Capítulo 21

94 55 52
                                    

Chapter twenty-one

Zecharia

Pagkarating ko sa bahay, nakita ko na agad ang sasakyan ni Zeph. Nauna pa siya kesa sa akin. Rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni mommy sa may loob. Pagkapasok ko, hindi ko inaasahan na makikita ko rito si Kenneth.

"What are you doing here?" I asked without looking at him.

Nilapag ko ang mga gamit ko sa sala at inayos doon. Nagtungo ako sa kanila at umupo sa tabi nila.

"Napadaan lang," sagot niya sa akin.

"He was just telling me a story," nakangising sambit ni mom. "Come on! Repeat again, ano ang ginawa mo sa girl na lumapit sa'yo sa pool?"

Naningkit ang mga mata ko sa tanong ni mom. Napabuntong hininga na lang ako at napairap sa kawalan nang malaman na mga babae na naman niya ang kinukwento niya.

Nagtungo ako sa kwarto ko upang mag-shower. Isasama na lang namin si Kenneth sa pupuntahan namin mamaya, para naman may kakwentuhan si Mom. Pagkatapos ng ilang minuto, nang matapos na ako sa pag-aayos bumaba na ako. Naabutan kong nandoon na din si Zephania at nakikisali sa kanilang kwentuhan.

"Hey mom, where do you want to go? Libre namin ni Zeph," nakangiting sambit ko.

"H'wag na. Itago niyo na lang iyan," sambit niya sa akin.

"Mom, minsan lang 'to. Madalas kaming busy sa trabaho at minsan lang tayo makapag-bonding," sambit ni Zeph. "Please mom?"

"Okay," napangisi ako nang pumayag si mom. "How about you Kenneth? Sumama ka na sa amin."

"Ah h'wag na po tita," nahihiyang sambit niya.

"Minsan lang din 'to Kenneth," sambit ko. Maya maya ay pumayag din ang loko, gusto lang magpapilit.

Napag-desisyunan namin na sa Venice na lamang kami pumunta. Kay Kenneth na sasakyan ang ginamit namin. Wala pang ilang minuto, nakarating na rin kami. Walang traffic ngayon kaya nakapunta kami kaagad.

Pagkapasok namin sa mall, una naming pinuntahan ang bridge. Kung nasaan ang ilalim namin ay 'yong Grand Canal. Maya-maya ay sasakay kami sa bangka upang makaikot kami sa buong Venice Grand Canal.

Nagtungo muna kami sa restaurant. Tinignan ko ang mga menu at puro seafood ang kanilang putahe. Kami na ang nagbayad dito at mamaya ay si Kenneth ang manlilibre sa pagsakay namin sa bangka.

"Kamusta ang mommy mo, Kenneth?" tanong ni mom.

"Okay naman po siya. Masyado pong busy sa cafe," sagot ni Kenneth.

"Next time, bring her with us para na rin makapag-kwentuhan kaming dalawa," nakangiting sambit ni mommy at ngumiti lamang si Kenneth sa kaniya.

Nang matapos na kami sa pagkain, lumabas na agad kami at nagtungo na sa Venice. Pagkasakay namin sa bangka, magkatabi kami ni mom sa may likod samantala magkatabi naman ang dalawa sa harapan.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ng mga litrato ang magagandang views dito. Sobrang lawak at haba pala nito, kaya sulit lamang ang binayad ni Kenneth dito.

It was ten o'clock in the evening when we got home. Nagpaalam na si Kenneth na mauuna na raw siya. Dito sana siya papatulugin ni Mommy dahil gabi naman na pero tinaggihan niya na lamang ito.

Nagtungo kaagad ako sa aking kwarto at doon ko lamang naramdaman ang pagod. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Maaga akong nagbukas ng restaurant. Wala pa ang mga chef ko dito kaya ako muna ang nag-aasikaso sa kusina. Ako ang naghahanda ng mga gagawin nila. Nagsimula na rin ako magluto, para kung meron 'mang dumating may maii-serve na ako.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon