Capítulo 16

128 95 140
                                    

Chapter sixteen

Zecharia

Sumama ako ngayon kay Isaiah manghuli ng mga isda sa dagat. Nakaupo lamang ako sa bangka habang siya ay pinapanood ko kung paano niya gawin ang panghuhuli.

May binabato siyang lambat at ilang oras lang patatagalin niya bago niya ito hilahin paangat. Napapangiti siya 'pag marami siyang nahuhuling isda.

Sinubukan ko iyon nang isang beses pero dahil may tumalon sa aking buhay na isda, umupo na lamang ako at nanood sa kaniya. Maganda manghuli ng mga isda kung madaling araw.

Nang makarami na kami ng timba na punong puno, naisipan naming bumalik na sa Isla. Dadalhin daw nila iyon sa bayan para ipagbenta. Marami kaming nakakasalubong na mangingisda na nakasakay din sa kani-kanilang mga bangka.

"Isaiah!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniya.

Nakita namin ang isang tatay na kumakaway sa malayo at nakangiti sa kasama ko. Lumingon din siya sa akin at naiilang na ngumiti.

"Naroroon ang anak ko sa kubo!" sigaw nito. Kumunot ang noo kong lumingon kay Isaiah.

"Ah Mang Roland naman e'," nahihiyang sambit niya.

Binalewala ko na lamang sila at nilagay ang aking mga kamay sa dagat habang umaandar ang bangka. May nakikita akong ilang isda sa pinaka ilalim. Pila-pila pa sila at mabilis na lumalangoy.

Nang makarating na kami sa Isla, pinauna na ako ni Isaiah sa mansyon at habang siya may kailangan pa raw siya puntahan. Tumango na lamang ako sa kaniya at umakyat sa kwarto ko.

Naligo ako at nagbihis. Nagtungo ako sa sala upang ubusin ko ulit ang oras ko sa paglalaro sa phone ko pero kusang napalingon ang mata ko sa bukana ng garden. Agad kong naisip na baka naroroon si Calil.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas. Napaawang ang labi ko nang makitang wala siya dito. Dati lagi ko siyang naabutan dito at inaalagaan ang kaniyang halaman pero ngayon mukhang wala ata siya.

Nagkibit balikat na lamang ako at bumalik na lamang sa Mansyon upang maghanap ng paglilibangin. Gusto ko sanang kausapin si Kenneth ngayon kaso walang signal, tinatamad din ako ngayon pumunta sa Hotel.

Pumunta na lamang ako sa kusina upang mag-bake ng cookies naman, kaso nga lang wala nang ingredients sa ref. Napag-isipan ko nalang na magtungo sa bayan upang bumili ng mga kakailanganin.

Kinuha ko ang maliit kong clutch at nagtungo sa kwarto ni lola upang mag-paalam sa kaniya. Pinagbuksan niya kaagad ako ng pinto.

"Magpasama ka ng isa sa mga apat para may tutulong sa'yo." Naisip ko agad si Calil kaya agad akong tumango kay Lola.

Pagkalabas ko dumeretso kaagad ako sa kwarto ni Calil. Napataas ang kilay ko nang mabuksan ito. Hindi na ako kumatok at sinilip siya sa loob.

Napaawang ang labi ko nang makitang wala siya sa kaniyang kwarto. Sobrang tahimik din at ang linis na rin ng kaniyang kwarto. Nakakunot ang noong sinara ko ang pinto at iniisip kung saan ba siya nagpunta.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon