Capítulo 18

127 88 114
                                    

Chapter eighteen

Zecharia

Lumipas ang ilang linggo hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ko, matatapos na ang dalawang buwan ko at malapit na akong umuwi sa Manila.

Napasulyap ako sa phone ko at naalala ang pag-uusap namin ni Zephania kagabi, sinabi niya sa akin na sobrang excited na niya akong makita. Sa wakas ay makakauwi ulit na raw ako.


"Hihintayin kita, sobrang na-miss kita."

Kung ano-anong pumasok sa isip ko. Sobrang dami kong gusto ngayong gawin pero hindi ko magawa. Ang tamlay tamlay ko ngayon at parang wala akong kagana-gana kumilos.

Bumuntong hininga ako nang may marinig na naman ako na katok. Agad akong humiga sa kama ko at nagpanggap na tulog. Hindi ko minumulat ang mata ko kahit narinig kong bumukas ito.

May kung ano na naman akong naramdaman na kirot sa dibdib ko nang makilala ko kung sino ito. Alam na alam ko na ang amoy niya kaya kahit hindi ko lingunin, alam kong si Calil ito.


Narinig ko ang mga yabag ng paa niya papunta sa gawi ko. May narinig din akong ingay ng mga kutsara at sa palagay ko ay dinalhan niya ulit ako rito ng pagkain.

Bababa naman ako dapat mamaya pero talagang wala akong gana ngayon.


Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko siyang umupo sa may gilid ko. Gusto kong idilat ang mga mata ko nang hawakan niya ang gilid ng buhok ko at nilagay iyon sa likod ng tenga ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin siya sa akin. Hindi ako nagpapakita sa kaniya nitong mga nakaraang araw at ayaw ko siyang kausapin, pero eto nandito siya ngayon. Ni hindi niya man lang ako tinatanong kung bakit ganito ang trato ko sa kaniya.

He was always like that. Sobrang bait niya sa akin. Lagi niyang pinaparamdam sa akin lahat ng sinasabi niya, na mahal niya ako. Hindi siya nagkulang.

Naramdaman ko ang malambot niyang labi na humalik sa noo ko. Gustong gusto ko siyang yakapin ngayon dahil sobrang miss na miss ko na siya pero hindi ko magawa. Narinig ko na lamang sumara na ang pintuan ng kwarto ko.

Kusang dumilat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang pagkain na nakalapag sa maliit na table ko. Umupo ako sa aking kama at tinitigan lamang ito.

Ilang minuto ako nagkulong sa kwarto ko at kinain ang dala niyang pagkain. Nagtungo ako sa aking banyo upang maligo at makapagpalit na ng damit. Nagsuot lamang ako dress na kulay asul na siyang bumagay sa kulay ko.

Tinanggal ko ang necklace ko at tinago ko muna ito sa aking drawer. Kinuha ko ang phone ko at lumabas na ng Mansyon. Sobrang tahimik sa labas at tingin ko wala atang tao.

Pero nagkamali ako, nakita ko agad si Calil na nasa sala at nakahiga sa sofa. Sanay na sanay siyang matulog doon. Lumapit ako sa kaniya at nakita kong puyat siya. Nagtataka ako kung natutulog ba siya gabi-gabi? Kitang-kita rin ang pagod sa kaniyang mukha.

Magtutungo na sana ako sa kusina upang uminom ng tubig, ngunit natigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Napaawang ang labi ko at bumalot sa aking dibdib ang kaba.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon