Napatingin ako sa lalaking naka black T-shirt at nung nakita ko na hawak hawak niya iyon ay humablot ako ng isang libro at binato iyon sa kaniya

"Hoy" sambit ko

Bigla itong humarap.

Shit, ang gwapo! Tulaley na ako! Pero shit, shit. Kinuha niya ang libro!

"Are you done eye-raping me, miss?"

Agad nag init ang ulo ko at nakapamewang akong nagsalita, "Excuse me?" Usal ko

Bigla itong umusod, "Dadaan ka?"

"I'm not eye-raping you."

"You are." Nakangisi nitong sagot

Kanina, nakakawala siya ng mood dahil sa napakasungit ng awra niya.  At ngayon naman na nakangisi siya, aaminin kong gusto ko na lang na wag siyang makita. Mayabang!

"See? You're 2 minutes eye-raping me." Proud na sabi nito

Tinignan ko ang libro niya, "Kasing kapal ng muka mo" turo ko sa librong hawak hawak niya at gusto kong kuhanin.
Bahagya itong ngumiti at itinaas ang libro, "Gusto mo ba?"

Nagkislap ang mata ko, "Oo" deretsa kong sagot, ang tagal kong hinintay na mairelease yan!

"Gusto ka ba?" Ngumisi lalo ito

Babatuhin ko sana siya ulit ng pigilan ako nito

"Sa dami ng nagkaka-crush sa akin, ikaw lang ang nanakit sa akin." Madrama nitong sabi

Crush!? Iw!

"Crush mo muka mo, akin na yung libro."

"May pangalan mo ba?"

"Wala, pero ako ang nauna"

Parang awa mo na, ibigay mo na.

"Ako ang nauna. Hawak hawak ko nga oh" pang aasar nito

"Bwisit." Bulaslas ko

"So cute."

"I'm not cute!" Usal ko sa kaniya

"Crush mo ako?" Tanong nito

Sasagot na sana ako ng unahan ako nito.

"I crush you too." Sagot nito at tinalikuran ako

Gumuho ang mundo ko sa sobrang kakapalan ng muka niya, mga pinagsama samang pahina ng lahat ng mga libro. Oo, ganoon kakapal!

When the book fell (Chasing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon