Kabanata 16
Friend
Hawak hawak ko ang ulo ko na natamaan ng bola ay masama naman ang tingin ko kay draizen na nakaupo sa sulok. Kailangan kong mag move on, hindi ko kailangan ng bukol.
Nung tumingin ito sa akin ay muli kong itinirik ang mga mata ko. Nakakainis! Dapat ay hindi na lang ako lumabas ng cottage kanina. Hindi na sana ako nagkabukol at mas lalong hindi ko na sana nakita ang lalaki na'to.
"Sorry na nga." Beach volleyball ang tumama sa akin. Pero kahit na, masakit kaya yun! Author naman, bakit naman binigyan mo pa ako ng bukol?!
(A/N: ano bang paki moooo?!)
Aba syempre meron! Sabi ko move on lang, wala naman akong nirequest na bukol!
(A/N: pangit ka na!)
Mana sayo!
Sinamaan ako ng tingin nito kaya binelatan ko siya.
"Nababaliw ka na ba?" Tanong nito.
"Hindi." Tumayo na ako kahit masakit ang ulo ko. Inalalayan ako nito pero tinabig ko lamang ito. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino.
"Kaya ko ang sarili ko." Pigil ko sa kaniya bago ako kumapit sa door knob.
"Kaya mo ba talaga?"
"Oo nga!"
Bumalik ako sa cottage na hawak hawak ang ulo. Sumalampak ako sa kama hanggang sa nakatulog ako.
Pag gising ko ay alas kwatro na ng umaga kaya naisipan kong lumabas at mag lakad lakad muna. Naka white dress at balabal lang ang suot ko kaya malamig pa din. Sinisipa sipa ko ang bato nung may tumigil na mga paa sa harapan ko.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Draizen sa akin na hindi ko na pinansin. Nilampasan ko lang siya, para siyang si Caltirous!
"Hindi pa." Sagot ko. Bakit ba kinukumpara ko pa siya kay Caltrious?
"Tara libre kita."
"May pera naman ako." Itinirik ko ang mga mata ko at nilampasan na lamang siya.
Nung mag ala sais ay bumalik na uli ako sa cottage para i-uwi ang dala dala kong balabal at dumiretso sa restaurant. Matapos akong kumain ay pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang walang pang itaas na damit si Draizen.
Taas baba ang kilay nito sa akin pero nakatingin lang ako sa kaniya. Ano na naman ang gagawin nito?
"Pinag aagawan ako ng girls doon--"
"So? Gusto mo maki-join pa ako?"
"Oo kung--"
"No thanks. Magpasaksak ka sa mga internal organs nung mga yun dahil wala akong pakialam." Pagkatalikod ko ay bigla akong hinawakan nito sa braso.
"Please!"
"Ano namang mapapala ko dyan?"
"Titigilan na kita."
Pumayag ako. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or tatawanan ang mga babaeng kaharap ko ngayon. Magaganda sana kaso tanga naman. Mas madami namang gwapo kay Draizen bakit siya pa?
"Excuse me, but my boyfriend isn't your boyfriend." Pag eenglish sa akin nung mestiza.
"So?"
Napaatras ako ng sikuhin ako ni Draizen kaya sinipa ko ito.
"Draizen, balik ka na sa akin!" Napangiwi ako sa babae na morena.
Sayang, ang gaganda pa naman sana.
"Babe! I know you love meeee!"
"I have my girlfriend here." Umirap lang ako ng akbayan ako nito, para hindi siya pagkaguluhan ay sana umalis na lang siya.
"Iw!"
"Okay, bye!"
"See you later!"
Inalis ko ang akbay sa akin ni Draizen.
"Sayang ang mga yun, ikaw pa ang napili." Umiling iling ako nung hawakan nito at ang dibdib niya. Umakto siyang nasasaktan.
"Ang ouch sa feelings ha."
"Bakla ka ba?"
"Alam ko na mga teknik niyo girls. Sasabihin niyong bakla ako para makakuha kayo ng halik sa akin." Unti unti itong lumalapit habang ako ay umaatras. Sisikmuraan ko na sana ito ng bigla siyang mawala sa paningin ko. Nakita ko na lang siya na nakahiga.
"Sorry bro. Hindi ko sinasadya." Lumapit sa amin ang isang matangkad na lalaki.
"Okay lang."
"Wag ka kasing hahawak ng pagmamay ari ng iba."
"Ano yun?" Tanong ko sa lalaki, para kasi siyang may binubulong ngunit nginitian lamang ako nito at umalis.
"Gago yun ah!"
"Para 'tong tanga, nag sorry na nga tapos nagagalit ka ba."
"Ikaw din naman tinamaan ah!"
"Kahapon pa yun tanga."
"Hindi ka ba nagalit?"
"Malamang nagalit pero hindi ko naman minura."
Hindi ko din alam kung bakit ko kinakausap ang lalaki na 'to. Pero sige na nga. Pagkakuha ko ng cellphone ay inagaw nito ang cellphone.
"Tangina, anong gagawin mo?"
Kinuha nito ang kamay ko tapos nakita ko na lamang na pinicturan niya ito. Magkahawak ang kamay namin sa picture kaya ang binawi ko na ang kamay ko. Tawa lang ito ng tawa sa akin kaya pati cellphone ko ay kinuha ko na sa kaniya.
"Wait lang."
Kinuha nito ang cellphone niya at kung may anong kinakalkal doon nang may nag notif sa facebook sa cellphone ko.
Draizen Kobe Collado sent you a friend request. Accept or decline.
"Oh?"
"Accept mo ako."
"Ayaw ko--"
Gigil na gigil ako nung inagaw nito ang cellphone. Ngiting aso nitong ibinalik ang cellphone ko. Amputek, siya na ang nag accept.
"Pati ba naman yan kinatatamaran mo?"
"Ulol."
Ang profile niya dito ay wala ding pang itaas, kung ano ang itsura niya ngayon. Khaki shorts.
"May friend ka ng aso." Ngiting sabi nito.
Inirapan ko na lamamg siya at nauna nang maglakad sa kaniya.
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Teen FictionCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...