Kabanata 30

123 3 1
                                    

Kabanata 30

We're getting married

"Buti naman." Sambit ni Caltrious kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Anong mabuti na iniwan tayo?!"

"Makakasama mo ako ng matagal-- aray!"

"Ikaw.. ayaw nga kitang kasama!"

"Sinasaktan mo na naman ako? Girlfriend ba kita--"

"Asa ka!"

"Okay boss. Aasa ako."

Hindi ko na siya pinansin hanggang sa may dumaan na bus. Oo, mag c-commute kami katulad nga ng gusto ni Leira. Siksikan kami nung makasakay kami sa bus.

"Ano ba yan?! Ang sikip sikip na nga nakidagdag pa!"

"Aray!"

"My shoesss!"

Napairap na lang ako ng hawakan ako ni Caltrious sa braso upang hindi matumba. "Wag kang malikot."

Pati pag abot ng bayad ay si Caltrious na lamang ang nagbayad. Pawisan ako sa sobrang init ng punasan ni Caltrious ang aking noo. Napa tanga akong nakatingin sa kaniya pero parang wala lamang sa kaniya iyon.

Humugot ako ng malalim na hininga hanggang sa hindi na kami siksikan sa bus. Isang oras na kaming nakatayo nung makaupo na kami sa gilid. Doon ako sa malapit sa bintana.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

"Oo naman."

Tinignan ko ang cellphone ko nung makita ko na may message si Zen sa akin.

From: Zen

Where are you?

; otw.

"Nandyan pa ba ang number ko sayo?" Tanong ni Caltrious sa akin.

"Wala na." Labas sa ilong na sabi ko. Bakit ko aalisin ang number niya sa cellphone ko? Ano ako, hilo?

"Sigurado ka?"

"Oo nga sabi."

Biglang nag beep ang cellphone ko, agad ko itong binuksan nang hablutin ni Caltrious ang aking cellphone.

"Akala ko ba inalis mo? Assuming pa din pala ako sayo." Umiling iling ito. Everything seems so mature now.

"Sinabi ko ba yun?"

"Oo."

Inagaw ko na ang cellphone ko sa kaniya at tinignan ang text niya.

From: Assuming

Baby?

Agad ko iyong itinago dahil pakiramdam ko ay nag init ang aking pisngi. Kumakabog ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. I hope it's normal.

Nung makarating kami sa terminal ay mabilis lamang ang byahe. Sabat na din kaming kumain. Naghiwalay na din kami ng landas dahil dumiretso na ako sa condo. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko na nakaupo si Zen sa salas.

"Anong oras na?" Tanong nito. Agad kong sinipat ang pambisig relo ko bago ko siya sinagot.

"10:11 A.M."

"Tss. Kumain ka na ba?"

"Oo."

Lumipas na ang tatlong araw ay guminhawa na aking buhay dahil hindi ko na nakikita si Caltrious.

"Hahaha, ew!" Sabi ni Chelsea sa kabila ng video chat namin. Kanina lang namin naisipan na mag usap usap makalipas ng tatlong araw.

"Iniwan na ako ng asawa ko." Pahid pahid ang luha ni Leira ay hindi ko na pinansin.

"Iniwan niyo talaga ako." Panimula ko bago sumandal sa sofa.

"Hindi naman!" Sabi agad ni Chelsea.

"Tulog ka kasi hehe." Sabi ni Leira na tumigil na sa pag iyak.

"Hirap mag commute." Umirap ako.

"Edi naranasan mo din!" Sambit ni Leira saka pumitik.

"Bye na, punta muna ako sa mall." Umalis na ako sa video chat nila saka ako nag gayak.

Isang off shoulder at high waist pants lang ang suot ko na may kasama na sling bag. Doon nakalagay ang wallet at cellphone ko. Kumatok ako sa pintuan ni Zen pero hindi naman ito nagbubukas.

"Zen?" Naka ilang katok pa ako kaya binuksan ko na ito.

"Holy shit." Napatakip ako sa aking mata. Naka towel lang siya!

"Tss. Tagal mo na namang nakikita 'to-"

"Pero hindi yung bukol! Letse, aalis na ako!" Tumalikod na ako sa kaniya.

"Ingat!" Padabog kong sinara ang pintuan niya. Oh my virgin eyes!

 Agad ko nang pinaandar ang makina na ang aking sasakyan hanggang sa makarating na ako sa mall. Ini-park ko ito at saktong pagbaba ko ay nakita ko ang kalalabas pa lamang na si Irish.

Hindi ko lamang siya pinansin at nilampasan. Dumiretso ako sa fast food chain para sana kumain ng tahimik ng makita ko din si Irish. Sinusundan ba ako nito?

One fact about Irish Gillian Quenca is she hates fast food chain.

"Hi." Bati nito. I knew it. Ibinaba ako ang kubyertos na hawak ko.

"Maupo ka."

"I know what to do." Inirapan ako nito.

"So?"

"I just want us to talk."

"Para saan?"

"About Caltrious."

"I don't wanna--"

"You need to know this. Para hindi ka na umasa."

Agad akong napatingin sa aking pagkain. Ako umaasa? Haha? Para saan? Hindi ako umaasa na babalik siya.

"Anong aasa?"

"Grace--"

Nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ni Irish. It's Caltrious.

"We need to talk, Grace." Panimula nito.

Naguguluhang tumingin ako sa dalawa. Ano ba ang sasabihin ng dalawang ito?

"Ano ba?" Tanong ko.

"Don't listen to Irish, Grace--"

"She needs to know the truth, Gavin!"

"I love you Grace--"

"We're getting married."

Napatulala ako sa sinabi ni Irish. Tila nawalan ako ng lakas sa aking narinig. Agad akong napatungo at mas lalong hindi ko naintindihan ang sarili ko ng may pumatak na luha dito na naging sunod sunod pa.

When the book fell (Chasing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon