Kabanata 25
Truth
"Saan ka galing?" Tanong ni Zen sa akin pag ka upo ko.
Ang kapal sabihin ng muka niyang sabihin na mahal ako. Kung ganun pala ang pagmamahal niya parang ayaw ko na lang na mahalin niya pa ako. It's just.. I don't believe in him anymore.
"Kinuha ko nga bag ko."
Matapos akong magtanong kanina ay hindi niya ako sinagot. Natamaan siya dahil totoo. Hindi ganun ang pagmamahal, hindi yata siya marunong sa salitang iyon.
"Nag leave kami ng 3 days. Get ready guys, mag babakasyon tayo." Sabi ni Chelsea habang nag titipa sa cellphone niya. Saktong pagpasok ni Caltrious ay nag tama ang tingin namin na agad akong umiwas.
"Kahit buntis ako?"
"Kahit buntis ka pa."
--
"May kailangan ka pang ipaliwanag." Seryosong saad ni Zen pag ka rating namin sa condo. Dito raw muna siya matutulog dahil maaga kaming aalis bukas. Hindi ako sigurado kung saan kami pupunta dahil si Damon at Chelsea lang ang may alam.
"I'm sorry but you need to stop." Nakatungong sabi ko matapos kong alisin ang heels ko.
"Bakit?"
"You need to."
"I won't."
"It's complicated."
Hindi na din siya nagsalita. Nakatitig lang ako sa kisame saka niyakap ang aking unan. Nasa kabilang kwarto si Zen. Hindi niya pa ako kinakausap matapos ng mga nangyari kanina.
Pag gising ko ay nag impake na din ako kahit kay Zen ay inayos ko na din dahil hindi pa din ako nito kinakausap. Nag handa ako ng almusal, kumain kami at umalis ay wala pa din kaming imikan.
"Ang tahimik niyo, ah!" Puna ni Leira sa amin.
"Tara na!" Anyaya ni Chelsea sa amin. Inilagay namin ang mga gamit namin sa likod. Van ang gamit namin, kasya naman kami dito. Ang nasa unahan ay si Chelsea at Damon. Kaming tatlong babae ay nasa gitna at ang mga lalaki ay nasa likod.
"Huy, may problema kayo ni Zen?" Umiling lamang ako.
"Wala."
Hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin ay mag katabi kami ni Zen na walang imik.
Nung makapasok kami sa room ay magkakasama kaming mga babae. Nag aayos ako ng gamit nang marinig ko si Leira na natataranta.
"Grace, solo ka ng room."
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Ayoko makita ang pagmumuka mo."
Napaismid na lang ako nang samaan ako ng tingin nito.
"Hayaan mo na Grace. Buntis yan." Singit ni Chels.
"Haha buti nga." Binato ko ng unan si Irish. "Ouch!"
"Arte. Muka ka namang tae." Inirapan ko siya at kinuha na ang bag ko.
"Bye!" Paalam ng tatlo.
"Solo ka dun!"
Nakasimangot ako na pumunta sa kabila, ang katabi ko dito ay hindi na alam kung sino. Ang kwarto na pinasukan ko kanina ay katabi namin doon ang boys na nasa kabilang kwarto pero kawawa naman yata ako ngayon dahil mag isa lang ako ngayon dito.
"What the--" agad akong nagtakip ng mata nung lumabas doon si Caltrious na naka towel lang sa pang ibaba niya.
Mariin ang pikit ko para hindi makita iyon nung magsalita ito.
"Open your eyes." Utos nito. Ngayon ko lang nakita ang pagbabago niya, from his clean cut, jaw, face at ang katawan niya na mas naging brusko pa. "You're now 1 minute eye raping--"
"Bakit ka nandito sa kwarto ko?" Mariing sabi ko.
"Hindi ba.." humawak ito sa baba niya. Damn, deja vu. "Ikaw dapat ang tanungin ko nyan?"
"Sabi nila solo ako dito."
"Yun din ang sabi nila." Ngumisi ito sa akin, naka short lang ito.
"Aalis na ako--"
"Stay here."
Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko sa drawer, lumabas na din ako. Nauna na kasi siyang lumabas. Naabutan ko sila na parang may hinihintay.
"Grace?!" Bungad ni leira. "Mag swim suit ka nga!"
Napa labi na lang ako at bumalik doon. Naka two piece lang ako saka sinuot ang robe ko.
"Perfect!" Pumitik si Chelsea.
Naglalagay ako ng sun block nang may humarang sa tinitignan kong dagat. Walong pandesal po.
"Don't swim."
Inirapan ko ito at tumayo. Inalis ko sa harap niya ang roba ko saka itinaas ang kilay ko. "Wag mo akong pakialaman." Tinabig ko ito at nilampasan siya.
Nakita ko si Zen doon na nakakuyom ang mga kamao kaya agad akong lumapit doon.
"Zen?" Tanong ko.
"Mag usap tayo."
"Nag uusap na tayo."
"Sino si Caltrious?'
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. "Friend."
"But--"
"Mag tatanong-tanong ka tapos hindi ka naman pala maniniwala."
Talagang hindi ka dapat maniwala, Zen. Sabi ng isip ko pag ka talikod ko sa kaniya.
Saying the truth to Zen won't change anything.
![](https://img.wattpad.com/cover/229478428-288-k519587.jpg)
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Roman pour AdolescentsCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...