Kabanata 23
He's back.
Umuwi din ako pagkatapos ko kumain doon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sasakyan ko pero natagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng isang bar.
"Isang tequila." Umorder ako.
Kung ano anong alak na ang tinikman ko pero hindi pa din ako nahihilo.
Nakihalubilo ako sa mga taong nagsasayawan ng may humapit sa bewang ko at sinasayaw ako. Papikit pikit pa ako pero tinabig ko ang kamay noon at lumabas na.
Kinaya ko pa ang magmaneho patungo sa bahay nila Leira. Nakatingin lang ako sa pintuan nila Leira bago ako kumatok.
Si Zen ang nag bukas ng pinto. Nag aalala ang muka nito pero tinabig ko lamang siya at pumasok doon.
"Saan ka galing?" Tanong ni Leira.
"Sa labas l-lang *hik*" tumawa ako ng malakas. Nakita ko siya..
"Lasing ka ba?!" Narinig ko ang sigaw ni Zen sa akin pero niyakap ko lang siya.
"Ako? *hik* gago hindi *hik* ako lasing!"
"Iuwi mo na yan, Zen."
--
"Sakit ng ulo ko!" Sigaw ko pag ka gising ko. Tinignan ko ang paligid ko at napa ismid na lang ako ng maamoy ko sa kwarto na ito ang pabango ni Zen.
Ano bang nangyari? Ang alam ko lang ay umuwi ako.
"Uminom ka muna ng gamot tapos kainin mo 'to." Inilagay nito ang tray sa gilid ko. Aalis na sana ito nang magsalita ako.
"Subuan mo ako."
"Yiee, ikaw ha!"
"Edi wag."
"Edi wow."
Pagkatapos niya akong pakainin ay dito na din ako naligo at nag bihis. Parang wala na lang naman sa amin 'yun.
"Zen!"
"Ano?!" Sigaw nito galing sa kusina. Tanghali na din kasi at hindi ko makita ang short ko.
"Asan short ko?!"
"Ikaw na mag hanap!"
Sa inis ko ay short niya na lamang ang isinuot ko. Suklay suklay ko ang buhok ko nang maamoy ko ang paborito kong ulam. Agad na akong umupo doon at hinihintay na ilapag niya na lamang sa lamesa iyon.
Hindi ko alam kung totoo ba na nag lasing ako kagabi pero halatang totoo na nakita ko siya. It's been 5 years..
"Kain na." Alok nito.
"Sabay ka na."
Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa condo ko. Magkatabi lang naman ito. Saan pa ba ako hindi nakakapunta? Tama sa national book store. Agad na akong nag ayos, high waist short at white blouse na lang ang isinuot ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Zen pag ka pasok ko sa condo niya.
"Mall."
"Sasama pa ba ako?"
"Kahit wag na."
Nag papa alam ako lagi sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan natataranta siya kapag hindi niya ako nakikita. Ni-request ko nga sa kaniya na ipa-tarpaulin na lang ang pagmumuka ko para lagi niya akong nakikita.
"Okay, ingat ka."
Lumabas na din ako doon. Pagkapasok ko sa sasakyan ay amoy alak, inayos ko ang loob nito at sa wakas ay bumalik ito sa dating amoy. Pagkarating ko sa mall ay sobrang lamig pero tama lang naman.
Sobrang daming tao pero hindi ko na ininda iyon dahil dumiretso ako sa national book store. Dumampot lang ako ng dumampot hanggang sa makasalubong ko ang babaeng kulang na lang ay wag na mag damit.
"Hello Gavin Babe?" Paused. Kumuha ako ng libro, Gavin? "I'm here. Buying your favorate BOOKS." Hindi ko maintindihan kung pinaparinggan ba ako ng babae na 'to.
Pagkatapos kong bumili ay dumiretso ako sa rest room. Pag ka pasok ko cubicle ay may narinig akong mga nagtatawanan na babae.
"Grabe, ipinamuka mo iyon?!" Girl 1.
"Yes. Gusto ko na malaman niya na akin lang si Gavin." Ito yung babae na nakasalubong ko kanina.
"Maganda ba?"
"Nah. She's so pangit like ew! Grace ang pangalan niya."
Nanlaki ang mata ko, nakatayo na lang ako dito at nung wala na akong marinig na ingay ay lumabas na din ako. Hindi ko napigilang hindi itaas ang kanang kilay ko nang makita ko na nandoon pa din yung babae.
"Hey." Bati nito.
Inilabas ko ang pouch ko at nag retouch. "Hello."
"By the way, I'm Irish Gillian Quenca."
"Grace Miranda." Pagpapakilala ko dito.
Umalis na din siya pagkatapos noon. Tumawag si Leira sa akin kaya sinagot ko iyon. Dala dala ko ang paper bag na galing pa sa national book store.
[Hello, Graceee. Dinner kayo dito.]
"Bakit?"
[Basta! If you won't go here, hindi na tayo bati!]
Napa labi na lang ako ng patayin na nito ang tawag. Dumiretso agad ako sa condo, alam ko na may kausap siya kahapon.
I was wearing a yellow casual sheath lace backless dress. Nag ayos talaga ako dahil paniguradong may bisita si Leira pero hindi ko naman kilala.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Zen.
"Kung ayaw mong sumama, edi wag!"
"Ayos na nga ako, eh."
Siya na ang pinagmaneho ko, iniwan ko na lang ang sasakyan ko. Naka faded pants at white polo shirt si Zen.
Pagkarating naman doon ay naka fierce lang ako. Sino kaya ang bisita?
"Woah. Saan punta niyo?" Tanong ni Leira pag kabukas niya ng pinto sa amin ni Zen.
"Sa inyo." Inakbayan ako ni Zen na normal na lang naman sa akin.
Pag kapasok namin ay kumpleto ang tropa, hindi pala kumpleto kulang kami ng dalawa. Kuya David at Kuya Gio. Pero sandaling napako ang tingin ko doon sa lalaking naka black polo shirt at khaki shorts.
"Ahm.." hindi na nakapag salita si Leira nung humarap ang lalaki sa amin.
My jaw dropped and his jaw clenched.
"Grace.."
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Teen FictionCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...