Kabanata 22
Kalimutan mo na
[Grace!] Agad kong nailayo ang cellphone ko sa sobrang lakas ng boses ni Chelsea. Nasa kusina na yung tatlo pero nag pa iwan muna ako dito sa sala para hintayin si Chelsea.
"Punta ka dito."
[Asan ka ba?]
"Kay Leira--" pinatayan na naman ako ng cellphone. Walang hiya talaga si Chelsea. May pag ka bastos talaga ang lola niyo. Oo, lola niyo. Siya pinaka una, eh.
"Gweys. Halika na!" Sabi ni Zen pag ka pasok ko sa kusina.
Namilog ang mga mata ni Leira. "Halikan na?! Lance, may porn!"
Napa labi na lang ako sa katangahan ni Leira, kahit kailan!
"Leira, enough." Sinusubuan ni Lance si Leira habang tingin ito ng tingin sa wrist watch niya. Anak ng teteng, si Leira kasi.
"Pinapagalitan *sniff* mo na ako?"
"Kumain ka na."
Hindi ko na pinansin yung dalawa dahil kumakain na din ako. Pasulyap sulyap sa akin si Zen kaya kinuha ko ang tinidor at itinuro iyon sa kaniya.
"Gusto mo ba tusukin ko yang mata mo?"
"Sabi niya kiss daw." Ngumuso pa ito sa akin kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. "Aray!"
"Buti nga." Inirapan ko siya.
Agad na akong tumayo matapos kong kumain. Nag pa alam muna ako na may hihintayin ako sa labas. Si Zen ay kasama ko dahil sumunod pa ito sa akin. Kahit kailan ay buntot ng buntot sa akin ang aso na'to.
"Sinong hihintayin mo?" Tanong nito.
"Si kamatayan, susunduin ka daw."
"Hoy, susumbong kita kay mama!"
"Akala mo naman." Umirap ako.
Biglang may humintong sasakyan kaya lumapit na ako doon. Lumabas si Chelsea na naka faded jeans, crop top at naka shades pa.
"Tirik na tirik ang araw, ah." Puna ko sa kaniya.
Humalakhak lang ito sa akin nago inalis ang shades niya."Ano ba yan?! Kill joy!"
"Hi." Bati ni Zen sa tabi ko.
"You are???" Tanong ni Chels.
"Draizen Kobe Collado."
"Ow. Hi, Kobe."
"Tara na sa loob."
Pagkapasok namin sa loob ay umiiyak na si Leira sa sofa habang si Lance naman ay nag aayos ng damit.
"Nakakainis ka! Hindi tayo bati!" Nag pahid ng luha si Leira. Napa ismid na lamang ako.
"Leira naman. Papasok na nga ako sa trabaho."
"Edi pumasok ka!"
"Aalis na ako." Humalik ito sa noo. Nagulat ako ng hampasin ni Leira si Lance sa dibdib.
"Bakit ka aalis?!"
"Damn."
Walang ibang nagawa si lance kundi tumakas sa asawa niyang baliw. Tawa lang ng tawa si Zen at Chelsea habang ako naman ay nakamasid lamang. Hindi pa pala ako umuuwi sa amin.
"Uuwi muna ako." Agad na akong tumayo.
"Teka sasama ako--"
Agad ko nang pinigilan si Zen bago pa ito maka tayo. "Babalik naman ako."
Agad na din akong umalis doon. Dumaan muna ako sa condo para magpalit ng damit. High waist short, black top at sling bag na violet. Tamad lang akong nagmamaneho hanggang sa nadaanan ko ang dating bahay nila Leira. At nung nakita ko na ang bahay namin ay ini-park ko ito sa gilid saka ako bumaba.
"Grace!" Sinalubong ako ni mama bago ako niyakap. Ginantihan ko naman ito at mas hinigpitan pa. "Bakit ngayon ka lang umuwi?"
Matapos kong magbakasyon doon sa beach resort ay nag pa alam ako na hindi ako dito mag aaral. Pumayag naman sila, si kuya Gio lang ang hindi. Huli akong umuwi dito nung galing ako sa kasal ni Leira.
Speaking of kuya, nandoon siya sa may sulok nakasandal, at matalim ang tingin.
"Galing po ako kina Leira."
"Ma, mag uusap lang kami." Ramdam ko ang tensyon nung sumingit si kuya sa dapat ay sasabihin ni mama.
"Sige, maghahanda lamang ako ng pagkain."
Pareho kaming hindi nagsasalita sa sala. Nakatingin ako sa sahig habang hinihintay na mag salita siya. Lumipas na ang limang minuto pero wala pa din kaya binasag ko na ang katahimikang bumabalot sa amin.
"Kuya.."
"Where have you been, Grace?" Nabigla ako sa sobrang seryoso ng boses nito. He's really mad at me.
"Sa--"
"Who's Zen?"
"My friend--"
"He's courting you!"
"Kuya-"
"Damn it. Hindi ako papayag na sasagutin mo yan, may nangako na sa akin."
"Kuya, please.. kaya ko na ang sarili ko.."
"Hindi, eh! Hindi ako papayag."
"Anong nangyayari dito?" Lumabas si papa sa kusina kaya agad akong napatayo.
"Papa." Ngumiti ako ng pilit. Hindi ko maintindihan si kuya kung bakit ganyan siya ngayon sa akin. Wala akong pakialam kung sino ang nangako sa kaniya dahil mapapako lang iyon pag dating sa akin.
"Na miss kita." Niyakap ako nito, nagkwentuhan pa kami bago ito nag paalam na aalis na muna siya.
Napatingin ako kay kuya na nakatayo, naka talikod sa akin at nakakuyom ang mga kamao.
"Kung sasagutin mo si Kobe, kalimutan mo na may kuya ka pa."
Napakapit ako sa gilid ng sofa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at naubusan ng lakas sa sinabi ni kuya. Anong problema ni kuya sa akin at kay Zen?
![](https://img.wattpad.com/cover/229478428-288-k519587.jpg)
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Teen FictionCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...