Capítulo 17

137 93 122
                                    

Chapter seventeen

Zecharia

Napadilat ang mga mata ko dahil sa liwanag na tumapat sa aking mga mata. Umupo ako sa hinihigaan kong kama at lumingon sa katabi ko. Inabot na kami ng gabi ditong dalawa kaya napagdesisyon naming dito muna mag-stay ng isang gabi.

Inayos ko ang strap ng dress ko at naglakad palabas. Nagtungo ako sa kusina upang uminom ng tubig na malamig. Pagkatapos, binalik ko ang tumbler sa loob ng ref at bumalik sa kwarto.

Kumunot ang noo ko nang makitang hindi mapakali si Calil. Lumapit kaagad ako sa kaniya at nakitang binabangungot siya. Umupo ako sa kaniyang tabi at hinawakan ang magkabilang pisngi.

"Hey Calil, wake up. Nandito ako wake up," sambit ko at mahinang tinatapik ang kaniyang pisngi.

Bigla kong naalala sa kaniya si Zephania. Ganitong-ganito rin siya sa tuwing nanaginip ng masama. Mahigpit ko lamang niyayakap ang kakambal ko at hinahawakan ang kaniyang kamay upang maramdaman niyang naririto ako.

Gano'n ang ginagawa ko kay Calil ngayon hanggang sa magising siya. Tumatagaktak ang kaniyang pawis at hinahabol ang kaniyang hininga.

"I'm here. Don't be scare okay?" malambing na sambit ko sa kaniya.

Nakita ko kung paano ang takot sa kaniyang mga mata ay unting unti nang nawawala. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umiwas ng tingin sa akin. Kumuha ako ng tubig sa kusina at binigay sa kaniya iyon.

"Sorry naabala ko pa ang pagtulog mo," sambit niya sa akin at mabilis akong umiling.

"No. It's okay. Gising na talaga ako kanina pa," sambit ko sa kaniya. Pinunasan ko ang kaniyang noo gamit ang aking mga palad.

"Thank you for always being there by my side," umiling ako sa kaniya at ngumiti.


"I should be the one saying that. Kahit minsan may topak ka," sambit ko at pinisit ang kaniyang ilong na ikinatawa niya.

Tinanggal niya ang kamay ko sa ilong niya at mahigpit akong niyakap. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kaniyang ginawa at bumilis ang tibok ng puso ko.


"Are you okay now? Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang panaginip mo?" tanong ko sa kaniya.

"Nothing. Just in my past," mahinang sambit niya kaya lumingon ako sa kaniya.

Bumitaw siya ng pagkakayakap sa akin at tinitigan din ako. Nakikita ko na naman sa kaniyang mga mata na punong-puno ng problema katulad noong sa una naming pagkikita.

"You can trust me. Pwede mong sabihin sa akin," sambit ko sa kaniya.

Umiling siya sa akin at ngumiti. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. Naghari sa amin ang katahimikan at tanging pagbuntong ng hininga niya lamang ang naririnig ko.

"My dad." Napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya. "He killed my mom."

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig at lumingon sa kaniya. Walang reaksyon ang kaniyang mukha ngunit makikita mo sa kaniyang mga mata ang sakit na iniinda niya.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon