Capítulo 14

125 99 158
                                    

Chapter fourteen

Zecharia


Paangat pa lamang ang araw at nandito na ako sa labas, nakaupo sa duyan na nasa ilalim ng mga palm tree. Nakatulala lamang ako at nagmumuni-muni.

Hindi ko alam kung paano ko masasabi kay Kenneth na ang deal na tinanggap ko nauwi sa totohanang nararamdaman. Ayokong malaman niya ang deal namin ni Kenneth.

Ngayong unting-unting na akong nahuhulog sa kaniya, ang dami ng mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Ang pag-uwi ko pagkatapos ng dalawang buwan. Maiiwan ko siya dito at pakiramdam ko parang hindi ko kaya.

Bumuntong hininga ako at dinuyan ang inuupuan ko. Tinitigan ko ang dagat na payapa ngayon. Walang alon at kalmado lamang. Sa tuwing ganiyan siya nahahawa na rin ako. It calms me down too.

May narinig akong yapak na papunta sa gawi ko. Nilingon ko agad ito upang makita kung sino ito, nakita ko agad si lola na papunta sa gawi ko.

"Maaga pa bakit nasa labas ka na apo?" she asked.

Umusog ako upang bigyan siya ng space at makatabi sa akin. Umiwas ako sa kaniya ng tingin at pinaglaruan ang aking mga daliri.

"Mukhang malalim ang iniisip mo kanina. May problema ba, apo?" Agad akong umiling sa kaniya at ngumiti.

"Wala naman po. I'm fine lola," sambit ko.

"Hindi iyan ang nakikita ko sa mga mata mo," bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin.

"What is it? Sabihin mo sa akin nang makatulong ako sa 'yo," seryosong wika niya.

"I'm in love," deretsuhang sagot ko.

Naghari sa amin ang katahimikan. Hindi ko naman siya masisi kung magugulat siya sa sinabi ko.

"Your in love? To whom?" nagtatakang tanong niya.

Lumingon ako sa kaniya at halos umurong ang dila ko nang sasabihin ko ng Calil. Hindi ko alam kung handa ba akong sabihin sa kaniya iyon.

"Wala po pala. Biro ko lang po iyon," pagbawi ko sa mga sinabi ko.

Hindi ko alam kung naniwala ba siya sa mga sinabi ko. Dapat pala hindi ko muna sinabi. Apo niya si Calil, apo niya rin ako. Apo niya kaming dalawa tapos malalaman niya na may namamagitan pala sa aming dalawa. Kinabahan kaagad ako sa sarili kong naisip.

"It's okay if you're not ready to tell me yet, I won't force you. Pero gusto ko lang malaman mo na pag-isipan mo lagi ng mabuti ang mga desisyon na gagawin mo. Isipin mo kung makakaapekto ba ito sa 'yo o sa mga taong nasa paligid mo," payo sa akin ni Lola.

Naramdaman kong hinaplos niya ang aking buhok. Ngumiti lamang ako sa kaniya at pinagtuunan ng pansin ko na lamang ang dagat.

Wala akong magawa ngayon sa Mansyon kaya sa sobrang boring, naisipan ko na lamang na ayusin ang aking mga gamit sa kwarto. Inaayos ko sa pagkakatupi ang aking mga damit at nilalagay ko din sa tamang pwesto ang mga picture frames sa study table ko.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon