Capítulo 15

140 95 142
                                    

Chapter fifteen

Zecharia

"Anong sasabihin mo sa akin?" Narinig kong tanong niya.

"Guess what?" sambit ko sa kaniya. "Kami na."

Ilang segundong nanahimik siya sa kabilang linya. Narinig ko ang pagsinghap niya. Kasalukuyan ako ngayon nasa Hotel Venezia upang makapag isip-isip. Mag-isa lamang ako at nakalubog na naman sa jacuzzi.

"Legit? Gano'n kabilis?" gulat na tanong niya.

"Hindi naman gano'n kabilis, sakto lang naman. Ilang beses akong napasuko sa ugali niya dahil hindi ko talaga kinakaya pero ngayon..." napahinto sa aking sinabi nang may pumasok sa isip ko.

Hindi ko kayang sabihin kay Kenneth na hindi lang na ang deal namin ang dahilan. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ito. Lahat ng sinabi ko ay kinain ko, hindi ko inaasahan na pati ako ay mahuhulog sa sarili kong laro.

"Hmm... tahimik ka? 'Di ba dapat matuwa ka dahil makukuha mo na ang Volkswagen mo?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako dahil wala na akong pakialam sa Volkswagen na 'yan. Simula nang umamin si Calil hindi na siya maalis sa isipan ko. Lahat ng problema ko nakalimutan ko dahil sa kaniya lang nakatuon ang atensyon ko. Kahit ang deal namin nakalimutan ko.

"Hey? Are you okay? May problema ba?" Ramdam ko ang pagtataka niya sa tono ng boses niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpakawala mg hininga. Dapat ko na nga sabihin sa kaniya ang totoo. Gustong-gusto ko ng ilabas ito, matagal na. Hindi ko lang masabi kay Lola dahil paniguradong pati siya ay madidismaya sa akin.

"Kenneth..."

"Why?"

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahulog din ako," sambit ko.

Naghari muli ang katahimikan sa kabilang linya. Alam ko namang hindi ako magtatagal dito. Pinapunta lamang ako ni daddy dito dahil ito ang parusa niya sa'kin at alam kong pagkatapos ng dalawang buwan, babalik din ako sa Manila.

"P-Paano? Bakit mo hinayaan?"

Napapikit ako nang mariin dahil sa tanong niya. Hindi ko alam na mangyayari pala 'to. Napaka unexpected ng mga nangyari. Gusto kong matawa dahil ang lakas-lakas ng loob kong sumang-ayon sa deal niya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako mahuhulog pero eto ako ngayon, natatakot na iwan siya.

"I don't want to go home," wala sa sariling nasabi ko.

"Hinihintay ka ng kakambal mo. Sinabi mo sa kaniya na babalik ka 'di ba? Ano na ngayon?" tanong niya.

"I can't leave him. I've already fallen in love with him. Hindi ko alam pero parang ang lalim na Ken. What will I do?" mahinang tanong ko.

"Hindi ko alam. Wala akong alam pagdating diyan. Hindi ko masabi. But please? Don't be selfish Zecharia. Zephania needs you too. She's sick! Her heart is weak, you're the only one she wants to be with at alam mo iyan," he said.

Biglang nagbago ang isip ko at pumasok sa utak ko ang aking kakambal 'ko. Naalala ko ang boses niya no'ng isang gabi na takot na takot siya dahil mag-isa lamang siya sa bahay. Sobrang pag-aalala ang naramdaman ko no'n at gusto kong umuwi agad, masamahan ko lang siya.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon