Kabanata 7
One month
Caltrious: Babyyyy!
Seen lang ang ginawa ko at patuloy sa pagreremove ng request niya. Hindi ko nga kase siya gusto maging kaibigan. Tss.
Caltrious: Accept mo na ako.
Katulad ng ginawa ko ay nag seen lamang ako sa message niya at pinindot ang profile niya. Naka sando lang siya na black at kitang kita ko ang biceps niya na ang sarap kurutin.
Daming likes, babaero siguro. Yun lang ang nakita ko kaya nag exit na ako, wala namang ka istalk istalk sa kaniya.
Balak ko kasing i-stalk?
Nag iscroll na lamang ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.
From: Assuming
Babyyyy
Papatayin ko na sana ng may humablot dito.
"Kuya!"
Bigla itong may kinalikot sa phone ko at may kausap na siya ngayon. Masama ang tingin sa akin ni kuya habang nakatapat sa tenga niya ang speaker ng phone ko.
"Hello?" Paused. "Hmm.." paused. "Hindi pa graduate, hintayin mo mag college.." paused. "Deal."
College? Deal? What?
"Oh." Binigay nito ang cellphone ko sa akin. Itatanong ko pa sana kung ano iyon ng bigla itong tumalikod sa akin at napapikit na lamang ako ng isarado niya ang pintuan ng padabog.
Lagot.
--
"Graceeeeee!"
Agad akong napatingin kay Leira na tumatakbo papalapit sa akin. Nasa school kami ngayon.
"Oh?"
"Close talaga kayo ni kuya Cal ano?"
"Eh?"
"Ih,oh,uh. Huh!" Inirapan ako ni Chelsea na abala sa pagcecellphone.
Katatapos lang ng klase kaya naisipan namin na magsama samang tatlo. Wala naman mga asungot kaya kering keri.
"Si Cal oh!" Nguso ni Leira kaya sinundan ko ng tingin iyon.
Kumaway siya sa amin kaya hindi ko mapigilang hindi umirap. Manggugulo na naman ito.
"Sunduin ko kaibigan niyo ha? Una na kami!"
"Oh, sige."
"Gora!"
Napairap na lang ako habang hawak hawak ni Kaldero ang braso ko at hinihila ako papalayo.
"Mag date ulit tayo." Saad nito matapos akong pagbuksan ng pinto kaya agad akong pumasok. Umikot agad ito at pumasok. Pinaandar na niya ang makina
"Na naman?"
"Oo." Ngumiti ito ng matamis kaya inirapan ko na lamang siya.
--
"Ako ba talagang pinagloloko mo?" Galit kong tanong dito. Nakakainis na talaga siya!
"Hindi ah, pinapakain lang naman kita."
"Nyenyenye."
"Yung mga bata nga dyan--"
"Oo na, subuan mo na ako." Bigla akong napatigil sa sinabi ko, dapat hindi ko sinabi yun! Ngingisi ngising nakatingin ito sa akin, mag aassume na naman ito. Malamang, kaya nga binansagan ko siyang assuming.
"Say ah.."
Nakasimamgot akong ngumunguya ng bigla akong picturan nito.
"Kaldero!" Gulat kong sabi dito pero tinago niya na ang cellphone niya
"Remembrance." Saad nito at sinimulan na naman akong subuan.
Inirapan ko ang mga taong tumitingin sa amin, mapapagkamalan pa kaming mag boyfriend at girlfriend sa ginagawa namin.
"Ako naman."
Katulad ng ginawa niya ay nag subuan na naman kami hanggang sa matapos. Sabay kaming naglalakad ngayon papalabas ng mall. Juicecolored.
"Goodnight, baby."
Inirapan ko na lamang siya at bumaba na ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit alam niya ang bahay namin kahit hindi ko sinasabi ang direksyon patungo rito.
"Bye!" Pahabol niya pero sinarado ko na ang gate.
"Nalelate ka yata ng uwi." Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si kuya.
"K-kuya.."
"Tss. No boyfriend, okay?" Pinat nito ang ulo ko at iniwan ako ditong nakatunganga.
Lagot.
--
Hingang malalim.
Sinagot ko ang tawag galing kay Kaldero.
"Namiss mo ako?" Bungad nito.
"Excuse me?"
"Dadaan ka ba? Alam mo namang--"
"Ulol!"
"Malapit na akong mag one month."
Bigla akong napatigil, one month? Bakit naman niya sasabihin sa akin? Aalis ba siya? Sus! Eh, ano naman kung aalis siya?!
"Pakialam ko?"
"Wala ka ba--"
"Bye." Sabi ko.
"Baby naman!"
Pinatay ko na ang tawag ko. Maya maya lamang ay nagtext sa akin si Leira.
From: Leirangot
May prom tayo, sa wednesday.
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Ficção AdolescenteCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...