Kabanata 11

114 5 2
                                    

Kabanata 11

OA

"Ano na namang kagaguhan ang pinag gagawa mo sa likod ko?" Iritado kong tanong. Katatawag ko lang ngayon kay assuming, walang hiya!

[Sorry na--]

"Kaya pala hinawak hawakan mo ako sa likod!" Sumisigaw na ako sa kwarto habang tinitignan ang gusumot na papel sa kama.

[Tss. Gusto ko ako lang ang magsasayaw sayo!]

"Pag mamay-ari mo ba ako ha?"

[Soon.] Kung kaharap ko lamang siya ngayon ay paniguradong kumindat na ang isang ito.

"Assuming." Inirapan ko siya at tinapon sa trash can ang papel bago nahiga.

[Saka alam mo ba, pinicturan kita kanina!]

"Ano?!"

[Hindi ko ipapakita!]

"Edi wag, pakialam ko sayo."

[Tinatawagan mo nga ako--]

"Edi papatayin ko--"

[Joke lang!]

"Siraulo." Pinatayan ko siya ng tawag.

Hindi pa pala ako nakakapag basa ng libro. Bukas na nga lang.

--

Pqgkapasok namin ay saka ko lamang naalala na sa isang linggo ay hanggang biyernes na lamang kami. Graduating na kasi kami. Agad kong nakita doon si Leira at Chelsea na nagkwekwentuhan nung biglang mag ring ang cellphone ko kaya lumayo muna ako.

"Ano na namang problema mo?!" Iritang sabi ko.

[Goodmorning.]

"Morning."

[Walang good?]

"Ikaw ba naman ang unang kausapin ko sa umaga. Gaganda ba ang umaga ko sayo?" Muli kong itinirik ang mata.

[Baka gwa-gwapo kase gwapo ako--]

"Bwisit ka." Pinatayan ko siya ng tawag at saka lumapit kay Chelsea. Kakatapos lang ng isang subject namin nung si Leira ay tinawag ni Lance.

"Yow." Bati ni Chelsea sa akin.

"Hello Chels!"

"Musta kagabi?" Tanong nito.

"Ayos lang hahaha" haha, pero wala talagang ayos. Yung assuming na yun ba naman ang first dance ko? Ulol!

"Kainis." Sambit ko nung maalala ko si Assuming--

"Oh, eh, bakit nakangiti ka kung naiinis ka?" Tinaasan ako ng kilay nito.

"Anong hindi naman--"

"Iniisip niya si kuya Cal!" Napatingin ako sa nagsalita, Si Leira. Sinamaan ko siya ng tingin.

Anong si assuming ang iniisip ko? Never ko siyang iisipin! Over my ahm.. my books! Yes, books!

"Psh." Padabog akong umupo at kumuha ng libro.

Nag uusap sila ni Chels. Tuwing binabanggit ni Leira ang pangalan ko ay na pa pa 'tss.' na lamang ako. Para tuloy akong si Lance.

Nung matapos ang klase namin ay nag si-uwian na din kami.

"Bye!" Paalam ko sa dalawa at hindi na hinintay na magsalita.

Paglabas ko ng gate ay lumiko ako para pumunta sa Star bucks nung may sasakyan na ang bagal ng takbo na para bang sinasabayan ang lakad ko.

Naka fierce lang ako at binilisan masyado ang lakad. Ginagaya talaga ako ng sasakyan na 'to, eh!

Humarap ako doon sa sasakyan at kinalimutan ang starbucks na nasa likod ko nung may bumaba sa sasakyan.

"Bakit pinatayan mo ako ng tawag kagabi?"

Itinirik ko ang mata at tinalikuran siya. "Wala kang pakialam."

Umorder ako ng cappuccino at umupo ako malapit sa glass wall.

"Ano namang ginagawa mo dito?" Bungad ko nang maki table siya sa akin. Umorder siya ng Chocolate Cream Chip Frappupuccino.

"Wala kang pakialam."

"Aba!" Sita ko sa kaniya. Ka asar to.

"Joke lang!" Bawi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Akala ko hindi ko makikita pagmumuka ng isang to, please naman kahit isang araw lang luya!

[A/N: ayaw ko nga, gusto ko araw araw kayong magkita!]

Napairap na lang ako at hindi na pinansin si Luya at binalik ang tingin sa lalaking busy uminom kaya ngumiti ako ng pag ka pangit pangit.

"Nababaliw ka na ba?" Tanong nito nang makita niya ang ginagawa kong ngiti.

"Ano bang pakialam mo?" Irap ko sa kaniya.

"Tara na!" Anyaya nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ha?"

"Hatdog. Tara na--"

"Kingina mo!" Padabog akong tumayo at kinuha ang bag ko. Nauna akong lumabas sa kaniya. Habol habol niya ako ng bigla akong tumigil.

"Iiwan mo ako?" Pahabol nito pagkapara ko ng taxi.

"Mag pasama ka sa hatdog mo!"

"Matagal ko na siyang kasama--"

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya dahil sinarado ko na ang pinto ng taxi.

From: Assuming

Baby!!!

Me:

🖕

Ini-off ko ang cellphone ko at nung makauwi ako ay masamang nakatingin sa akin si kuya na ipinagtaka ko.

"Eh?"

"Mag usap tayo."

Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makapunta kami sa garden.

"Grace, hindi ka muna pwede magboyfriend."

"Sino namang may sabi na mag b-boyfriend ako?"

"Ako."

"Ikaw naman kuya, OA ka kasi--"

"Tss. Umakyat ka na nga. Manununtok pa ako bukas."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero tumaas na lamang ako. Pagkataas ko ay nakita ko na naman ang papel na ginusumot ko na nakabuklat sa kama ko. Napatingin ako sa may pintuan ko saka napailing.

Nakita niya siguro.

When the book fell (Chasing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon