Capítulo 29

88 40 21
                                    

Chapter twenty-nine

Calil

I'm so bored. Gusto kong umalis pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakakasawa na puro na lang ako ayos ng halaman, wala naman nagbabago rito. I took the scissors and cut the grass. Ito na lang ang naiimbag ko rito. Magputol ng mga halaman.

Napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong tao sa likod. Akala ko mga tukmol lang pero halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong ibang tao ang nasa harapan. Ngayon ko lang siya nakita rito. Mukhang hindi siya laking probinsya. I guess, It's one of a lola's visitors again.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang hardinero ako? Really? Alam ko namang hindi maayos ang pananamit ko ngayon, but doesn't she know me?

"I-I'm sorry. I have no intention to insult you. I'm sorry," sambit niya habang nasunod sa akin.

Medyo nakukulitan ako sa kaniya dahil hindi niya talaga ako tinitigilan. Hindi ko sinasadyang sabihin sa kaniya na umalis na siya. Gusto ko lang naman maging tahimik 'yong paligid ko, pero parang sa kaniya alam ko ng imposible iyon dahil sobrang ingay niya.

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya na ikinailing ko. "You will pay for this! Sisiguraduhin kong ikaw ang aalis sa Mansyon. Damn it!"

See? I told you. Masakit sa tenga ang boses niya.

Napabuntong hininga ako nang malaman na totoong apo siya ni lola. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga ginawa at nasabi ko sa kaniya.

Walang reaksyong pinapanood ko siyang naglalakad papunta sa gawi ko at malaki ang kaniyang mga ngisi. Nakita ko sa mga mata niyang kulay asul na inaasar niya ako.

"Sabi ko naman sa'yo e'. Kilalanin mo muna ako. Not interested pala huh?" pang-aasar niya.

Hindi ko pinakita sa kaniya na naiinis ako sa pang-aasar niya, dahil nakikita ko sa mga mata niya na parang may hinahanap siya sa mukha ko.

"Are you done?" Napabuntong hininga ako dahil nakita ko sa mukha niya ang takot.

Umalis na lamang ako sa pwesto ko kanina dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Nagtungo na lamang ako sa kwarto ko at pinagtuunan ng pansin ang mga libro ko.

"Keep an eye on Zecharia. Mukhang matatagalan ako sa Hotel dahil nagkaroon doon ng problema." Bumuntong hininga ako sa sinabi niya. What is she? A kid?

Wala akong nagawa. Hindi ko pwedeng suwayin si lola. Sobrang laki ng naitutulong niya sa akin. Siya ang kumupkop sa akin no'ng walang-wala ako. Siya rin ang nagbigay ng mga pangangailangan ko.

Kahit labag sa kalooban ko sumunod pa rin ako kay Zecharia. Papunta siya ngayon sa Hotel at alam kong makakasalubong namin si Lola. Wala akong nagawa nang hilahin niya ako papunta sa restaurant dahil wala siyang pera. Apo ng mayaman, walang pera?

Hindi ko naman siya iniwan. Nandito lang ako, nakaupo sa malayo habang pinapanood siya. Sinuot niya ang kaniyang shades at hindi na ako nagulat nang umupo siya sa harap ko. May ngiti pa sa mga labi.

Hindi ko alam kung pinagtri-tripan niya ba ako o baka ganiyan talaga siya.

"Pwede ring more than friends."

Hindi ko sinasadyang ibagsak ang basong iniinom ko. Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi niya. I don't know but there seems to be something wrong.

"You should be nice to them, somehow."

Parang nag-panting ang tenga ko sa sinabi niya. Ayoko sa lahat pinapakialaman ang buhay ko at sa gusto kong gawin. Uminit ang ulo ko roon at tinignan siya ng masama.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon