Chapter three
Zecharia
Ngayon na ang araw nang alis ko patungo sa Legazpi. I should be happy right? Dahil hindi ko muna makakasama ngayon si dad, walang magpre-pressure sa akin. Walang magkokontrol ng buhay ko. Dapat ko lamang pagtuunan ng pansin ang sarili ko.
Napabuntong hininga ako at sinuklay ang mahaba kong bagsak na buhok. White V-neck shirt top ang suot ko at maong na pantalon. Kinuha ko ang aking rubber shoes sa ilalim ng kama ko at sinuot ito.Nagpakawala ako ng hininga at inisip kung ano ang mga pwede kong gawin sa Isla ng mag-isa. Maganda naman doon malawak ang Isla ni Lola kung saan nakatirik ang kaniyang Mansyon. Meron din siyang sariling Hotel at meron din siyang sariling planta. Sa sobrang daming negosyo ni lola, hindi mo talagang maipagkakaila na sobrang yaman niya. Hindi naman ako nagyayabang.
Ngayon alam ko na ang rason kung bakit mas gusto ni Lola na manirahan sa Isla sa Legazpi. Dahil walang magbabantay ng kaniyang mga negosyo. Mag-isa lamang siya roon at sa pagkakaalam ko si Aling Gemma lang ang kaniyang kasama. Maliit pa lang kami naroroon na si Aling Gemma pero ngayong babalik ako, hindi ko alam kung nandoon pa rin siya.
Kahit mga bata pa kami hindi ko man lang nasilayan si lolo. Sabi ni lola namatay na raw si lolo simula no'ng pinanganak niya si daddy. Nakakalungkot 'man dahil nimukha ni lolo hindi ko 'man lang nasilayan. Hindi ko rin alam ang dahilan kung ano ang kaniyang ikinamatay dahil hindi rin nasabi sa amin ni lola, siguro ayaw niya lamang iyon pag usapan.
Kinuha ko ang aking maleta at umupo sa carpet sa aking kwarto at nilagay roon lahat ng kakailanganin ko. Charger, Power bank 'tsaka 'yong mga skin care ko. Kinuha ko rin 'yong mga pabango ko at isiniksik sa aking bag.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng aking kwarto at nakita kong niluwa no'n si Zephania. Pumasok siya ng tuluyan at umupo sa gilid ng aking kama.
"What are you doing here? Do you need something?" tanong ko sa kaniya at umiling siya sa akin.
Inayos niya ang kaniyang salamin at umiwas naman ako ng tingin upang ibigay ang aking buong atensyon sa pag-aayos ng aking mga gamit. Baka may nakalimutan pa akong ilagay dito? How about my money? Kailangan ko pa ba iyon e' nandoon naman si lola? I know Lola can give me everything I need.
"Pinapasabi ni mommy na they can't take you to the airport because there was a problem with the company, and they had to leave early," sambit niya at bumuntong hininga ako.
"But don't worry because Ken volunteered to take you to the airport," dagdag niya. Ngumiti lamang ako sa kaniya at isinara na ang aking maleta.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa carpet at nagtungo sa salamin upang ayusin ang aking sarili.
Sumulyap ako sa aking kambal at nakita kong nakatitig siya sa akin, pinapanood ang aking ginagawa. Nakaawang ang kaniyang manipis na labi at hindi ko masyadong makita ang kaniyang maliliit na mata, dahil sa kaniyang malaking salamin.
Maganda naman ang aking kakambal at kung aalisin niya ang kaniyang malaking salamin sa mata talagang malilito ka dahil sa sobrang pagkahawig naming dalawa. Kaya ang pinagkaiba lang namin? Ay 'yong siya may salamin ako wala. Siya mabait at ako ay kabaligtaran niya.
Medyo may pag ka maarte ako at masungit, and yes inaamin ko na iyon. Samantala siya ay mabait at medyo may pagkamahinhin kung gumalaw. Hindi ko alam kung saan niya namana iyan dahil hindi ko naman nakita si mommy na naging mahinhin maski syempre si daddy.
BINABASA MO ANG
Sea of Lies (Isla Series #1)
Teen Fiction[Completed] She likes the Sea. She's as beautiful as the Sea. Her eyes are blue. I always see her here and she told me that the Sea calms her down. I'm so happy when she's with me. My day is completed when I see her. I thought it was nothing, ...