Kabanata 8

109 4 2
                                    

Kabanata 8

Sa puso mo

"We will be having a prom tomorrow, a masquerade party. No cellphones allowed, and please cooperate because this is a masquerade party. More surprises, this is your free time to buy a dress. And yeah, dismiss!" Tuwang tuwang umalis si maam Ginger na kumindat pa.

So..tama nga ang sinabi ni Leira.

"Hiwa-hiwalay tayo?" Paawang tanong ni leira.

"Malamang." Barumbadong sagot ko saka kumuha ng libro.

"Tse!" Inirapan ko na lamang siya.

"Lalakad ako mag isa, kayo ba?" Tanong ni Chels

"Kasama ko si ate Leina." Sabi ni Leira.

"Solo flight pala tayo, Grace." Saad ni Chels sa akin

"Yeah, mamaya ba?"

"Yep."

--

Breathe in, assuming out.

Tulad nga ng sabi ni Chelsea ay solo flight kami. Pumunta ako sa isang botique.

"Maam, tignan niyo po ito." Isang champagne-colored dress ang ipinakita nito sa akin. Nakuha naman ang atensyon ko noon kaya naman agad ko na iyong dinala sa counter at binayaran.

Shit.

Kailangan ko ba talaga isuot 'yon?

"Hello?" Irita kong sagot nung makita ko ang caller i.d.

"I miss---"

"Kadiri ka talaga!" Naglalakad na ako palabas sa botique habang nasa kanang kamay ang cellphone ko at ang printed bag ay nasa kaliwa.

"Sabihin mo na lang na miss mo--"

"Humanap ka nga ng kausap mo."

"Nakita--"

"Aray!"

Bigla kong nabitawan ang dala dala kong bag nang may nabangga ako. Napaupo ako sa sahig at malayo ang cellphone ko. May naglahad ng kamay sa akin kaya agad kong kinuha 'yon.

"I'm sorry." Paumanhin ng lalaki na-- no, ayaw ko siyang purihin sa gwapo ng pagmumuka niya.

"Tapos?" Pabalang kong sagot saka kinuha ang bag ko pati ang cellphone ko. Magmamarsta na sana ako papaalis.

"I'll treat you." Bigla akong napaharap at inirapan siya.

"Then?"

"Peace offering.I didn't mean--"

"Are you blaming me?" Nagsalubong ang kilay ko. Walang hiya 'to ah, siya nga bumangga sa akin,eh.

"No. It's not like--"

"Okay, whatever." Tinalikuran ko na siya at umalis na sa mall na masama ang loob.

"Oh,Anak,Nandito ka na pala!" Salubong sa akin ni mama at papa.

"Opo."

Tumaas na muna ako at ini-hanger ang dress.

Bumaba din ako pagkatapos ang pumunta sa kusina dahil maingay roon.

"Yung kuya Gio mo! Binata na."

"Ha?"

"Ma! Binata na ako!"

"Ay, ako eh, wag mong sisigawan!"

hindi ko na sila pinansin at dumiretso sa tabi ni papa.

"Wala pa bang nanliligaw sayo, nak?"

"Wala pa." Mabilis kong sagot.

"Sigurado--"

*kringgg*

Napapikit ako ng mariin at dali daling pinatay iyon.

"Wala pala ha?" Pang aasar ni papa sa akin kaya sinimangutan ko na lang siya.

Matapos akong asarin ni papa ay nakisali si mama at si kuya naman ay naka simangot lang sa kanilang pareho. Ang kulit ni mama kapag nandyan si papa, haynako.

Tumaas na din ako sa kwarto pagkatapos ngayon ko lang narealize.

"Shit. Wala akong mask!"

--

Matapos kong kulitin sina mama,papa, at kuya na lalabas ulit ako para bumili ng mask ay pinayagan din nila ako.

7:00 P.M na nung makarating ako sa mall.

"May girlfriend nga ako,eh!" sigaw nung isang lalaki sa babae na paiyak na.

lol, lalampasan ko na sana nila ng biglang may humila sa akin.

"Ito, ito ang girlfriend so stop flirting with me!"

Malalaki ang mga mata ko na nakatingin sa babaeng nasa harapan ko at ang kamay na nakaakbay sa balikat ko. Mabilis akong umalis at sinampal ang lalaki.

"Kapal ng muka mo! Iyo na yan!" Sigaw ko sa lalaki. Eto yung nakabangga ko kanina, ah!

Malalaki ang hakbang ko na pumasok sa isang botique. Basta na lamang ako kumuha ng mask doon at nagmamadaling umuwi ng makasalubong ko ang lalaki na nakabunggo at pinagmuka akong girlfriend niya.

"Sorry haha." Simula nito pero nilampasan ko lang siya.

"Hey! I said I'm sorry!" Dagdag nito kaya humarap ako.

"Kwento mo sa pagong!"

--

"Badtrip ka yata, Sis?" bungad ni kuya nung padabog akong umupo.

"Aba kuya. Kanina sa mall,may nakasalubong akong lalaki. Hinila ba naman ako at sinasabing girlfriend niya ako? Ew!"

"tss." Iniwan ako ni kuya kaya napahagalpak ako ng tawa.

seloso talaga yun.

Tinignan ko ang cellphone nung makita ko na may text si Assuming sa akin.

From: Assuming

Nasaan ka?

To: Assuming

Nasa bahay na.

From: Assuming

Saan ka galing?

To: Assuming

Sa puso mo.

tawa lang ako ng tawa ng bigla itong tumawag. Sinagot ko iyon pero tawa pa din ako ng tawa.

"Anong puso ko?! Alam mo ba na kinikilig ako?!" Sigaw nito sa kabilang linya kaya nailayo ko ang speaker sa tenga ko.

"Galing ako sa mall." Pag iiba ko ng usapan.

"tapos?" Tanong nito.

"Tapos na." Pinatay ko na ang tawag at nahiga sa kama.

Naiinis pa din ako sa lalaking pinag-panggap pa akong girlfriend niya. Dagdag sakit pa sa ulo ko si Cal na pinagtritripan lang ako.

When the book fell (Chasing Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon