Capítulo 27

68 39 23
                                    

Chapter twenty-seven

Zecharia

Binuksan ko ang pintuan ng Mansyon at inalalayan si lola na pumasok. Ilang araw pa bago nakalabas si lola sa hospital. Si Calil ang kumukuha ng mga gamit sa sasakyan ni lola at binuhat ito papunta sa kwarto ni lola.


Huli naming pag-uusap ay iyong isang araw pa. Hindi ko na siya pinansin no'n matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na naman bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga salita niya. Natatakot ako na baka mas lumalim na naman ito. 

Nakita kong pumasok si Isaiah sa kwarto ni lola at may dala-dala itong pagkain. No'ng isang araw pa sila nandito, kumpleto na naman silang apat na magkakaibigan. Naging maingay na muli ang Mansyon dahil sa kanila. 

Narinig ko rin sa kanila na mamayang gabi gagawa sila ng bonfire sa labas at mag-iinom. Hindi na ako nakisali sa kanila at mas pinili na lamang bantayan dito si lola. 

"Lola, kumain na po kayo." Kinuha ko ang kaniyang breakfast at nilapag ito sa may katabi na table.

"Hanggang kailan ka rito, apo? Aalis ka na ba?" tanong niya sa akin at naramdaman ko ang lungkot sa tono ng kaniyang boses. 

Nilapag ko ang mga kutsara sa kaniyang harapan at ngumiti. Umiling ako at mahigpit na hinawakan ang kaniyang mga kamay.

"Aalagaan pa kita lola. Hindi po ako aalis dito," sambit ko. Sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi.

"You made me happy, apo. Thank you so much." Naramdaman ko ang kaniyang mga bisig na bumalot sa akin kaya niyakap ko din siya pabalik.

Hinayaan ko na lamang muna roon si lola sa kaniyang kwarto. Nagtungo ako sa kusina at napagdesisyon na magluto ng aming pananghalian. Binuksan ko ang ref at naghanap ng maluluto.

May nakita akong isda sa freezer at tingin ko ito ay iihawin nila mamaya. Napalingon ako sa pinto nang marinig kong bumukas ito at nakita kong pumasok si Matteo.

"Uhm, magluluto ka ba? Do you need help?" tanong niya.

"Gagamitin niyo ba ito mamaya?" tanong ko at nilapag ang isda sa may lababo.

"Oo sana pero pupunta na lang ako sa bayan para mamalengke," sambit niya at tumango ako.

"Okay, pakibili na lang ako ng karne at mga pang-sahog, thank you." Ngumiti siya sa akin at tumango.

Napaangat muli ako ng tingin nang makitang tumigil siya sa paglalakad at bumalik sa gawi ko. Tinaas ko ang aking kilay at tinanong siya gamit ang mga mata ko.

"Did you forget something?" I asked.

"Are you a chef right?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at dahan-dahang tumango.

"Uhm yes, why?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Aasahan ko na masarap ang tanghalian natin mamaya a'. I have to go, chef Zecharia." Ngumiti lamang ako sa kaniya habang pinapanood ang kaniyang likod papaalis.

Bumalik ako sa aking ginagawa dito sa kusina. Nagfocus ako sa aking ginagawa at sinaktuhan ang pagtimpla. Bangus steak ang niluluto ko ngayon na natutunan ko kay Mommy.

Napangiti ako nang amoy palang ay napaka bango na. Kumuha ako ng bagong kutsara at tinikman ito at napatango ako nang sakto lamang ang lasa nito. Inihain ko na ito sa may dining area at naghandan ng mga plato.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon