Chapter eleven
Zecharia
Pinapanood ko mula rito ang pagbaba ng araw. Kung naririto lang si Zephania paniguradong matutuwa siya habang pinapanood kung paano ito lumubog. She likes sunset.
Tumingin na lamang ako sa malayo at wala sa sariling nahawakan ang necklace na suot-suot ko. Naalala ko na naman ang kahapon. Nilubog ko na lamang ang sarili ko sa tubig upang mawala ang mga iniisip ko, nakababad lamang ako dito sa dagat. Malamig-lamig na ang simoy ng hangin dahil magtatakip silim na. Maya-maya ay umahon na rin ako.
Nang makapasok ako sa kwarto ko, I went to my bathroom to take a shower. Ilang minuto ako bago natapos. I wore pajamas and brown loose shirt. I lay down on my bed and spent time playing on my phone. Sa kalagitnaan nang paglalaro ko, may narinig akong ilang katok sa pinto. I glanced at the door to check if it was locked.
"Come in," nang makitang hindi ito naka-lock.
Napa-ayos ako ng upo nang makita ko si lola ang pumasok. Bumalot sa aking dibdib ang kaba dahil pakiramdam ko uungkatin niya ang nabagsak kong sem. Mas nakakatakot magsermon si lola kaysa kay daddy.
"Nage-enjoy ka ba rito, Zecharia?" she asked. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Yes, of course lola. Sobra po," I uttered.
"Good to hear that," she uttered.
Naghari muli sa amin ang katahimikan at inaantay ko lamang siya na sermunan ako pero walang nangyari. Nakangiti lamang siya sa akin at nakatitig. Hindi ko mabasa kung ano ang kaniyang iniisip.
"What brought you here, lola? May sasabihin ka po ba?" tanong ko.
"If you having a hard time, you can call me if you want Zecharia. You don't need to feel pressure. Kung pagod ka na? Then rest. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo."
Umiwas ako sa kaniya ng tingin at may kung anong pumasok sa isip ko. Ngumiti ako kay lola at sinabi sa kaniya ang mga naririnig ko sa mga ka blockmates ko.
"Lola is it true that grades do not define you as a person?" Iyon kasi ang lagi kong naririnig na advice sa mga blockmates ko noong nalaman nilang bumagsak ako.
"Yes, Grades do not define you as a person but it will definitely tell what kind of a student you are, so grades do matter."
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Tama nga naman si Lola. Grades ang nagsasabi kung anong klaseng estudyante ka.
"H'wag mong icomfort ang sarili mo sa salitang grades are just a number. Kung lagi mong sasabihin iyan, you will never strive to be better. But instead have this mindset, my grades today do not define tomorrow, kaya babawi ka. Mas gagalingan mo." Ilang salitang nakapagpabago sa isip ko. "Seek to excel, do not settle for less."
"Your words inspired me, lola. Thank you so much," I said and hug her tightly.
"Your always welcome, apo."
Ilang minuto kaming nagkwentuhan ni Lola sa kwarto bago namin naisipan bumaba upang mag dinner. Kaming dalawa lamang sa table dahil nauna na ang apat na matapos.
Pagkatapos naming kumain, kusa ko nang tinapos ang mga hugasin sa kitchen sink. Kami naman ang kumain kaya ako na lang maghuhugas ng mga pinagkainan. Sumulyap ako sa orasan at nakitang alas-nuebe na ng gabi.
Napalingon ako sa pintuan nang makitang bumukas ito at niluwa no'n si Kiko. Dumeretso ang tingin niya sa akin at nagulat pa nang makita ako.
BINABASA MO ANG
Sea of Lies (Isla Series #1)
Novela Juvenil[Completed] She likes the Sea. She's as beautiful as the Sea. Her eyes are blue. I always see her here and she told me that the Sea calms her down. I'm so happy when she's with me. My day is completed when I see her. I thought it was nothing, ...