Chapter one
Zecharia
You're grade can't just be like this, galingan mo. Mas taasan mo pa.
Will this be the CEO of the company I built? You're look like a stupid sheep who doesn't know what to do.
Look at Mr. Colerral's son, napaka-galing niya sobra at hindi na kailangan pang turuan not like you! Bakit hindi mo gayahin ang batang 'yon?
Kinagat ko ang aking labi at pumikit ng mariin. Hindi mawala sa aking isipan lahat nang pinagsasabi ni dad. Nang dahil dito hindi ako maka-focus sa aking ginagawa at mas lalo na sa exam ko ngayon.
Nakatayo lamang ako at kabado habang nasa harap ng mga scores namin na nakadikit sa wall. Parang ayoko iyong tignan dahil may kung ano sa loob ko na parang may mali.
Hindi ako nakapag-review, na siyang pinagsisihan ko. Hindi ko alam kung tama ba lahat ng sagot ko. Pumikit muli ako at pinag-krus ang aking mga daliri, 'tsaka humiling na nakapasa ako.
Nakisiksik ako sa mga estudyanteng tumitingin din sa wall. May ilang sobrang saya dahil nakita nila ang kanilang mga pangalan sa nakapasa. May ilan ding halos mapaluhod sila dahil sa dismayang naramdaman nila.
Umiwas na lamang ako ng tingin at hinanap ang seksyon ko sa mga papel, nang makita ko ito hinanap ko agad ang surname ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang hinahanap ang pangalan ko ngunit...
Wala ang pangalan ko sa mga nakapasa.
"W-What happened?"
Malakas ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang init sa sulok ng aking mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko at halos manigas ako sa aking kinatatayuan.
What will I do? I didn't want to tell them because I knew they would get mad at me. Bumuntong hininga ako at may nakita akong email sa aking phone.
Ms. Lyn:
Your score did not reach our passing grades. We were sorry, we still hope the best for you. Thank you.
Napahilamos ako sa aking mukha at kusa nang tumulo ang aking mga luha. Kaya lang naman ako hindi makapag-review dahil mas inuna ko ang kakambal ko. I was so tired kaya hindi ako nakapag-prepare for our upcoming exam.
Tulala lamang ako hanggang sa makarating kami sa bahay, sumalubong kaagad sa akin ang kakambal ko. Mukhang tapos na siya at umalis na ang kaniyang tutor.
"Why you look so sad?" tanong sa akin ni Zephania.
Kumurap-kurap ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Ayokong madamay siya sa problema ko kaya umiling na lamang ako sa kaniya.
"Where's dad? I just need to tell him something," I uttered.
"I think he's in the mini-office again," mahinang sambit ng kakambal ko.
Bumuntong hininga muna ako bago umakyat patungo sa kaniyang mini-office. Ilang beses akong kumatok muna bago buksan ang pintuan. Naabutan ko siyang naka-upo sa kaniyang swivel chair at deretso ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Sea of Lies (Isla Series #1)
Teen Fiction[Completed] She likes the Sea. She's as beautiful as the Sea. Her eyes are blue. I always see her here and she told me that the Sea calms her down. I'm so happy when she's with me. My day is completed when I see her. I thought it was nothing, ...