Capítulo 05

223 132 239
                                    

Chapter five

Zecharia

Hinanap ko ang lalaki kaninang nakita ko. Hindi ko na siya makita ngayon at hindi ko alam kung saan ba 'yon nagpunta. Siguro pinagtritripan niya lang ako kanina.  He wins! Dahil napikon ako sa trip niya.


Nakita ko si lola na pumasok sa Mansyon kaya agad akong naglakad papunta sa kaniya. Hindi naman masama kung itanong ko sa kaniya kung sino ang kaninang lalaking mukhang hardinero.


"Lola!" I yelled but I stopped when I saw she's with someone else. Iba naman itong lalaking kasama ni lola. I dropped my jaw to see how handsome he was!


Ang dami naman nila. Ilan ba sila rito?


"Just put it there Kiko," lola said to him.


Kiko? I like his name but who is he? what is he doing here too?


Pareho silang napalingon sa gawi ko nang maglakad ako patungo sa kanila. Agad kumunot ang noo ng lalaking nagngangalang Kiko nang makita ako.


"What are you doing here, apo?" Lola asked me. Sumulyap muna ako kay Kiko bago tumingin kay lola.


"I saw a man in the garden! He's so rude! Who's that lola?" tanong ko.


"I think that was Isaiah again Lola," Kiko said and glancing at me.


Isaiah? Galing pa naman sa bibliya ang pangalan niya ta's gano'n siya kabastos?!

"Sumasakit ang ulo ko sa batang iyon," mariing wika ni lola kaya agad naman siya inalalayan ni Kiko. "Call your friend Kiko! Kailangan niyang humingi ng paumanhin sa apo ko."


Agad naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ni lola. Makakaharap ko na naman siya?! Nakakatakot pa naman mukha no'n, parang hindi marunong ngumiti.


Nakita ko agad ang lalaking kagigising lang at hawak-hawak siya ni Kiko sa kaniyang damit sa likuran habang siya ay napapapikit pikit pa at halatang inaantok. Who is he? Bakit iba mukha nito? Tinulak nito ang lalaki sa harapan namin.


Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilalang lalaking hawak niya? Ilan ba sila rito? Bakit parang ang dami nila rito? At sino ba ito? Bakit siya 'yong binitbit sa amin?


Napa angat ang tingin niya sa amin at agad na lumapat ang kaniyang paningin sa akin. He smiled at me dahilan para lumabas ang dalawa niyang dimple sa kaniyang magkabilang pisngi. Nakita ko rin ang mapaglaro niyang nga mata kaya napairap ako sa kawalan.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon