Nang biglang bumukas ang pinto ng bahay ko at naout of balance ako kaya naman napahiga ako sa sahig.
*Blag*
Aray, ang sakit ng pwet ko..
Ayy ma'am kayo po pala pasensya napo akala kopo may magnanakaw. Sabay alalay sakin para makatayo ako
O-ok lang po ate may pasensya napo nagising kapa namin. Paghingi ko ng paumanhin kay ate may
Tinignan ko naman si sarah na halatang nagpipigil ng tawa nya, aba pagtawanan daw bako? Nasaktan na nga ako ea, tss badtrip naman oh good night kiss kona yon ea huhu, kanina yung panaginip ko ngayon naman yung kiss ko ano pabang susunod? Ramdam kong namumula na ang pisngi ko sa kahihiyan at sa sobrang inis. Nakakainis naman talaga.
Pasensya napo ate may hinatid ko lang po si tanch, matulog napo kayo ulit. Nakangiting sabi ni Sarah
Ngumiti naman si ate may saka bumalik sa kwarto nya para matulog ulit, tinignan ko naman si Sarah na tawang tawa at nakahawak na sa tiyan nya. Nakakainis napahiya ako don ah, mas lalo pakong nainis sa mapang asar kong girlfriend tss.
Anong tinatawa tawa mo Jan? Pagsusungit ko
Hahaha, na-natata hahahaha aray aray ang sakit hahahaha ang sakit ng tiyan ko hahahaha teka lang saglit hahahaha.
Tss, wala akong naintindihan puro tawa lang. Grrr! -_- Sarah Garcia!!! Kasalanan moto ea bakit kase sa pintuan mopa ako sinandal? Hayst kainis talaga.
Bahala kana nga jan, umuwi kana, naiinis ako sayo. Sabay sarado ng pinto
Hanggang ngayon rinig ko parin ang tawa ni Sarah sa labas. Tsss! Ilang saglit lang narinig ko naman ang sasakyan nya na umandar kaya sumilip ako sa bintana. Pinarada na nya ito sa garahe nya tsaka pumasok ng bahay nya, napabuntong hininga nalang ako sa nangyari kanina ang galing magtiming ni ate may ah saktong sakto. Umakyat na ako kaagad sa kwarto ko para maghalfbath at makatulog na medyo madami ang nangyare ngayong araw nato pero hindi parin ako makapaniwala na kami na ni Sarah.
Sarah's PO'V
Hanggang ngayon ang sakit parin ng tiyan ko sa kakatawa, hindi kase mawaglit sa isipin ko ang nangyari kanina ang galing lang ni ate may kase saktong sakto. Pagkatapos kong maiparada sa garahe ang sasakyan ko agad naman akong pumanik paitaas para maghalfbath, ewan koba hindi ko maitago yung saya ng nararamdaman ko lalo na pag iniisip kong kami na ni tanch. Nang matapos nako mag halfbath nagbihis ako kaagad at pagkatapos ay kinuha ang phone ko sabay humiga, naalala ko namang itext si tanch hindi nga pala ako nakapag goodnight sa kanya kanina. Pagkasend ko ng text kay tanch binuksan ko naman ang messages ni jerome, may surprise daw sya sakin na tiyak ikakatuwa ko. Ano naman kaya yung surprise nayon? Ikakatuwa ko nga ba talaga? Inaamin ko natatakot akong sabihin kay Jerome na tumigil na sya sa panliligaw sakin lalo na ngayon may tanchellie nako pero pano koba sasabihin? Ayoko masaktan si jerome pero mas masasaktan sya pag pinatagal kopa, haystt sarah dapat kase hindi muna pinayagang manligaw sayo si jerome ikaw tuloy nahihirapan sa lagay nato. Hindi rin pala alam ni tanch na patuloy parin si Jerome sa panliligaw sakin, patay na talaga ako neto.
Inalis ko muna sa isipan ko si jerome, kailangan ko din palang icheck yung schedule ko kung kelan ulit ang lipad ko. Sa makalawa pa pala may time nako para sabihin sa girlfriend ko na aalis nanaman ako, teka bakit ganito?nalulungkot ako pag alam kong malalayo ako kay tanch hay walang duda tinamaan talaga ako sa babaing yon. Speaking of tanch nagreply naman ito sa text ko, buti nalang hindi na sya naiinis sakin Sino ba naman kasing hindi matatawa sa nangyari kanina diba? Bago ko patayin ang phone ko pinalitan ko muna yung name ni tanch sa phone ko tsaka pinalitan ko din yung wallpaper ko yung magkakasama kaming tatlo nila Davi. Ang sarap naman tignan para talaga kaming pamilya sa lagay nato, inilapag kona ang phone ko saka ipinikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...