Epílogo

108 29 10
                                    

Epilogue

Zecharia

Tumakbo kaagad ako sa pintuan ng Mansyon nang malaman kong naririto na sila Mom at Zeph. Sinalubong ko sila at tinulungan mag-bitbit ng kanilang mga gamit papunta sa kanilang mga kwarto.

"Tama ka nga, laki na ng pinagbago ng Mansyon." Napatingin ako kay Zeph nang magsalita siya.

"How's your lola?" tanong ni mom.

"Sa ngayon, okay okay naman po siya mom. You've nothing to worry about her," sambit ko.

"Pasensya na kung ngayon lang kami nakapunta. Di ko kasi ma-clear ang schedule ko. May pa billboard na kasi si manager," nakangising sambit niya na ikinanlaki ng mata ko.

"Really? Congrats!" masayang sambit ko sa kaniya.

Sinamahan ko ang dalawa na pumunta sa kwarto ni lola. Pagkapasok namin, nakita ko agad siya na naka-upo sa kaniyang rocking chair at may binuburda na naman. Napalingon siya sa amin at sumilay ang kaniyang mga ngiti sa labi nang makita sila mommy.


"Emilia, nice to see you again. How are you?" nakangiting tanong ni lola kay mom.

"Okay na po ako mama. Ikaw? Kamusta na ang lagay niyo?"

Nagtungo ako sa labas upang bigyan sila ng privacy. Nagtungo ako sa kusina upang ipagluto sila. Napa-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Zephania.

"What are you doing here? Naka-usap mo na ba si lola?" tanong ko sa kaniya.

"Nope, nag-uusap pa sila ni mom. Mamaya na lang pagkatapos nila," sambit niya at tumango na lamang ako.


Tinulungan niya ako mag-luto dahil wala naman siyang magawa. Mamaya balak ko ipakilala kay mom si Calil. Siguro ito na ata 'yong oras naming dalawa at hindi ko na sasayangin 'yon. I will never let him go again.

Pagkatapos naming magluto, ako na ang nag-asikaso sa dining area. Nakakapagtaka dahil wala rito ang apat na magkakaibigan. Kahit si Calil hindi ko rin siya nakita rito sa Mansyon.

Bumuntong hininga na lamang ako at inisip na baka umalis ang apat. Umakyat ako sa kwarto ni lola upang tawagin silang dalawa at makakain na.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Natigilan ako nang makita ko si Dad ang pumasok.

Hindi ko alam pero kusa akong napalingon kay Mom na ngayon ay tuloy-tuloy lamang sa pagkain. Hindi ko alam pero after 5 years ngayon lang silang nagkitang dalawa. Gusto ko 'mang ma-ayos ang pamilya namin pero ayoko munang mahirapan si mommy.


"Hey Zachary, makisabay ka na sa amin," sambit ni lola.

Tinuloy ko na lamang ang pagkain ko kahit na damang-dama mo ang sobrang awkward sa pagitan namin. Lumingon ako kay Zephania nang makitanh nakatitig ito sa akin.

"Nakatira pala siya rito." Kumunot ang noo ko sa bulong niya. "Is he with his new wife?"

"Zephania," mariing bulong ko.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon