Capítulo 04

222 136 181
                                    

Chapter four

Zecharia

Matapos ang ilang oras namin sa himpapawid sa wakas ay nakalapag na rin ang sinasakyan naming eroplano. Fresh air greeted me as I got off the plane. Mang Rick was stalking behind me. Hila-hila ang maleta ko.

Pagkalabas namin sa airport, natanaw ko ang isang Limo na nakaparada sa isang tabi at merong nakabantay na parang isang bodyguard. Huminto lamang ako upang antayin si mang Rick.

Kinuha ko ang phone sa clutch ko at nag picture picture lang saglit. I posted it on my instagram and less than a few minutes, I saw Ken liked and commented. Binuksan ko iyon upang tignan kung anong kinoment ng kupal na 'yon.

@Ken.Hughes
Kaninong aso 'to? Nagala kung saan-saan.

Napairap ako sa kawalan. Nakakainis talaga 'to kaya minsan sarap iblock e'! Nakita kong meron ding comment ang kakambal ko at may reply pa ni Ken.

@Zeph.Lopez
Bakit kamukha kita? Huhu😭.

@Ken.Hughes
Because she's impostor.

Napailing na lamang ako sa dalawa at pinatay na ang aking phone dahil natatanaw ko na si mang Rick papunta sa gawi ko. No'ng una akala ko ay mag aantay kami ng Taxi or magbo-book ng grab patungo sa port, pero napaawang ang labi ko nang makita kong dere-deretso si mang Rick sa Limousine na nakita ko. Pinagbuksan ako sa back seat no'ng bodyguard na nakita ko.

Ngumiti ako sa kaniya at pumasok. I saw him turn around and go to the driver seat while mang Rick sat in the shotgun seat. Umupo ako nang maayos nang marinig na inistart niya na ang sasakyan at pinaandar ito paalis. Nakalimutan ko nga pa lang bibigatin ang aking lola.

Ilang oras ang binyahe namin. Hindi na ako dinalaw ng antok dahil nakatulog naman na ako. Huminto lamang ang aming sasakyan nang makarating na kami sa port. Unang bumaba si mang Rick at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko ang aking clutch at inayos ang shades. Maraming tao sa port dahil siguro bakasyon ngayon, at maraming namamasyal o uuwi.

Bitbit na ni mang Rick ang aking maleta at nagtungo sa may speedboat. I saw lola's name written there! Zeina Lopez. I didn't know that Lola had her own speedboat.

Ano pa bang ikakagulat ko bago ako makarating sa Isla?

Binaba ko ang shades ko nang magsimulang umandar ang speedboat. Nagtungo ako sa deck at tinanaw ang kulay asul na dagat at ilang isda na sumasabay sa pag andar ng aming speedboat. Gusto ko iyon hawakan pero alam kong imposible.

Apat na oras ang tinagal namin sa karagatan nang may matanaw akong isang Isla. White sand, Blue sea, So many trees around. May nag iisang nakatayo na Mansyon sa Isla at kung hindi ako nagkakamali iyon ang nirenovate ni lola na kaniyang Mansyon. There are some houses sa may 'di kalayuan.

Ngayon ko napagtanto na ito na nga ang aming Isla. Ang Isla na siyang pagmamay-ari ni Lola. Ilang taon na ang nakalipas at nakatapak muli ako rito. My heart melted to see how beautiful it was.

"Madame naririto na po tayo." Mang Rick waking up my mind.

Tinanggal ko ang rubber shoes ko at ang medyas ko, pinalitan ito ng baon kong slippers. Inalalayan akong bumaba ni Mang Rick sa speedboat. Pagkababa ko wala sa sariling napangiti ako nang makita ko ang puting-puting buhangin. This is what I missed!

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon