Capítulo 09

154 112 159
                                    

Chapter nine

Zecharia

Panay ang pagbuntong hininga ko habang naglalagay ako ng cereals sa bowl ko and I also made my milk. Hindi kasi ako mahilig mag-heavy breakfast kung kaya't ito lang ang kinakain ko.

After kong sabihin kay Calil iyon? Hindi na siya nagpakita sa akin. Siguro first time niya lang may magconfess sa kaniyang girl.

I finished my breakfast and put my dishes in the kitchen sink. I drank my milk and washed it all. Kumakanta kanta pa ako habang naghuhugas ng mga plato.  After that, I went out of the kitchen to go to my room. Umakyat ako sa hagdan at nadaanan ko pang nakabukas ang mga room nang magkakaibigan.

Sumilip ako roon and I was amazed because their furniture in the room was well organized. I don't know if they do this or baka si Aling Gemma? I just shrugged and entered my room.


Nagbihis ako ng panibagong damit. I just wore a white cami dress and tied my hair into a ponytail. I went to my balcony and fresh air immediately greeted me. Dagat agad ang una mong makikita dito at ang perpektong napakagandang bulkan. Napakagandang tanawin.

Gusto kong lumangoy sa dagat. Maybe next time? Gusto ko pa kasing lumibot sa iba't ibang lugar dito sa Legazpi.

Umalis ako mula sa pagkakahilig sa aking terrace at pumasok na sa loob. I went out of my room to go downstairs and look for my lola. This past few days I've noticed, lola was very busy with her businesses. I don't know what's going on but I want to ask her.

Nadaanan ko ang isang kwarto at kung hindi ako nagkakamali kay Calil ito dahil amoy pa lang. When I entered his room sobrang dilim, kaya hinanap ko pa ang switch ng ilaw niya at pagkabukas ko, nakita ko kung gaano kakalat ang kaniyang mga gamit.

Really? Ang ayos ayos niya sa katawan niya pero hindi ko akalain na sobrang burara niya pala sa kaniyang mga gamit.

Papalabas na sana ako sa kaniyang kwarto nang mahagip ko ang kaniyang I.D. na nakasabit sa doorknob. Kinuha ko ito at tinignan. I read his name and my lips parted when I saw him in section A. Matalino.

Calil Tan Romero.

Pagkababa ko nakita ko agad si Kiko na papunta sa kusina. Agad ko siyang sinundan upang tanungin kung nasaan si lola.

"I just want to ask where's my lola? Kanina ko pa siya hinahanap. Did she go home?" I asked without looking at him.


"Hindi ko nga rin alam kung nasaan si lola mo e'. Paniguradong may problema sa Hotel kaya hindi siya nakauwi," sambit niya habang hinihiwa sa maliliit ang apple.

What? Something happened at the Hotel?! Gusto kong tumulong kay lola pero hindi ko naman alam kung papaano. Napagdesisyunan ko na lamang na magtungo doon at dalhan siya ng pagkain.

Tumingin muna ako sa ref kung ano ang maluluto ko. Nakita ko sa freezer ang karne kaya kinuha ko ito at nilagay sa lababo. Pagkatapos kong magluto, kumuha ako ng tupperware at nilagay ito dito.

"Marunong ka pala magluto?" Napalingon ako kay Kiko nang magsalita siya.

"My mom taught me to cook. Kaya eto medyo gumagaling na," sambit ko.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon