Chapter 3

1.6K 46 1
                                        

Masaya ako na magaan ang loob ni sarah sakin at kay davi pero nalungkot ako sa sinabi nya na straight sya, well ako din naman ea pero hindi ko maintindihan bakit ganito nga ba nararamdaman ko. I'm still confused about my feelings for her. Madami nakong nakilala na magaganda pero bakit ibang iba yung pakiramdam kay sarah? Naguguluhan nako, lord please help me. Normal paba tong nararamdaman ko? Tanong ko sa isip ko

Saglit kaming natahimik. Tinitignan ko lang si Sarah na kumakain ng brownies. Bakit ba ang ganda nya? Bakit sa tuwing nakikita ko sya masaya ako, bakit sa tuwing tititigan nya ako bumibilis bigla tibok ng puso ko, bakit?....

Sarah's PO'V

Ansarap naman ng brownies nato sabi ko sa isip ko. Sarap na sarap akong kumakain ng brownies ng mapansin ko na nakatitig lang sakin si tanch, ano kayang problema nya? Bakit titig na titig sya sakin? Nakakailang pero pasimple ko syang tinatapunan ng tingin. Ang ganda nya talaga, Ang amo ng mukha nya at Ang pula pa ng labi nya. Bigla akong napaisip.

Teka Sarah ano ba iniisip mo huyy? Straight ka diba? Babae yang kaharap mo hindi lalaki kaya umayos ka. Sabi ko sa sarili.

Minabuti kong tanungin si tanch kung may dumi ba sa mukha ko at para narin mawala yung malagkit nyang titig sakin.

Ah, tanch may dumi ba ako sa mukha?

"A-ah ha?.. ah wala, wala naman."

Sigurado ka? Baka kase meron ea, kung makatitig ka kase parang gusto mokong jowain, pabirong sabi ko sabay tawa.

"Kung pwede lang bakit hindi?.." pabulong na sabi nito.

Ha? Ano? Pakiulit nga hindi ko narinig.

"Ha? Ahh, ang sabi ko kain ka lang ng marami."

Nagtataka man pero alam kong hindi yon ang sinabi nya, nanatili nalang akong tahimik at kumain na lamang ng brownies. Baka nga guni guni ko lang yung narinig ko.

Sakto namang bumaba si davi pagkatapos nito magbihis at agad naman itong pumunta kay tanch na may dala dalang polbo.

Mommy... Tapos napo ako magbihis, ito napo yung polbo.. sabay abot kay tanch

Habang nilalagyan ng polbo ni tanch ang likod ni davi ay masaya ko lang silang pinapanood.

Ang sweet naman ng mag ina nato, napakabobo naman ng asawa ni tanch bakit pa nya pinakawalan ang isang tanchellie lobete ea nasa kanya na ang lahat. Siguro ang swerte ng magiging asawa nito pagnagkataon.

Bigla ko namang naisip na ako yung naging asawa ni tanch at kung nagkataon sobrang swerte ko naman to have Davi and tanch in my life... Hindi ko namalayan na natapos na palang lagyan ng polbo ni tanch si davi at nahuli nya akong nakatingin habang nakangiti sa kanila.

"Huyy, friend okay ka lang?" Tanong nito na nakapagpabalik sakin sa realidad...

Ha? Ah, oo okay lang ako.. nahihiya man ay pinilit kong mag isip ng dahilan para hindi nya ako mapansin na kinikilig.

"Weee? Iba yung ngiti natin jan ah, share mo naman."

Ano ba Sarah mag isip ka ng idadahilan mo. Ah, ang sarap nyo lang kasing panoorin, ang sweet nyo sa isat isa. Sabi ko sa kanya

"Ah, akala ko ano nang dahilan ng ngiti mo ea." Sabay tawa

Nagpasya nakong umuwi para hindi nako mag isip isip ng kung ano ano sa harapan ni tanch.

Tanch uuwi nako, baka hinihintay na ako nila toby at tiby.. pagpapaalam ko

"Oh, sure sigi hatid na kita.."

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon