Capítulo 22

92 50 44
                                    

Chapter twenty-two

Zecharia

"Ma'am okay ka lang po ba?" Napalingon ako kay chef Aguirre nang tanungin ako nito.


"Oo naman," nakangiting sambit ko.

Bumalik ulit sila sa pagkwekwentuhan, nakikita kong tulog na at bagsak na ang kaniyang ulo sa may table. Tinawag ko agad si chef Ram at sinabing ihatid na siya sa kaniyang bahay.

"Hindi pa kayo uuwi?" tanong ko sa kanila.

Umiling sila sa akin at binigyan pa ako ng isang baso. Umiling din ako sa kanila at sinabing ayoko na. Wala sa akin maghahatid pauwi kaya hindi ko hinahayaan ang sarili ko na malasing.

Nanatili muna ako ng ilang minuto rito upang hintayin silang matapos. Nakakaramdam rin ako ng kaba dahil baka magkita ulit kami ni Calil. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito.

Kumunot ang noo ko nang maalala na siya ang sumalo kay Ms. Geralyn. Base sa kanilang pag-uusap, talagang napaka-close nila sa isa't isa. Hindi ko alam kung magkaibigan ba sila o mas higit pa roon.

Bumuntong hininga na lamang ako at inangat ang aking paningin. Sinubukan ko silang hanapin pero hindi ko na sila makita. Baka nga umuwi na sila dahil lasing na lasing na rin si Ms. Geralyn.


Nang maubos na ang inumin namin, napag-desisyunan naming umuwi na. Medyo nakakaramdam din ako ng hilo nang makapunta ako sa sasakyan ko.


Hindi naman ako lasing pero kumikirot 'yong sentido ko. Kumapit muna ako sa aking sasakyan at kinalma ang sarili ko. Nang malinaw-linaw na ang nakikita ko sa paligid, pinailaw ko ang aking sasakyan.

"Zech."

Lumingon ako sa aking likod nang may tumawag sa akin. Napaawang ang labi ko at nanlalaki ang mga mata nang makita ko si Calil. Lasing na ba ako?

"Ako na ang maghahatid sa'yo." Kumunot ang noo ko nang agawin niya sa akin ang susi.

"What? No! I can handle myself," sambit ko.

Hindi niya pa rin ako pinansin at basta na lamang ito umikot sa aking sasakyan. Wala sa sariling napairap ako sa kawalan at sinundan siya.

"Hindi mo ba ako narinig? Kaya ko ang sarili ko. I don't need your help," mariing sambit ko.

Lumingon siya sa akin at naningkit ang kaniyang mata. Ngayon ko lang napansin na ang laki ng kaniyang pinagbago. Ang kaniyang patpatin na katawan noon, lumaki na ngayon.

Malinis din ang kaniyang buhok kaya kitang kita na ngayon ang kabuuan ng kaniyang mukha. Mas lalo rin siyang tumangkad at pumuti ngayon.

"Hindi mo rin ba ako narinig? Ang sabi ko ihahatid na kita," seryosong sambit niya.

Nagpakawala na lamang ako ng hininga at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Ayokong magtagal dito at gusto ko nang maka-uwi. Bumabagsak na ang talukap ng mga mata ngunit pinipilit ko lang dumilat. Binigay ko sa kaniya ang address ko.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon