Chapter 22

1.4K 62 7
                                    

Flashback..

Nung nalaman kong buntis ako sa boyfriend ko na si dave daddy ni Davi, natakot ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakipag kita ako kay dave para ipaalam sa kanya na buntis ako, akala ko magiging masaya sya pero nung sinabi ko yon nagbago ang expression ng mukha nya. Sinabi nyang ipalaglag ko daw ang bata kase hindi nya pa kayang maging ama, ang sakit sa puso nang marinig ko ang mga sinabi nya, nagalit ako sa kanya napaka walang kwenta nyang lalaki sarili nyang anak gusto nyang patayin. Nakipaghiwalay ako sa kanya ipinaalam ko rin kina mommy na buntis ako at nagalit sya hindi pa daw ako nakagraduate pero nagkaanak na daw ako, kasalukuyan akong nasa 4rth year college non hindi kona alam kung san ako lalapit pinilit kong magpalakas para sa anak ko, pinilit kong makapagtapos ng pag aaral ko para makahanap ako ng trabaho. Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho sa online non nung biglang sumakit ang tiyan ko alam kong lalabas na ang anak ko kaya naman tinawag ko sila mommy na idala ako sa hospital. Agad naman silang nakatawag ng ambulance at dinala ako sa pinakamalapit na hospital, pagkalabas ni davi don ko naisip na kailangan kong maging matatag para mabuhay ko mag isa ang anak ko, ni hindi ako binibigyan ng sustento ni dave para sa anak namin ayoko ding umasa pa sa lalaking yon kaya nang makafully recover ako sa panganganak ay nag umpisa akong maghanap ng trabaho, kahit waitress pinapasukan ko para lang may maipakain kay davi lahat ng pagod at hirap ko unti unting nagbunga. Isang sikat na company ang nag alok sakin na maging model nila nakitaan daw nila ako ng potential kaya napag isipan nilang ihire ako, hindi nako nagpaligoy ligoy pa tinanggap ko Ang alok nila dahil narin sa magandang sahod. Lumalaki narin si davi at hinahanap nya ang daddy nya ayoko sanang ipakita kay dave ang anak ko pero naisip kong may karapatan din syang makilala at makita ito ng personal, dahil narin sa kagustuhan ni davi kaya ako napapayag na magkita sila sobrang saya ni davi non nung una nyang masilayan si dave, medyo may hawig silang dalawa kaya mahahalata mong mag ama talaga sila. Pinayagan kong mag stay si davi kay dave ng isang araw gusto nya rin daw maalagaan si davi, kahit masakit sakin pumayag ako para sa ikakasaya ng anak ko. Medyo nakakapag ipon narin ako dahil sa pagmomodel ko kaya naman naisipan kong magpatayo na ng sariling bahay, nakakapag bigay narin ako kila mommy non at nakakuha narin ako ng mag aalaga kay davi habang wala ako sa tabi nya. Naging okay naman ang takbo ng buhay ni davi non kahit na hiwalay kami ng daddy nya hanggang sa isang araw itinanggi ni dave na anak daw nya si davi. Bigla kasing dumating ang bago nyang kinakasama at tinanong sya nito kung kaano ano nya si davi, tinanggi ni dave si Davi sa harap pa mismo namin. Kinuha kona si davi tsaka inilayo sa ama nya yung mga ngiti nya nung una silang magkita ay nawala na, alam kong nasaktan sya don sa sinabi ng daddy nya maski ako nasaktan don. Simula non naging malayo na ang loob ni davi sa daddy nya ngumingiti naman sya pero hindi katulad nung una silang magkita ni dave. Simula dumating si Sarah sa buhay namin don ko nalang ulit nakita si davi na ganito kasaya.

End of flashback...

Tanch? Tanch? Huy okay ka lang? Kanina kapa natutulala ah may problema ka?

Bumalik ang isip ko sa realidad ng marinig ang boses ni sarah nakabalik na pala sya.

Ha? Ah wala ngayon ko nalang kase ulit nakitang ganyan kasaya si Davi ea.

Talaga? Hindi ba sya ganyan kasaya dati?

Hindi ea, ikaw lang yung nakapagpangiti ulit sa kanya ng ganyan.

Mommy, mamu look oh ang dami po natin nakuha.

Tara baby ipapalit na natin yan. Masayang sabi ni sarah

Napapangiti nalang talaga ako sa dalawang to magkavibes na magkavibes talaga sila ea, nakahanap lang ako ng katapat ko napaka kulit pa naman ng dalawang to. Sinundan ko lang silang dalawa papunta dun sa cashier para ipapalit yung tickets nila, tinuro ni davi yung isang minion si bob sobrang saya ni davi nang makuha nila yon. Agad naman niyakap ni Davi si bob kitang kita ko din ang saya ni sarah, Sino bang hindi mahohooked sa personality ng babaing to? Niyakap ni davi si Sarah saka kiniss sa lips, nagulat ako sa ginawa ni davi maski si sarah nagulat din alam ko ang ibig sabihin ng kiss na yon ni davi. Gu-gusto nyang maging ina si sarah, sa tagal ng panahon si Dave lang ang kiniss nya ng ganyan maliban kay mommy at sakin, pasado si sarah kay davi hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa labi ko nakatitig lang ako sa kanilang dalawa.

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon