Kabanata 14
Bawal ang aso
Caltrious Gavin Agoncillo. Accept or decline.
Kanina pa ako nakatitig sa screen kung saan nakikita ko ang profile niya. Where are you now?
Pinindot ko ang accept, friends na tayo assuming!
Napatawa ako ng pagak bago pinahid ang luha na kanina pa tulo ng tulo habang nakatingin ako sa profile niya. Isinarado ko iyon. Bakit ba ako apektado? Pwe!
Humiga ako sa kama kahit ramdam na ramdam ko ang pag ka maga ng mga mata ko. Katabi ko ang box na pinaglagyan ni Caltrious ng libro nung makita ko muli ang sulat niya sa sticky note.
'Forget me now.'
Maaga akong nagising, gulo gulo ang buhok ko nung mapadaan ako sa salamin. Para akong luka sa aking itsura pero hindi ko na pinansin iyon. Tumatama ang malamig na tubig sa aking balat nung mahimasmasan ako.
Wala akong pakialam kay Caltrious.
Yun ang paulit ulit na sinasabi ko bago ako nagbihis at lumabas. Pupunta ako ng mall ngayon nung makita ko si kuya na pormado.
"Saan ka pupunta?" Sabay na tanong namin.
"Sa mall ako." Sagot ko. "Ikaw?"
"Hmm. Dyan lang sa tabi."
"Sure ka?"
"Oo naman."
"Sabi mo, eh." Tinawanan ko na siya nung magsalita ulit siya.
"Yung sa regalo--"
"Wala na akong pakialam doon kuya." Nagderetso na ako palakad bago napakapit sa hamba ng pintuan. Para akong nawalan ng lakas tuwing nababanggit siya o pinapaalala sa akin.
Kung hanggang doon lang pala matatapos ay sana hindi niya na binalik ang libro sa akin.
Nakasimangot akong pumasok sa mall sa tagal ng pag-kapa sa akin nung guard na babae. Wala nga akong ka dala dala, kakapkapan pa ako tss.
"Kobe!" Napatigil ako nung may sumigaw na babae. Talagang binangga pa ako.
"Hoy!" Sinigawan ko siya at bahagyang nakalingkis na ito sa lalaking nag ngangalang Draizen Kobe Collado. Inirapan ko lang ang dalawa saka naka pamewang na hinarap ang dalawa. "Ang kapal ng muka mo na banggain ako." Tinaasan ko siya ng kilay.
Thanks kay Chels na laging tumataas ang kilay.
"Miss ano--"
"Shut up." Pagpapatahimik ko sa Draizen na'to. "Say sorry to me."
"Why would I--"
"Because you need to. Just say sorry and end of the discussion."
"Sorry--"
"That's my girl." Tinabig ko ang kamay ni Draizen na pumulupot sa balikat ko saka siya sinipa.
"Don't touch me, pwe!"
Dumiretso ako sa national book store nung sandali akong mapatingin sa usang pagkikita namin ni Caltrious pero umiling lamamg ako at pilit inalis siya sa isipan ko kaya naman kung ano ano na ang binili ko.
"Mahilig ka pala sa libro." May nagsalita sa likod ko, nabobosesan ko ito kaya umirap ako.
"So?"
"Ang sungit mo naman."
"Pakialam mo?"
Hindi ako natutuwa sa pagbubuntot ng Draizen na ito sa akin. Feeling ko ay may bodyguard ako. Like ew, I can protect myself. Nagbayad ako sa counter, dumiretso ako sa Mcdo at nag order.
Hindi pa man ako nakakasubo nung may maglapag ng tray sa table na kinakainan ko ngayon. Nag angat ako ng tingin at sandaling itinirik ang mata. Hindi ba ako titigilan nito?
I miss--
Damn.
"Pwedeng maki share?" Iniwan niya ako, wala na siyang babalikan.
"Sure."
Irap ako ng irap nung kanina ko pa napapansin na tingin siya ng tingin sa akin. Hindi ba talaga ako titigilan nito? Naiinis na ako ha.
"Hi." Panimula nito.
"Oh?"
"Ang ganda naman ng greet mo."
"Kasing ganda ko." Inirapan ko siya.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako nandito?"
"Hindi, wala akong pakialam."
"Ouch. Hindi ka ba nagseselos?" Tumaas ang sulok ng labi nito.
"Assu--" agad akong napatigil at hindi agad nakapagsalita.
"Assu?" Nagtatakang tanong ito.
"I mean mulang aso ka." Palusot ko kahit na lumabas iyon na pang aasar.
Assuming, siya lang ang isang tatawagin ko na ganyan at wala ng iba. Si Caltrious Gavin Agoncillo lamang.
"Sa gwapo kong ito?'
"Kapal." Tumayo na ako nung makita ko na tapos na ako kumain.
Pumunta ako dito para maging payapa tapos may aso lang pala na susunod dito.
"Sama ako."
"Edi wow." Iniwan ko na siya doon.
"Teka lang naman!" Reklamo nito dahil binibilisan ko ang lakad ko.
"Bakit ba nandito ka?" Tanong ko.
"Ay bawal ang tao dito?"
"Bawal ang aso." Pagratama ko sa kaniya. Kita ko ang pag ka asar sa muka ni Draizen na hinding hindi ko nakita sa mga mata ni Caltrious.
I shook my head.
"Saan ka ba kasi pupunta?" Habol nito.
"Papakamatay, sasama ka?" Alok ko dito ngunit bahagya itong umatras kaya napalakas ang tawa ko. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin dahil nananatiling nakatingin ako kay Draizen.
"Are you serious?"
"101% tara na?"
"Ikaw na lang!" Umatras ito. Inirapan ko siya at iniwan doon nung kasabay ko na naman siyang maglakad.
"Akala ko ba ay magpapakamatay tayo?"
"Tanga, pakamatay ka mag isa mo." Asar kong sabi dito.
Hindi ko alam na may mas tatanga pa kay Leira. Napairap na lang ako nung kulitin na naman ako nito. Damn, can't he see that I'm not buying his jokes?!
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Novela JuvenilCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...