Kabanata 2
Kainin mo ang sinasabi mo
Bakit naman nandito ang isang assuming na ito? And guess what, dito pa talaga. Akala ko naman makakalimutan ko na ang libro ng makita ko uli ang lalaking ito! Nakakainis. Akala mo naman gwapo, pwe!
"So you are?" Tanong nito na ikina irap ko.
Cal huh? Kaldero."Grace Miranda." Pagpapakilala ko dito pero masama pa din ang tingin ko sa kaniya ng ngumisi ito.
Inilahad nito ang kamay niya "Caltrious Gavin Agoncillo"
"I don't do shakehands, baka mahawa pa ako sa kakapalan ng pagmumuka mo, Kaldero" nakaismid kong sagot, thick face.
"You call me what?" Naningkit ang mata nito sa akin saka muling namulsa
"Kaldero" ulit ko dito, maasar ka please
"Should I call you Miss Grumpy?" Natatawa nitong sabi, hanggang saan aabot ang kakapalan ng pagmumuka ng kaldero na ito?
"You better not"
"Quits tayo, Miss Grumpy. Nakakasakit ng damdamin na tawagin mo akong kaldero, alam mo ba na itinatawag sa akin ng mga nagkakagusto sa akin ay--"
"Hindi kita gusto, assuming!"
Umalis na ako doon ng naiinis, nasa likod ko siya na tumatawa pa din hanggang ngayon. Biglang tumingin sa akin ang dalawa na para bang sinasabi nilang mayroon dapat akong ikwento
"So.. kamusta kayo?" Tanong ni Ate Leina
"Ayos lang" sagot nina Chelsea at Damon
"Fine" sagot ng dalawang kuya namin
"Great" sagot nung dalawang nagkakagusto kay Leira
Oo, manhid lang ang babae na iyon. Ang lagi niyang sinasabi kaibigan niya ang dalawa, torpe din naman. Nagmana kay Damon na tinulungan pa namin, tss.
"Same" sagot ni Kaldero
Masama pa din ang tingin ko kay Kaldero na nakangisi lang. Grabe, napakakapal ng muka. Kung ibinigay niya na lang ang libro, natuwa pa ako sa kaniya. Kaso masyado siyang assuming, at inaakala niyang may gusto ako sa kaniya. No way!
"Sira" sagot ko
"Happy" ngiting sagot ni Leira
Matapos naming kumain, napagpasyahan ko na sumunod sa paglabas nina Chelsea. Dumiretso ako sa labas, gusto ko lang magpahangin, bakit ba?
Akala ko naman tatahimik sa labas pero may nakasunod pala sa aking masamang assuming.
"Yo"
Nag crossed arms lang ako, aba?
"Sungit"
Napairap na lang ako sa sinabi niya, ako masungit? Sa kaniya lang ano!
"Sayo lang" sagot ko
"Why I feel special?" Natatawa nitong sagot
Umismid lang ako at muling itinirik ang mata, "Hindi ka man lang ba napipikon?" Tanong ko
"Hindi, bakit naman?"
"Ang assuming mo kase"
"Hindi naman" sagot niya
Hindi nga siya napipikon, nagagawa pa nga niyang tumawa at ngumiti. Ako lang talaga ang napipikon sa kakapalan ng pagmumuka niya, saka bakit ba nandito ang kaldero na ito? Bagay siya sa kusina.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko
"Ayaw mo ba ako dito?" Umakto pa itong nasasaktan
"Napaka OA mo" irita kong sagot, napaka arte
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Roman pour AdolescentsCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...