Chapter seven
Zecharia
Nagtungo ako sa ilalim ng puno ng niyog at binigay sa kaniya ang phone ko. Labag sa kalooban niya iyong kinuha sa akin. Pinilit ko siyang samahan ako at pumayag naman din siya."1, 2, 3, smile," he uttered.
I tried to smile and signed peace. I also tried the stolen shot. Umupo pa siya sa buhangin habang kinukuhanan ako pero nang tignan ko, ang blurred!
Hinayaan ko na lamang dahil ang ganda rin ng pagkaka blurred niya a'. After we took a walk, I went to my room and I didn't see him stalking behind me. Hinanap ko pa siya pero hindi ko na nakita pa.
I went to my bed and lay down. I took my phone and took a selfie twice to post on my IG. Tagal ko na rin hindi active dito sa Ig ko. But in the middle of my selfie, my Mom suddenly called! Nakakapagtaka wala pa akong isang araw dito sa Legazpi miss na agad niya ako. I answered her call.
"Yes Mom?" bungad ko. May narinig akong sunod-sunod na pagbuntong hininga. I think that's daddy.
"Can I ask you a favor anak?" she asked. Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napatango-tango.
I thought she missed me, asking favors pala.
"What is it mom?" tanong ko at humiga sa aking kama.
"Your twin was not here last night and hasn't returned home yet! I don't know where she is until now because she doesn't reply to our messages!" Mommy started panicked! Kahit ako ay napatayo mula sa pagkakahiga.
"What?!" Zephania can't do that! Kailan niya pa natutunang tumakas?!
"I'm starting to worry dear."
Bumuntong hininga ako at inisip kung saan ang pwedeng puntahan ni Zeph! I don't know! Hindi siya palabas na tao. Lagi lamang siya sa bahay at kaharap ang libro.
"Don't worry Mom I'll try to call her and I will also call Ken hoping he might know where my twin went," pagpapakalma ko kay mom.
"Okay dear. I love you and always take care," she said. I smiled and nodded kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita.
"I love you too mom bye," after I said that pinatay ko na ang tawag at nag-message sa kakambal ko.
Pagkatapos kong mag-message through messenger. Kinontact ko na ang kaniyang number pero cannot be reached! Where are you? Naka ilang missed call na ako hoping na sagutin niya pero wala!
I call Ken na lang. Dinaial ko ang kaniyang number and I was annoyed because he took so long to answer my call!
"Naks may patawag. Don't worry nabasa ko ang meesage mo kanina so ano-"
"Nasaan ang kakambal ko?" deretsong tanong ko sa kaniya.
"Sa paraan ng pagtatanong mo para ko naman siyang tinatago. Bakit mo naman sa akin tinatanong?" Ramdam ko ang inis sa tono ng boses niya kaya bumuntong hininga ako.
"My Mom said, Zephania wasn't home last night at hanggang ngayon. She has no other friends but you. Now tell me where she is?" seryosong tanong ko.
"You have nothing to worry about. Humihinga pa naman ang kakambal mo at nakitulog lang dito sa Condo ko, okay?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What? Why?"
"Nakalimutan lang naman niya ang susi sa bahay niyo at talagang sumaktong wala pang tao doon kaya hindi siya pinagbubuksan. H'wag ka mag-alala, wala akong masamang ginawa sa kakambal mo," paliwanag niya.
"Wala akong sinasabi," sambit ko.
"Iyong deal natin, h'wag mong kalimutan. Nasa akin na ang susi ng baby Volkswagen mo," kahit hindi ko siya nakikita ramdam kong nakangisi siya ngayon.
"Don't worry Ken. Hindi ako magpapatalo sa'yo," after I said that I ended the call.
Kinuha ko ang nga gamit ko at nagtungo sa labas. I first posted my two pictures on my Ig. Ang una iyong naka bikini ako at ang pangalawa ay iyong ngayon-ngayon lang, before going back to balcony to get my bikini.
Sinuot ko rin ang shades ko at naglakad na patungo kay Calil. Naabutan ko siyang nakatambay sa labas ng restaurant at kumakain na naman siya.
Hindi na siya nagulat nang umupo ako sa kaniyang harapan. Nilapag ko ang mga gamit ko at ngumiti sa kaniya. Nagtataka na naman ang kaniyang mukha.
"What do you want? Libre ko," aya ko sa kaniya.
Tinignan ko ang menu at kusang nawala ang ngiti sa labi ko. Wala sa sariling natawa ako dahil naalala kong wala nga pala akong pera! Ang kapal ng mukha ko dahil sinabi ko pang lilibre ko siya.
"Pautang pala muna. Wala pa kasi akong pera babayaran na lang kita," nakangising sambit ko.
"Why are you doing this?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"What do you mean? Ang pangungutang?" natatawang tanong ko.
"No. Why are you talking to me? May kailangan ka ba sa akin?" seryosong tanong niya.
"Oh my god iyan ba ang problema mo? Ayaw mo 'yon? Kinakausap na nga kita and I want to be friends with you," nakangiting sambit ko at pinatong ang dalawang siko ko sa table. "Pwede ring more than friends kung gusto mo."
Halos mapatalon ako sa gulat nang pabagsak niyang ilapag ang kaniyang iniinom. Hindi niya ba nagustuhan ang banat ko? Grabe naman 'to. Ang hirap naman niya pakiligin.
"Alam mo gwapo ka." Napahinto siya sa pag-inom at lumingon sa akin. "Ang dami kayang tumitingin sa'yong mga babae, hindi mo ba pansin?" dagdag ko.
"Wala akong panahon para pagtuunan sila ng pansin," sambit niya at tinaasan ko siya ng kilay.
"You should be nice to them, somehow."
Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko at nakita ko na lang na masama ang tingin niya sa akin.
"Kung gusto mo bakit hindi ikaw ang gumawa? You don't care what I want to do, mind your own business." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at iniwan na naman ako basta basta dito. May mali nga ba sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na maging nice siya kahit papaano sa mga tao.
Umirap ako sa kawalan at binunton ang sama ng loob ko dito sa phone na hawak-hawak 'ko. Nagtungo ako sa number ni Ken at nag-type ng message sa kaniya.
Me:
I quit! Hindi ko kaya 'to! Wala bang ibang deal diyan?
✍︎𝙴𝚗𝚍 𝚘𝚏 𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝚜𝚎𝚟𝚎𝚗
BINABASA MO ANG
Sea of Lies (Isla Series #1)
Novela Juvenil[Completed] She likes the Sea. She's as beautiful as the Sea. Her eyes are blue. I always see her here and she told me that the Sea calms her down. I'm so happy when she's with me. My day is completed when I see her. I thought it was nothing, ...