Kabanata 3
Miss me
Nakasimangot lang ako habang papasok. Anong kakainin? Wala naman talaga akong gusto doon, hindi naman uso sa akin yung love at first sight. Inis at first sight pa, pwede pa. Kainis talaga si Chelsea
Kung hindi naman tinulungan, wala naman boyfriend. Paano, napakamaldita. Isa pa itong si Leira, manhid din. Tapos ako? Maganda lang.
"Tara sa kusina" anyaya ni kaldero
Napairap na lang ako habang nakasunod kaming lahat sa kaniya, kasama na sina Tito at Tita. Pagkapasok namin sa kusina
"Ano namang masama na manligaw ang dalawang ito?" Tanong ni Ate na tinuturo ang dalawa
Bigla kaming sumabat lahat, ayan ayaw makiramdam eh!
"Hindi ka na kayo torpe?" Tanong ni Damon
"Binata ka na, Lance" dagdag ni kuya David
"Dalaga na si Leira" dagdag ni Kuya
"Haha, umamin din!" Natatawang sabi ni Chelsea
"Woah, buti naman!" Dagdag din ni ko
"Heh!" Tanging nasabi niya na lang ng magsiupuan kami
"Si Grace na lang single?" Tanong ni tito
Bigla akong nanigas sa pwesto ko. Nanlalaki ang mata kong nilingon si Tito na nakangiti. Malamang single ako! Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Chelsea
"Ready to mingle tito" sagot ni Chelsea
"Ha!?" Sigaw ni Leira
"Sabihin ko sayo" hinampas ko si Chelsea
Nagkwentuhan lang kami tapos nag silabasan na din. Nauna na si Kuya Gio sa sasakyan. Akmang lalabas na ako ng may kumalabit sa akin
"What?" Bungad ko
"Napakasungit mo, umuwi ka na nga" nakangusong sabi nito, parang si Leira!
"Bahay mo 'to? Bahay mo?"
"Hindi, basta umuwi kana" pagtataboy nito
Hinampas ko siya sa braso "Kingina mo, akala mo bahay mo!"
"Napakasadista mo! Hindi naman kita girlfriend para saktan--"
"Iw! Mandiri ka nga!" Irita kong sabi at nagmamadaling lumabas, napaka assuming ng kupal na iyon! Humalakhak lamang iyon kaya nakatakip ako sa tenga hanggang makapasok ako sa sasakyan
Nakakunot ang noo ni kuya na tumingin sa akin "Ka ano ano mo yun?"
Inayos ko ang seat belt ko, "Wala"
"You sure?" Paninigurado nito
Kuya and his protective lines, yeah.
"Opo." Sagot ko
Tumango lang ito biglang pag sang ayon sa akin, nakarating kami sa bahay na nandoon si papa. Agad akong yumakap sa kaniya dahil nga miss na miss ko na siya, hays.
"Namiss naman ako ng mga anak ko" natutuwang sabi ni papa
"Feeling ghoster ka, pa?" Asar kong tanong
"Haha, mama naghoster ka na diba?" Umakbay naman si kuya kay papa saka taas baba ang kilay na nakatingin kay Mama
Bigla akong natawa ng magsalita si Mama, "Ghoster papa niyo!"
Natawa na lang kaming lahat at ako naman ay nagpaalam na tataas na, nagpalit na din ako ng damit at nag tootbrush. Kairita yung gago na yun, panira ng araw! Nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito pagkahiga koFrom: Chelstot
Punta tayo kina Leira.
Nag reply lang ako at nahiga na. Napairap na lang ako ng maalala ko na naman ang kupal na iyon, tss. Hinihiling ko na sana hindi ko na muling makita ang lalaki na iyon, hindi ko pa din kayang kalimutan na siya ang unang umagaw sa libro na gusto kong kuhanin.
Nakakastress siya ng bangs, kahit wala akong bangs.
Makatulog na nga!
Six-thirty na ako nagising kaya agad akong ginawa ang morning routine ko. Naligo na din ako at nag suot ng high-waist short at white blouse. Akala ko naman makakabasa na ako ng mga libro, nagyaya pa kase si Chelsea eh tss.
Nakasimangot akong bumaba habang dala dala ang wallet at cellphone ko. Mahirap na kapag hindi ako nagdala, mamaya KKB pala kami tapos wala akong dala tss.
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni kuya na hindi naman nakatingin sa akin
"Kena Leira" sagot ko at dumiretso sa kusina
Naabutan ko na nagkwekwentuhan sina mama at papa kaya nang istorbo muna ako.
"Pa, Ma, pupunta lang po kay Leira" paalam ko
Tumango lamang sila kaya naman lumabas na ako. Hindi pa man ako nakakasakay sa sasakyan ng may humawak sa braso ko
"Gusto mo ihatid na kita?" Tanong ni Kuya
Nginitian ko siya at sinundot sa tagiliran "Yii. Mahal talaga ako ng kuya ko, sige ihatid--"
Inalis nito ang hawak niya sa braso ko at sinamaan ako ng tingin. "Magpahatid ka na lang" nakapamulsa itong umalis
Napangisi na lang ako sa inasal ng kuya ko. Asus, ayaw pa amining mahal ako! Nahihiya pa siya sa kapatid niya eh ako lang naman kapatid niya!
"Manong, kena Leira po" sabi ko pagkasakay ko sa sasakyan, kanina ko pa tinetext si Chelsea pero muka namang nandoon na iyon.
Hindi man lang ako hinintay ng babae na yun, yayayain ako tapos hindi man lang ako magawang hintayin? Huh! Hindi din siya hihintayin next time! Kung may next time pa.
To; Chelstos
Walang hiya! Hindi mo man lang ako hinintay
Pagkababa ko ay nagsabi na lang ako kay Manong na mamayang hapon na ako uuwi. Pagkapasok ko sa may gate, hindi talaga sila nagsasara. Pintuan lang ng bahay nila ang nakasarado. Tamad sila magsara, kaya ganoon.
Pagkadoorbell ko, napairap na lang ako. Matagal pa ba magbukas ng pinto? Pag aaralan ko next time na sumipa ng pinto para mabuksan. Mag do-doorbell pa sana ako ng biglang nagbukas ang pintuan
"Miss me?"
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Teen FictionCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...