Capítulo 28

68 35 12
                                    

Chapter twenty-eight

Zecharia

"Ms. Geralyn-"


Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla na lamang siyang umalis sa harapan namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko siyang habulin at magpaliwanag pero pinigilan ako ni Calil.

"Ako na ang kakausap," seryosong sambit niya.

Wala akong nagawa kundi panoorin na lang ang kaniyang likod na papalayo sa akin. Susunod na sana ako sa kaniya nang hilahin ni Isaiah ang kamay ko at inaaya akong uminom.

Lasing na silang tatlo. Natutulog na si Matteo at Kiko sa kani-kanilang mga upuan. Tanging si Isaiah lang ang gising at mukhang wala sa sarili.

"Ang bobo ni Calil sobra." Napalingon ako kay Isaiah nang sabihin niya iyon. "Hindi niya na nga mahal yung tao, nanatili pa rin siya. Nakakaawa yung babae tol 'pag nalaman niyang awa na lang nararamdaman ni Calil sa kaniya."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko. Ayokong mag-isip sa mga salita niya pero hindi ko maiwasan. Sino ang hindi niya mahal? Wala naman siyang ibang girlfriend ngayon kundi si Ms. Geralyn lang.

"Dumating na kasi yung hinihintay niya e'," dagdag niya. Naningkit ang mga mata ko nang lumingon siya sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin? May nalalaman ka ba, Isaiah?" tanong ko.

"Alam kong alam mo na iyon, ayaw mo lang aminin sa sarili mo dahil alam mong may mali," sambit niya.

Natumbok niya! Mali na may maramdaman ulit ako kay Calil dahil may fiancé siya. Mali na mangyari ulit yung inaasam ko dahil may Lyn siya. Inaasam ko na magkabalikan ulit kami gaya ng dati pero alam kong sobrang labo na.

Nanakit ako. Sinaktan ko siya noon. Lumayo ako sa kaniya. Akala ko makakalimutan ko na siya pero iba talaga kung tagos yung pana ni kupido sayo. I thought he was only temporary in my life, but I was wrong. He's the only man I see as a future.

Niligpit ko ang mga kalat nila dito sa labas. Napalingon ako sa kanilang tatlo at nag-aalangan kung bubuhatin ko ba sila papasok sa Mansyon. Bumuntong hininga ako at isa-isa na pinasok sila sa Mansyon. Pabagsak ko silang hiniga sa may sala.

Siguro maya-maya ay gigising din sila pag nakaramdam na ng kirot sa likod. Nagtungo ako sa kusina upang hugasan ang mga pinagamitan nila. Pagkatapos, lalabas na sana ako sa kusina nang matigilan ako dahil nakita ko si Ms. Geralyn.

Namumugto ang kaniyang mga mata at halatang kagagaling sa iyak. Bumalot ang kaba sa dibdib ko at kahit hindi pa siya nagsasalita, alam ko na agad ang sasabihin niya.

"H-Hindi na matutuloy ang kasal namin," nauutal na sambit niya na ikinagulat ko. "He has broke up with me. He said he was no longer happy with me. He doesn't love me anymore."

Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam pero imbis na takot ang maramdaman ko, naawa ako sa kaniya.

"And it's all your fault!" mariing sambit niya. "Why did you comeback?! Why did you even show up to him?! Mahal naman niya ako noon e'. May plano na kami sa buhay namin pero no'ng dumating ka lang nagkanda sira na ang lahat!" sigaw niya.

"N-No Ms. Geralyn. I'm sorry," nauutal na sambit ko.

"Nakita kita no'ng isang gabi nakasakay sa kaniyang sasakyan at hinatid ka papunta sa bahay niyo. I didn't doubt him because I knew he was kind to everyone," umiiyak na sambit niya.

"Nakikita ko siyang dinadalhan ka niya lagi ng pagkain samantala ako na fiancé niya, hindi niya magawang dalawin sa trabaho? Really?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "He always says you're just friends but that's not what I see in his eyes. We're okay. We were happy but you just came..."

"No. Nagkakamali ka. Hindi ako ang dahilan Ms. Geralyn. Kahit kailan walang sinabi sa akin si Calil. Ikaw lagi ang bukang-bibig niya. Maniwala ka sa akin," mahinang sambit ko.

"But he told me the truth. He admitted to me that he still loves you." Natigilan ako sa sinabi niya. "It hurts. Mababaw lang pala ang nararamdaman niya sa akin while me? Sobra pa sa sarili ko. Naubos ako."

"I-I'm sorry."

"Wala na akong magagawa. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kaniya," nanghihinang sabi niya. "I just want him to be happy, at alam kong hindi ako ang makakagawa no'n sa kaniya."


"He loves you so much. Don't hurt him again. Ikaw lang hinihintay niya, sobrang sakit nito sa akin pero kailangan kong tanggapin. Binuo ko lang pala siya para sa'yo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya sa harapan ko at lumabas ng Mansyon. Gabi at nag-aalala ako sa kaniya. Lumabas ako ng kusina para hanapin siya ngunit natigilan ako nang makita kong mag-kausap sila ni Calil.

May naramdaman akong kirot sa aking dibdib nang makita kong niyakap ni Calil si Ms. Geralyn. Alam ko naman ang totoo pero hindi ko pa rin maiwasan masaktan.

Pumasok ako sa Mansyon at nagtungo sa aking kwarto. Nakadilat lamang ang mga mata ko at nakatitig sa aking kisame. Bumuntong hininga ako at iniisip kung paano ko haharapin bukas si Calil.

Dahil sa nagawa ko kay Ms. Geralyn, parang gusto ko na lamang umalis sa Mansyon. Parang gusto ko ulit takasan ang problema ko dito. Nagawa ko na iyon dati kaya ayokong ulitin ngayon.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa sun lounger at tinititigan ang dagat. Tinaggal ko ang cover-up ko at nagtampisaw roon. Nilubog ko lamang ang katawan ko at nakatingin lamang sa malayo.

Bukas na bukas ay pupunta dito sila Mom at Zephania. Magbabakasyon at kakamustahin si lola. Napatili ako nang biglang may naramdaman akong mga kamay sa bewang ko.

Napalingon ako sa may gawa no'n at nakita ko si Calil. Hinilig niya kaagad ang kaniyang ulo sa aking balikat. Sa bawat pagbuntong hininga niya nararamdaman ko ang kaniyang pagod.

Hinayaan ko na lamang siyang nasa ganong pwesto. Nakatingin lamang ako sa araw na unting-unti tumataas sa kalangitan. Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay na humihigpit ng hawak sa aking mga bewang.

"I'm tired," he whispered. Inangat niya ang kaniyang paningin at saktong tinignan niya ako deretso sa aking mga mata.

"I didn't like the sea. I always remember you here. Sa tuwing nakikita ko ito, ikaw agad ang pumapasok sa isip ko. Ayokong pumunta sa lugar na ito, because it reminds me of our past. But now? I'm here dahil nandito ka. Masyado akong hinihigop ng mga mata mo."

Napaawang ang labi ko nang may ipakita siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kwintas na binigay niya sa akin noon. Ganon na ganon pa din iyon. Hindi man lang ito kumupas o nasira man lang.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang isuot niya sa akin ito. Parang bumalik muli sa akin ang nakaraan namin. Hindi ko alam pero kusa na lamang akong napangiti sa kaniya. I felt his soft lips on mine. Right now? I just want to think of him. I miss him... so much.

"You are so beautiful, just like the sea."


✍︎𝙴𝚗𝚍 𝚘𝚏 𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝚝𝚠𝚎𝚗𝚝𝚢-𝚎𝚒𝚐𝚑𝚝

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon