Kabanata 6
Baby
Naka simangot at naka crossed arms ako na deretso lamang ang tingin sa kalsada habang ang nagmamaneho naman ay pakanta kanta lamang na nakatingin sa dinadaanan.
Paano nga ba ako nadala ng lalaki na 'to?
Simple lang, kinaladkad niya lang naman ako papuntang parking lot habang sinasabi niya ang mga katagang 'epal ka lang dun.' 'Tayo na lang ang mag date.' 'Baby naman!'
Napairap na lang ako ng bahagya akong napangiti habang naiisip ko ang boses niya sa isipan ko.
"Someone's happy." Rinig kong saad niya na hindi ko na lang pinansin.
Ako masaya? Masaya bang hilahin?
"Babyyy.."
"Ano ba?" Kahit ako ay napatigil sa sinabi ko. Dang!
"Payag ka na tawagin kitang baby?"
"Wag mo nga akong kausapin." Pinal na sabi ko. Naiinis na naman ako, lakas talaga mang asar.
"Yes, baby."
Napaismid na lamang ako at hindi na lamang siya pinansin sa huling sinabi niya. Tama, dapat hindi ko na lamang siya pansinin at hayaang matupad ang sinasabi niyang 'date' daw namin.
Hanggang sa makababa ay bigla na lamang akong inakbayan ni Kaldero na wala pang dalawang segundo ay inalis ko agad ito at sinamaan ng tingin si Kaldero na nakangisi lang.
"Gusto mo?" Ipinakita ko ang kamao ko na susuntok mamaya sa kaniya, makikita niya talaga ang muka niya na may pasa.
Bigla nitong kinuha ang kamay ko at lumapit sa akin. "Ikaw gusto ko."
Binawi ko ang kamay niya at malalaki ang hakbang ko na pumasok sa entrance. Shit, yung puso ko nawawala. Joke.
Naka crossed arms ako habang hinihintay ang kaldero na iyon na tuwang tuwa pa na kinakapaan siya sa katawan. Saang planeta ba galing ang isa na'to?
"Pinaghintay ba kita?" Agad na tanong nito.
Inirapan ko lamang siya. "Hindi.. kadarating ko lang." Punong puno ng sarkasmo ang sabi ko kaya napanguso na lang siya.
Agad ko iyong pinitik. "Aray." Hinawakan nito ang nguso niya.
Biglang sumama ang tingin nito sa akin at tinalikuran ako. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Ano na namang gagawin nito?
"Inaaway po ako ng girl--" agad akong tumakbo sa harap niya at tinakpan ang bibig niya. Nakakahiya! Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil pasigaw siya kung sabihin niya iyon.
Sinamaan ko ng tingin si Kaldero na taas baba ang kilay na nakatingin sa akin at agad kong inalis ang kamay ko sa bibig niya at agad na hinampas siya.
"Hays.. kung ikaw magiging asawa ko.. kawawa ako.." nakangusong sabi nito.
Asawa? Aswang.
"Asa ka."
"Okay, aasa ako baby."
Inirapan ko na lamang siya. Dinala niya ako sa isang resto at siya na din daw ang mag oorder at muka naman daw na hindi ako oorder, buti alam niya.
"Patatabain mo ba ako?" Inis kong sabi nang makita ko na ang dami dami niyang inorder.
"Ang payat mo, baby."
Baby?!
"Tigilan mo nga ako sa baby baby na yan." Inirapan ko siya at muling pinagmasdan ang pagkaing nasa table. Napaismid na lang ako sa sobrang dami. Nagsandok ako at akmang susubo na ng mas mainis lalo ako.
"Baby.."
Aish!
"Kainin mo yan.. baby.. ---"
Hindi na ako nakapag pigil at sinubo ko iyon sa kaniya. Masama lang akong nakatongin sa lalaking nakangiti habang ngumunguya.
"Isa pa, baby. Ah.." kahit labag sa loob ko ay sinubuan ko uli siya.
"Okay ka na?"
"Ikaw naman susubuan ko."
"Ayoko nga!"
"Dali na. Isisigaw ko na--"
"Oo na ito na." Umirap ako bago ko ibinuka ang bibig ko, ngiting panalo na sinubuan ako ni Kaldero. Psh.
At ganoon nga ang nangyari, nagsubuan kami hanggang sa maubos ang pagkain na nasa table. Napasandal na lamang ako sa inuupuan sa sobrang kabusugan.
"Tumaba ka ng unti, baby."
Hindi ko na siya pinansin at uminom ng tubig. Sobrang busog ko, ilang order ba naman yun.
"Baby..."
"Ano ba?"
"Laro tayo.."
"Okay."
Naka labi akong nakatingin kay Kaldero na tuwang tuwa na nag babasketball. Okay, siya na ang masaya ha-ha.
"Baby.."
Mamaya susuntukin ko na talaga 'to sa muka, kanina pa siya baby ng baby. Mamaya mapagkamalan pa kaming mag boyfriend at girlfriend. Ako papayag? Sa assuming na'to? Tss.
"Baby!"
Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni Kaldero na nasa harapan ko na ngayon. Magsasalita pa sana ako ng bigla na lamang akong hinila papalayo.
"Bakit mo ba ako hinila?!" Agad na tanong ko nung makalabas kami sa arcade. Ano na naman bang problema nito?
"Baby.. nakatingin ka kaya sa isang lalaki!" Para itong bata na nagsusumbong sa nanay niya.
Nanay niya?
"Eh ano naman?" Hindi ko naman alam na may natitigan na ako, malalim ba talaga ang iniisip ko? Ang babaw nga nun.
"Nagseselos ako." Nag crossed arms pa ito sa harap ko habang nakakunot ang noo.
"So?"
"Layuan mo yun."
"Hindi ko naman kilala yun."
"Kahit na."
"Ano ba talagang problema mo?"
"Ikaw."
Sa gigil ko ay hinampas ko siya sa braso, bigla itong napangiwi at tinalikuran ko naman siya.
"Babyyyy!"
Bigla na lamang akong nahila nito. Nasa sasakyan niya na kami, tahimik lang ako na nakatingin sa dinadaan na namin. Masyado na din pala kaming nagtagal. May nadaanan kaming isang resto na nakita ko pa si Leira. Kasama sila Martinez at Lance pero may isa pa na hindi ko kilala.
Pagkalas ko ng seatbelt ay agad alis ko sa shot gun seat at sumilip kay Kaldero.
"Bye." Saad ko.
"Goodnight baby!"
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
أدب المراهقينCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...