Chapter twenty-three
Zecharia
Hinugasan ko ang aking mga kamay at nag-aalanganin kung babalik pa ba ako sa table nila. Bumuntong hininga ako nang makatapos at kinuha ang phone ko sa aking bulsa. Hinanap ko ang pangalan ni Ms. Geralyn at nag-message request sa kaniya.
Me:
I'm sorry Ms. Geralyn, hindi na ako makakabalik. Masama ang pakiramdam ko.
Pagkatapos ko iyong masent, lumabas ako sa restroom at umikot papunta sa office ko. Doon muna ako nanatili at inubos ang oras ko. Naramdaman kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
Geralyn:
Awts, I hope you're okay.
Me:
Thanks for coming back to my restaurant. I really appreciate it.
Nagtungo ako sa kusina upang tulungan sila doon. Tinulungan ko silang magluto at maghanda. Mas lalong dumadami ngayon ang mga tao at hindi ko maiwasan matuwa roon.
"Ma'am sobrang dami na ng tao. May mga nakapila na po sa labas dahil wala ng available na table," Chef Aguirre said.
Napabuntong hininga ako at nag-isip kung ano ang pwedeng gawin. Sinilip ko ang mga taong nasa labas at sobrang dami na ngang nakapila. Pumasok ako sa office ko upang makapag isip-isip.
Naalala kong magkikita pala kami ni Mr. Vargas. Kinuha ko ang aking clutch at nilagay doon ang phone ko. Nag-message rin ako sa kaniya kung saang cafe kami magkikita at kung anong oras.
Pagkarating ko roon, inaasahan ko na sasalubungin ako ni Kenneth ngunit hindi siya nagpakita sa akin. Umupo ako sa table for two. Sumulyap ako sa counter upang hanapin si Ken ngunit wala talaga siya.
Siguro ay baka may pinuntahan lamang siya kaya wala siya dito sa coffee shop. Hindi lang ako sanay na walang nangungulit sa akin ngayon. Sa tuwing pumupunta kasi ako rito, mukha niya agad ang bumubungad sa akin.
"Ms. Lopez?"
Lumingon ako sa gilid ako at napatayo ako sa gulat nang makita ko siya. Siguro mga nasa 30's or 40's ang edad niya. Kitang-kita sa kaniyang tindig ang pagiging isang professional pagdating sa mga businesses.
"Good morning, Mr. Vargas." Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Good morning too. Let's sit dow first," he uttered.
Kilala ko siya noong bata pa lamang ako. Siya din ang ka-business partner ni dad noon, pero ngayong nawala na ang kumpanya ni dad. Lumipat siya sa akin at inaya akong maging business partner niya.
"I didn't know you had your own restaurant. Nakita ko lang ito sa social media at hindi ko alam na ikaw ang chef owner dito," sambit niya sa akin.
"Yeah, so what shall we talk about?" pormal na tanong ko.
Nakikinig lamang ako sa kaniya habang busy siya sa pagsasalita. Minsan sumasagot ako sa kaniya pag may tinatanong siya. Nanatili lamang akong tahimik dito.
BINABASA MO ANG
Sea of Lies (Isla Series #1)
Teen Fiction[Completed] She likes the Sea. She's as beautiful as the Sea. Her eyes are blue. I always see her here and she told me that the Sea calms her down. I'm so happy when she's with me. My day is completed when I see her. I thought it was nothing, ...