Kabanata 21
Gweys
Limang taon ang lumipas lahat ay nagbago na. Makalipas nung tatlong taon na bumalik ako ay dumalo ako sa kasal kasama si Chelsea. Kahit anino ni Caltrious ay hindi ko nakita. Hindi rin naman nababanggit ni Leira kung nasaan ba si Caltrious.
Sa limang taon na iyon ay nag tapos ako ng pag aaral na hindi kasama ang mga kaibigan ko. Simple lang, lumayo ako kahit hindi dapat. Kahit na sabihin ko na hindi ko dapat kalimutan si Caltrious ay nilisan ko ang lugar na iyon.
Lahat ng mga pangyayaring na kasama ko si Caltrious ay nilayuan ko.
At ngayon na babalik ako sa lugar na iyon kasama ko si Draizen. Tatlong taon na siyang nanliligaw sa akin na kahit kailan ay wala akong balak sagutin siya. Hindi ko alam pero ayaw ko.
"Aalis na ba tayo?" Tanong ni Zen sa akin. Kapapasok niya lang sa condo ko kaya naman tinignan ko ito.
"Saan ka pupunta? Sa libing?"
"Hindi. Opposite outfit dapat tayo."
"Gago. Magpalit ka nga."
Ano bang masama kung naka all white ako? Kesa naman sa kaniya na naka all black. Pupuntahan namin yung buntis tapos naka itim siya. Kung hindi ba naman tanga.
Oo, buntis na si Leira.
"Ang tagal mo naman, Zen!" Katok ako ng katok sa condo niya, hindi ko nga alam kung bakit kailangan niya pa ngayon i-lock ang pintuan. Hindi ko naman sa re-rape-in.
"Teka nga! Atat ka makita pagmumuka ko, eh!" Sigaw niya sa loob.
Agad akong napa-ismid. "Bahala ka, mauuna na ako!"
Hindi pa man ako nakakahakbang ay bumukas na ang pintuan. Napasapo na lang ako sa noo at nag palit na lang ako ng violet top. Gaya-gaya kase si Zen. Pag ka labas niya ay naka all white din siya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." Sukong sabi ko pero tinawanan lang ako nito.
Pagkarating namin kina Leira, syempre nag bukod na sila ng bahay. Si Lance ang nagbukas nito, naka pang trabaho ito at halatang papa alis na kaya pinadaan namin siya ni Zen.
"Sorry, mauuna na ako." Paumanhin nito.
"Ayos lang."
"Gusto ko makita si grace!" Narinig ko ang sigaw ni Leira sa loob kaya nagmamadali akong pumasok. Hila hila ko si Zen dahil mukang walang balak ito umalis sa labas.
"Anong problema mo?" Natatarantang tanong ko.
Lumapit ito at humawak sa dalawang balikat ko. Namumuo ang mga luha nito bago ako niyakap nito. "Grace, manganganak na yata ako."
"Leira, tigilan mo nga ako. Isang buwan ka pa lang na buntis." Napa labi ako ng tumawa si Zen sa likuran ko. Agad kumalas sa yakap si Leira na sumi-singhot singhot pa.
"Sorry, Excited kasi ako."
"Halata nga." Umismid ako.
Halata sa katawan ni Leira na tumataba ito. Hindi na ako nabigla nung akbayan ako ni Zen nung pumunta kami sa kusina.
"Are you two ahm.." nanlaki ang mata ko nung may tumulong luha sa mga mata nito.
"Hindi, hindi." Agad na akong sumagot, ganito lagi ang reaksyon niya tuwing makikita niya kami ni Zen hays.
"Okay!" Bigla itong sumigla. Anak ng teteng.
Tinulungan ko siya magluto habang si Zen naman ay parang aso, aso pala talaga siya na sunod ng sunod sa akin. Pag nga tumitigil ako ay may bumabangga sa likod ko kaya tuwing haharap ako ay tinatapakan ko siya sa paa.
Pag katapos naming magluto ay dumiretso kami sa sala. May kausap si Leira at halatang tuwang tuwa ito.
"Sige, punta ka bukas!"
"Sino yan?" Tanong ko.
"Wala ah." Lumingon lingon pa ito sa paligid, gusto pa yata mambintang ng babaita na 'to. "Hehe."
"Tss."
"Ikaw para kang si Lance!" Padabog itong umupo sa tabi ko.
"Eh, ano naman?"
"Wala lang, share ko lang."
"Like and comment?" Napa labi ako nung sumulpot sa kung saan si Zen para sabihin ang walang kwentang like and comment niya. Ewan ko, ang corny masyado!
"Oo, like and comment!" Nag thumbs up si Leira kay Zen.
"Nagugutom ako. Tawagin niyo nga si Lance." Kinalabit ako nito.
"May trabaho asawa mo."
"Dali na!" May namumuong luha na dito kaya napasapo na lang ako sa noo habang nag d-dial.
[Hello, Grace.]
"Umuwi ka daw rito."
[What? Sabihin mo may ginagawa ako--]
"Subuan mo ako!" Hinablot ni Leira ang cellphone ko. Halatang galit na galit na siya ngayon, kawawang Lance. "Sige, mamaya na ako kakain sa gabi." Paused. "Gusto ko nga ikaw mag subo, eh!"
Paused. "Wag ka ng uuwi!" Inabot nito sa akin ang cellphone ko. Nag crossed arms ito habang pinagmamasdan ang mga kamay niya. "Wala namang mali sa akin diba?" Narinig ko ang pag singhot nito kaya napairap na lang ako.
Napaka ng mga buntis.
"Gweys!"
"Letche ka, Zen! It's G-R-A-CE greys. Hindi gweys!" Binato ko ito ng unan pero sinambot niya lang ito.
"Gusto ko gweys, eh."
"Wag mo nga akong kausapin!"
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok dito si Lance na halatang nagmamadali. Natakot, amp.
"Where's Leira?"
Pinahid ni Leira ang kanyang luha bago tumayo. "Let's eat!"
Lumaki ang butas ng ilong ko at napa irap na naman ako. Papapuntahin ko nga si Chelsea mamaya ng mapag tripan siya ni Leira. Nakaka sira ng ulo kapag si Leira talaga ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
When the book fell (Chasing Series #3)
Teen FictionCHASING SERIES #3 Status: Completed. Date: June 16 - June 23, 2020. Grace Miranda. Siya ang tipong mas mahal pa ang libro kase sa kung sino. Well, she loves her family but men? Urong. Hindi niya akalain na ang unang kumuha ng libro sa kaniya ay unan...